SIX

5.2K 151 17
                                    

Where is that damn woman? Bakit nawala siya bigla samantalang kanina lang kausap siya ng mga trabahador?

After the wedding ay nagkaroon ng selebrasyon. Sumayaw rin kami sa harap at nilagyan pa ng pera. Nagbigay rin ng mensahe ang mga narito which is mga trabahador at mga kaibigan ko.

When Enrique Locsin arrived ay bigla na lang silang nawala. Grandpa said that maybe they talk somewhere. Enrique is her best friend and she expected her to witness the wedding but he arrived late. Is he that important to her? Well, I don't care.

"Looking for your wife, sucker?"

"Pakialam ko sa babaeng 'yon, Zeus."

"So tanggap mo na talaga na asawa mo siya." Hindi ako sumagot tanong niya.

"Ang gara no? Akala ko talaga si Jace ang unang ikakasal sa atin," Blaze said.

"Ipaalala mo pa, Blaze, 'kingina ka," inis na sabi ni Jace.

"Where's Dane?" tanong ko para kunwari siya ang hinahanap ko.

"She's busy talking to your grandpa," sagot ni Blaze.

"I am so happy for you, princess." We all looked at a woman and a man walking towards us. Hindi nila kami napansin dahil busy sila sa pag-uusap. Halatang masayang-masaya sila at kung makatawa pa siya ay obvious na kilig na kilig siya.

"Thanks my prince." Hinilig niya pa ang ulo niya sa balikat ng lalaki habang magkahawak kamay silang naglalakad. "Thank you also for always there for me and making me happy tonight. You never fails to amaze me."

Making me happy tonight? Anong ginawa nila? Don't tell me they had sex...Damn! At sa gabi pa talaga ng kasal namin? Ang kapal ng mukha niya. Sana sinabi niyang atat na siyang makipag-sex at ako mismo magbibigay sa kanya ng hinahanap niya. Makakalimutan niya talaga ang lalaking yan kapag natikman niya ako. Pero dahil malandi siya ay nakipag sex na siya kung saan-saan.

"Yow Enrique!" Jace shouted. Mabilis na tinanggal ng babaeng iyon ang kamay niya na nakapulupot kay Enrique.

"Oh! Hi Jace, Zeus, Blaze, and Phoenix," he greets us. They nod at him but I remain quiet. "Where's Dane?" he added.

'Close ka ba? Feeling close amputangina.'

"She's busy," sagot ni Jace na nakangiti. "Guapo natin ah! Parang kailan lang sipunin pa tayo pareho at laging nagsusuntukan na dalawa."

"Yeah, those memories of childhood that I will never forget, Jace."

"Saan ka nanggaling?" I asked this woman na nakayuko. "Nevermind, did you..."

"Dinala ko siya sa kwadra ng kabayo to give my gift to her," Enrique said. "Matagal na kasi niyang hinihingi si Pinchy, ang puti kong kabayo, at sinabi ko sa kanya na ibibigay ko 'yon kapag nakasal na siya."

"May nagkamali na naman ng panghuhusga," bulong ni Jace kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Did you pack your things? Uuwi tayo ngayong gabi sa condo." She nods without looking at me. "Would you please leave us all? Mayroon lang kaming pag-uusapan ng asawa ko," may diin kong banggit sa asawa ko.

"Walang uma-angkin, 'bro."

"May umangkin ba, sucker?"

"Angkinin mo na Zeus." It's Blaze. At sabay-sabay na silang umalis.

"And you?" tanong ko kay Enrique.

"Princess, uuwi na ako. Congrats again, and I know that you are the happiest wife at your simplest wedding. Best wishes, princess."

"Thanks, Prince." And they hug bago umalis si Enrique.

"Nahiya pa kayong maghalikan sa harap ko," I said nang dalawa na lang kaming natira.

"Wala kaming relasyon."

"Shut up, I did not believe you. At may pa endearment pa." Yumuko na lang ulit siya. "I don't care kahit sino o ilang lalaki pa ang kasama mo. Wag mo lang ipakita sa mga kakilala ko na niloloko mo ako. Don't ruined my reputation dahil hindi ako magdadalawang isip na saktan ka."

But she remained quiet.

"Ipapaalam ko lang pala sa'yo na may girlfriend ako at wala ka ng pakialam doon. Kaya wala rin akong pakialam kung ano ang meron sa inyo ng Enrique na 'yon."

"Pero kasal na tayo, asawa mo na ako."

"So? Pinakasalan lang naman kita dahil sa mana. Sa mana ko na ako pa ang nagmamakaawa dahil sa'yo. Get your things, we're leaving." Sabay talikod sa kanya.

"Nix!" Hindi ko natuloy ang paghakbang ko nang tawagin niya ako sa pangalang kinaiinisan ko.

"I told you to stop calling me that name," tiimbagang kong sabi.

"Sorry,"

"What do you want?"

"Sana bigyan mo ako ng pagkakataon na tingnan ako sa kung ano ako. Hindi dahil galit ka sa akin."

"Kaya nga galit ako sayo kasi nakikita ko ang totoong ikaw na hindi nila nakikita. If you can manipulate them, then not me. I already saw you on what you are, sila ang hindi nakakakita ng tunay na ikaw dahil magaling kang manlinlang."

"Hindi ako kaaway, Phoenix. I just want to be your friend, too. Lalo na ngayon na asawa mo na ako."

"You will never be my friend. Bilisan mo at hihintayin kita sa kotse. Kung hindi maglalakad ka papunta sa condo ko." Saka ako naunang sumakay nang hindi nagpaalam sa kanila. I am tired, bahala na siyang mag-explain sa kanila.

I waited for her in the car. Nakita kong nakipag-usap siya sa mga katiwala at kay grandpa. She bid goodbye to everyone bago sumakay sa kotse.

"Ang tagal mo."

"Sorry, nagbilin kasi ako sa mga tauhan tungkol sa..."

"I don't care, wear your setbelt kung ayaw mo tumalsik."

Wala na kaming naging kibuan na dalawa. Hindi ko na rin siya pinansin. Hindi ko na rin siya pinakialam hanggang sa makarating kami sa building. Nauna akong bumaba at nakasunod lang siya sa akin. Naglakad ako na parang walang kasama. Kahit sa pagsakay sa elevator ay hindi ko siya inintindi.

Nasa tapat na kami ng condo unit ko at binuksan ko ito saka pumasok.

"We will sleep in separate room. Mamili ka na lang kung saan diyan." I did not hear any responds. There is two more vacant room kaya bahala na siyang mamili. "I want to clarify something, you are not a princess here. So, don't expect na may mag-aalaga sa'yo dito. You will work all the household chores kagaya ng napag-usapan natin." Tumango lang siya bilang sagot.

I removed my ring and give it to her.

"I don't need that one." Tumingin siya sa akin. "Any problem?" Umiling siya at kinuha sa kamay ko ang wedding ring kaya tumalikod na ako.

"Anong password ng unit mo?" I looked at her pero bigla siyang yumuko. "Baka kasi maisipan kong lumabas para may bilhin."

"Edad ko at petsa ng una kaming nagpunta sa Japan. Problema mo na paano mo alamin. 6 digit." Natawa ako dahil walang ibang nakakaalam noon. Gusto ko lang siyang pahirapan sandali pero ibibigay ko rin naman sa kanya bukas ang password dahil wala akong planong ikulong siya dito.

Sinadya ko talaga na iyon ang password dahil walang masyadong nakakaalam. Kahit sina mommy at daddy nakalimutan ang araw na iyon. Isa pa wala pa siya noon kaya hindi niya alam yon.

"060622," bulong niya na nagpatigil sa akin.

"What?" takang tanong ko kaya napatingin ako sa kanya pabalik.

"060622, 06 kasi six years old ka noon. 0622, June 22." I was shocked by her answer. Paano niya nalaman yon? Sila mommy at daddy nga hindi alam 'yon.

"How did you know that?"

"Nakwento mo sa akin noong bata pa tayo kaya natandaan ko." Hindi na ako nakakibo dahil sa sinabi niya. She's that too vigilant para pansinin at pakialam ang lahat? Para may magamit siya to manipulate people?

Pwes malas siya dahil hindi ako na-amazed at wala akong pakialam kung natandaan niya. Fuck her, ako lang dapat ang nakakaalam noon.

Brother's Code 1- Denial: His Deceptress WifeWhere stories live. Discover now