Paakbay pwede? (one shot)

14.4K 698 141
                                    

Nagkakagulo na naman ang Marigolds Academy ng dahil sa kanya. Halos araw-araw na lang yata pinagkakaguluhan sya halos lahat ng mga classmates at schoolmates ko nagkakagusto sa kanya kahit ako rin ay nagkagusto sa kanya pero duh? hindi ako yung tipong maghahabol sa isang lalaki dahil sa gusto ko sya noh! modernong maria clara yata to!

"Ahhh ~"

"Ang gwapo nya talaga ahh!"

"Yuan! Akin ka na lang please! "

Yuan here! Yuan there! Yuan everywhere!. Ikaw na! Ikaw na ang gwapo at sikat. Kainis bakit kasi ang sikat sikat mo? Yan tuloy ni hindi manlang kita magawang lapitan kahit magkaklase tayo hindi naman dahil sa nahihiya o naduduwag ako pero sa dami ba naman ng nakasunod at sumusubaybay sa bawat galaw nya daig na nga nila ang telenobila sa TV kung makasubaybay sa kanya.

"Cathness! Kanina ka pa ba dito?" Tanong ni Steffy sakin sya yung bestfriend ko since birth.

"Huh? Hindi naman masyado tara lunch na tayo!" sabi ko sa kanya.

"Tinignan mo na naman sya no?" Tanong ni Steffy sakin habang nakatitig sa may pinakahuling table kung nasaan sya … si Yuan! na pinalilibutan ng mga hitad na mga classmates ko. And I hate it!

"Kung ako sayo! gagawa na ko ng first move para MAPANSIN NYA NA!" pinagdiinan nya pa talaga yung MAPANSIN NYA NA! -_-

"Pero wala rin naman akong magagawa kasi sa Campus na ito ang alam ng lahat o pati narin siguro sya ay wala talaga akong interes o gusto sa kanya... alam mo yan diba!"

Napatungo nalang sya alam nya kung gaano ko kagusto si Yuan kaya ganon na lang nya ko pinipilit na magtapat na ng feelings ko kay Yuan.

Pero wala eh! Di ko kaya …iwan ko nga ba?
.
.

"Ok! Class dismissed"

Uwian na! busy narin yung iba sa pagliligpit ng mga gamit nila.

''Oy! Penge ng polbo''

''Ako rin!! Penge!!''

"Friend! may Cologne ka ba? Penge narin ha!"

Busy rin sa pagpapaganda!. Kawawa lagi yung mga classmate ko na laging may polbo or Cologne kaya ako tago tago na lang pagmaytym. Hahaa!  ^O^

"Waah! Ang cute talaga ni Yuan kahit tulog …dali kunan mo pa sya ng pictures yiee ~"

"Eto na nga oh! ang gwapo~"

Grabe! Anong karapatan nila na pagnasahan ang natutulog kung si Prince Yuan!!  T_T

"Cathness! Ikaw na lang yung tumapos sa paglilinis aalis na kami eh!" Sabi ng mga classmates ko.

"Pero teka …"

"Kaya mo na yan bye! "

Ampupu! Naman oh! Nakalimutan ko cleaners ko nga pala ngayon at gaya nga ng dati ako na naman yung naiiwan para magligpit haayy!  -_-

Teka? Si …si Yuan yun na! Natutulog parin sya? Pagtingin ko sa paligid wala ng tao ibig sa bihin kami na lang yung nandito sa classroom? Pano na yan? Anong gagawin ko eh! nandito pa sya!

Omg! Anong gagawin ko? Waaah! T^T

A. Mag-iingay ako para magising sya
B. Hindi ko na lang sya gigisingin
C. Sino magpapapodlock ng classroom?

Oo nga noh? Nasa akin nga pala yung podlock ng classroom?

"Ah! Alam ko na …"   (*¯︶¯*)

Matapos ko magligpit ng mga kalat at maayos ang mga upuan nag-ayos na ko ng mga gamit ko para makaalis na ko medyo pagabi na kasi hahanapin na ko ng parents ko.

Paakbay Pwede? (one shot)Where stories live. Discover now