EIGHT

5.3K 151 8
                                    

What happened that night ay hindi na nasundan pa. Ayokong masabi niya na inaabuso ko siya lalo na at birhen ko siyang nakuha. Ayokong gamitin niya sa akin ang katawan niya para manipulahin ako. But honestly, hindi maiwasan na hindi ako matukso at ang hirap magpigil. Like I said, she's a fucking goddess at napatunayan ko pa iyon nang makita ko ang katawan niya.

It's been a month since we're married. She played the role of a responsible wife. Marami siyang alam sa gawaing bahay at aminado akong halos lahat ng akusasyon ko sa kanya ay mali. Pero alam ko na magiging tama rin ako pagdating ng araw.

Aside from doing the household chores ay ginagawa rin niya ang hobby niya. Ang magpainting at mag carve at hindi ko siya pinipigalan. Minsan ay binibigyan niya ang mga kaibigan ko, and for sure para mauto niya.

Papasok na ako ng opisina nang maabutan ko siya sa labas ng pintuan na may hawak na tumbler.

"Anong ginagawa mo riyan?" Hindi siya sumagot pero may inabot siya sa akin na isang tumbler. She used to be like this kapag late na akong nakalabas ng kwarto. Alam niyang kapag late akong lumabas ay hindi na ako kumakain kaya pinapadalhan niya ako ng kape.

"Mayroon sana akong ibibigay sa'yo." Napakunot ang noo dahil sa sinabi niya.

"Anong ibibigay?"

"Ayon oh?" Turo niya sa isang parang malaking picture frame na nakabalot.

"Ano 'yan?"

"Regalo ko sana sa'yo."

"Anong meron?" Hindi siya sumagot kaya naglakad ako papunta sa frame at binaklas ang papel. May kalakihan ito na parang one meter by one meter. Nagulat ako sa ganda ng painting. Isang phoenix na palipad pa lang at ang ganda ng kulay. Nakakamangha itong tingnan at kahit itapat mo ito sa mga kilalang painting ay matatabunan ang mga iyon sa ganda nito.

"Gawa mo 'to?" tanong ko at tumango siya.

"Oo," Tinitigan ko ang painting at aminado akong nakakamangha talaga ito. At galit ako sa kanya ay aminado akong magaling siya. Kaya hindi ko ito dadalhin sa opisina at baka may makapansin at pag-agawan.

"Diyan lang yan, ayokong makita yan ng mga kasama ko at baka tuksuhin ako. Hanapan mo 'yan ng mapagdidisplayhan dito." Hindi ko siya hinintay na sumagot at umalis na ako.

Is she trying to bribe me using her paint and anything? Damn! She will never succeed.

WHEN I arrived at the office ay naabutan ko ang apat sa loob ng opisina ko. May iilang pagkain at inumin pa sa mini table ko na pinagtataka ko.

"Anong meron?" tanong ko sa kanila nang makapasok na ako ng tuluyan.

"Happy Monthsarry!" sigaw ni Dane at Jace habang ang dalawa ay tahimik lang. Sinamaan naman sila ng tingin ni Dane kaya nakisigaw na rin sila ng happy monthsarry.

"Monthsarry?" takang tanong ko.

"Panget ka bonding amputa, bobo," reklamo ni Jace.

"This is Dane and Jace's ideas, sucker."

"We have no choice kundi ang sakyan ang trip nila." its Blaze and may hawak na bote na kung hindi ako nagkakamali ay alak.

"Today is your first month of wedding." Buti na lang at may babae sa grupo kaya may matinong kausap. Pero ano raw...wedding what?

"Oh 'di ba, nag-hang ang utak parang ako lang."

"Shut up, Jace!" He's not fvcking helping. "Besides, anong pakialam ko sa mga ganyan? Lumabas na nga kayo at busy ako." Pero nagtawanan lang sila at masyadong na-enjoy ang ginagawa. Tinuloy ang pagkain at nagsimula nang mag-inuman sa opisina ko. Good thing that I wasn't expected any visitor.

Brother's Code 1- Denial: His Deceptress WifeTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang