[4] Conflicts

21.2K 362 19
                                    

KINABUKASAN ang itinakdang burol para sa lola ni Xienna

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

KINABUKASAN ang itinakdang burol para sa lola ni Xienna. Ang lahat ng tao sa nayon ay abala sa pag-aasikaso ng lugar kung saan gaganapin ang burol. Abala na ang piling kababaihan sa pamimitas ng bulaklak. Samantala, buong maghapong sinamahan ni Sue ang bata sa paglilibot sa bayan. Nakipaglaro, nakipagkwentuhan para lang malibang ang bata at makalimutan ang aksidenteng nangyari.

Pinagmasdan niya ang bata na naka-upo sa kanyang tabi. Para sa kanya ay isang itong matatag na bata. Isang batang mulat na sa mga nangyayari sa paligid, isang batang nakakangiti sa gitna ng sakit. Isang matapang na bata.

Binigyan siya nito ng ispirasyon. Inspirasyon na makakatulong sa pangarap na libro.

Hindi siya sigurado sa tagal ng ilalagi niya sa islang iyon. Wala pa siyang ideya sa mga kakaharaping pagsubok sa mga susunod na araw.

Naging tahimik ang libing. Tanging pag-iyak lang ni Xienna ang maririnig habang tinatabunan ng lupa ang kabaong. Sandali pa lang siya nananatili sa lugar na iyon pero napakarami na niyang nasaksihan at napagdaanan. Marahan siyang humakbang paabante at pumantay sa kung nasaan si Rica at ang ama nito.

"P'wede bang magtanong?" tanong niya kay Rica sa kanyang tabi. Naaninag niya ang agarang paglingon nito sa kanya. "Bakit gano'n na lang ang tingin niyo sa akin?"

"Anong ibig mong sabihin?"

"Kung ako ang nasa katayuan mo ay mag-aalangan akong tumulong sa isang taong hindi pamilyar sa akin. Naiintindihan mo ba ang pinupunto ko?" Humarap siya rito. "Sa mundong ito hindi mo alam kung sino ang dapat paniwalaan sa hindi. Ang mundong ito'y parang isang ilusyon. Namamanipula ng kapangyarihan ang mga bagay-bagay base sa nababasa ko sa mga libro."

"Dahil espesyal ka, Sue." Ngiting sagot nito.

Kumunot ang noo niya sa narinig. Siguro nga'y ganoon ang tingin sa kanya ng mga tao sa kanyang paligid. Kahit sino naman ay papalakpak ang tainga kapag nakarinig ng salitang 'espesyal' pero hindi sa ganitong sitwasyon. Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon na lang ang tingin ng mga ito sa kanya. She's just an ordinary girl from an ordinary world. Nothing more. Nothing less. Presumably, she was special when they figured out that she came from a normal world and manage to crossed into their world.

"Maaring isang ordinaryong nilalang ang tingin mo sa 'yong sarili. Ngunit, kung tatanungin mo kami'y napakalaki ng importansya mo sa amin, sa mundong ito." Pagkakataon naman nito para tumingin sa kanya. "Ang tadhana ang nagtatakda ng lahat. Halimbawa, si Xienna itinakda siyang taglayin ang kakaibang kakayahan. Sinasabi nilang malas siya ngunit iyon ay dahil tiningnan lang nila ang pagkatao niya sa kung ano ang maling nagawa niya. Itinatak ng karamihan sa isip nila na puro kamalasan lang ang dulot niya. Hindi nila ito tiningnan bilang isang biyaya. Tulad mo, narito ka dahil isa kang biyaya para sa amin."

Bumaling ang paningin niya sa bata hindi kalayuan sa kanila. Diretso itong nanonood sa pagsayaw ng apoy sa harapan at tila ba nakatulala. Sa murang edad nagawa nitong tanggapin at tiisin ang panghuhusga sa kanya ng mga tao, hindi nito ininda ang pamumuna ng mga ito sa pagkatao nito.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: 2 days ago ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Prince of DarknessWhere stories live. Discover now