Una't huling pag-ibig

41 7 3
                                    

Biyernes ng hapon, ikaw at ang iyong mga kaibigan ay nasa paborito niyong tambayan. Gusto niyo lang magsama-sama muna bago magbakasyon. Matagal-tagal din kasi kayong hindi magkikita-kita. Mga ilang buwan din siguro.

Banayad na tugtog ng musika, nakahiga sa damuhan, katabi mo ang taong matagal mo ng minamahal, kasama ang tropa at nasa paboritong lugar nyo pa kayo. Ito ang larawan na ayaw mo sanang matapos. Ang larawang nakakapagpasaya ng iyong puso. Simple lang pero kuntento ka.

"Uy Athena, matunaw si Pablo," kantyaw ng isa sa mga kaibigan niyo nang mapansin nyang tinititigan mo si Pablo.

Si Pablo. Ang taong matagal ng nakakapagpaligaya sa'yo. Walang label pero okay lang. Ang mahalaga, masaya kayo.

"Let her," malamig na sagot ni Pablo sa kaibigan niyo.

His cold personality will always be your favorite trait of him. Alam mo kasi na kahit cold siya sa iba, pagdating sa'yo, lumalambot ang puso niya.

'Di mo maiwasang mapaisip kung paano napunta sa'yo ang taong 'to. 'Di mo maiwasang mamangha kaya pa-minsan ay napapatitig ka sa kaniya ng matagal nang hindi mo namamalayan.

Agad mong iniwas ang tingin mo kay Pablo nang mapansin na ng kaibigan niyo ang pagtitig mo sa kaniya.

Tatayo ka na sana para mamili ng mga chips at soda sa malapit na convenience store nang hawakan ni Pablo ang kamay mo sabay sabing, "Stay. I want you here."

'Di mo alam kung anong meron sa boses ni Pablo pero lagi ka na lang nitong napapasunod kaya naman sinenyasan mo na lang yung iba niyong kaibigan na sila na lang muna ang mamili.

"Pablo, hindi pwedeng laging ganyan. Kailangan nating makisama sa mga kaibigan natin oh. Bonding natin 'to pero nagmumukhang date nating dalawa," panenermon mo ng slight kay Pablo pagkaalis ng mga kaibigan niyo.

'Di mo alam kung anong problema nito pero tila ginawa niya lang biro ang sermon mo, sa halip kinindatan ka lang nito at nagtanong ng, "Ayaw mo ba?" sabay titig sa'yo nang nakakatunaw.

"Don't answer it. I already know the answer," sabi niya sabay ngiti na nakakaasar sa'yo at tumayo na rin mula sa pagkakaupo sa damuhan.

Napailing ka na lamang habang tinitignan si Pablo. Minsan talaga, hindi mo maiwasang mapaisip kung paano at kailan mo nagustuhan ang taong 'to.

Pagkarating ng mga kaibigan niyo, agad silang sinalubong ni Pablo at tinulungan sila sa mga bitbit nila at humingi rin siya ng paumanhin sa inasal niya kanina.

Habang minamasdan mo siya, you just made a sudden realization. Marahil yung pagbabago ni Pablo ang nagustuhan mo. Yung pagbabago na ginawa niya para lang sa'yo.

Nang matapos na ang pagkain at paglilinis, agad siyang lumapit sa'yo na pawis ang mukha at leeg. Sa isip isip mo, parang gusto yata talaga nitong magpaalaga sa'yo.

Agad mong binigay ang panyo mo para ipamunas niya pero imbis na abutin niya ito eh ipinakita niya ang kamay niya na mukhang malinis naman pero sabi niya, "Ikaw na magpunas, madumi kamay ko."

Siyempre, wala ka namang choice kaya pinunasan mo rin.

Matapos ang sampung minutong pahinga ay nakapagdesisyon na kayong umuwi at magkita-kita na lang ulit sa pasukan. Medyo gabi na rin kasi.

At dahil never kang hinayaang umuwi mag-isa ni Pablo ay hinatid ka nito gamit ang kotse na hiniram niya sa kapatid niya.

"Marunong akong mag-drive, 'wag kang mag-alala," sabi niya bago mo pa buksan ang passenger seat.

"Alam ko. Hindi naman ito yung unang beses na ihahatid mo 'ko gamit 'tong kotse na 'to eh," wika mo pagpasok niyo ng kotse.

"I just want to assure you," sagot niya naman.

Kahit kailan talaga, hindi ka na nanalo kay Pablo.

Sobrang tahimik niyo sa biyahe. Tanging tugtog lang mula sa radyo ng kotse ang naririnig niyo. Which you understand. Natutunan mong intindihin. He love silence pero he love music at the same time. Sabi niya kasi mas nakakapag-focus siya sa pagsusulat ng kanta 'pag gano'n eh.

Nang nasa kalahati na kayo ng biyahe eh bigla niyang hininaan ang radyo sabay tanong ng, "Wala ka bang napapansin?"

Agad mong inilibot ang tingin sa kotse at pilit na hinanap kung ano ba ang tinutukoy niya. Ilang minuto rin ang nakalipas nang sa wakas, nakita mo rin.

Hahawakan mo na sana yung keychain na may picture niyong dalawa na nakasabit sa may rear view mirror nang bigla niya rin itong hawakan na naging dahilan upang malaglag ito.

"Ako na ang kukuha," sabi niya with his authoritative voice.

'Di mo na siya magawang pigilan dahil pilit niya na itong inaabot.

Ilang minuto pa, may isang malakas na ilaw ang nagmula sa kabilang parte ng kalsada kasabay ang malakas na busina nito ang palapit sa inyo. Wala ka ng ibang nagawa kundi ang yakapin si Pablo.

Ilang segundo, minuto, oras, araw, buwan, taon na siguro ang lumipas. 'Di mo na alam. You lost track of time. Liwanag lang ang nakikita mo pero naririnig mo ang mga boses ng mga tao sa paligid mo.

Among those voices, wala yung boses niya.

"Pablo, nasa'n ka na?" tanong mo sa kawalan.

Matapos ang matagal na paghihintay, sa wakas, nakita mo na rin sila, nakita mo na rin siya.

Pero bakit lahat 'ata sila ay nakaputi?

"Athena.." tawag niya sa'yo habang nakatayo siya sa harap katabi ang isang kabaong.

Sumasagot ka pero hindi niya yata ito naririnig.

"..you fought hard. I'm sorry. Sorry, sorry, sorry.." hirap niyang dugtong sa sinasabi niya habang tumutulo ang luha sa kanyang mga mata at bigla na lamang itong napaluhod.

Agad siyang kinuha ng mga kaibigan niyo dahil hindi siya matigil sa pag-iyak.

Nilibot mo ang lugar at nakinig sa mga usapan nila. Hanggang sa napunta ka na sa mga kaibigan niyo.

"Grabe noh? Dalawang taon ding kumapit si Athena. She fought really hard. And imagine, sa loob ng dalawang taon na 'yon, hindi umalis sa tabi nya si Pablo kaya for sure, mahirap para sa kanya na bitawan na ng tuluyan si Athena. Kawawa naman. Grabe ka Athena, ginawa mo pang Reunion natin 'tong libing mo. Sana man lang nandito ka."

Almost [SHORT STORY - WP FANFICTION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon