TEN

5.7K 160 8
                                    

Dumiretso ako sa conference room at naabutan ko ang mga kasama ko na naghahanda na.

"What's going on here?" tanong ko sa kanila.

"May meeting tayo, tanga, masyado ka yatang nasarapan kagabi kaya nakalimutan mo." Pinanlakihan ko ng mata si Jace sa sinabi niya saka binaba ang dala ko.

"Masarap ba may asawa ni, Phoenix?" Nagulat ako dahil nandito rin si Maggie.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko.

"She's our client, siya ang ka-meeting natin, shall we start?" Dane said. Bakit hindi ako na-inform.

"Talagang pinanindigan mo yang pagdikit mo may Blaze," tumawa lang siya nang malakas at ngumiti.

"I am,"

"Alam niyo, magmeeting na tayo," Naiinis na sabi ni Blaze. Kinapa ko ang folder sa ibabaw ng attache case pero wala. Tiningnan ko ito sa loob pero wala din. Iyon ang proposal sa meeting na pinagpuyatan ko kagabi.

"Something wrong?" tanong ni Dane sa akin.

"Wala kang proposal? ok lang, manual mo na lang. Ako lang naman 'to, kaya kahit anong i-present mo sa akin walang problema." Nakangiting sabi ni Maggie.

"Shit," I hissed nang maalala ko na pinatong ko pala yon sa ibabaw ng lamesa.

"Excuse me po sir Phoenix, may pinabibigay po sa inyo ang nagngangalang Hailey," bungad sa akin ng sekretarya ko.

Napatingin sila sa akin lahat nang abutin ko ang folder. Damn! the proposal I made last night.

"Who's Hailey?" tanong ni Maggie.

"Pag hindi kasama sa business, wag na magtanong."

"Hindi ako sayo nakatingin, Blaze, kaya wag ka rin epal. Papansinin naman kita mamaya ee," pambabara ni Maggie kay Blaze.

"Where is she?" tanong ko.

"Nasa office niyo po, sir, kinausap ni maam ni Jessa."

"What?" sabay-sabay namin sabi na lima. Alam ko nasa USA siya. Umalis siya that night after may mangyari sa amin at we keep in touch through phone calls. Bakit hindi siya nagpasabi na uuwi siya?

"Kakarating lang kasi ni maam Jessa nang dumating siya. Tapos nag-usap sila at tinungo ang opisina mo."

"At sino si Jessa?" tanong ni Maggie.

"Hailey is Phoenix's wife and Jessa is his mistress," Dane answered.

"Wow, Dane, pinaalam mo talaga sa babaeng yan?" Inis kong sabi at masamang nakatingin kay Dane.

"Why, magiging asawa na rin naman siya ni Blaze, so, anong masama?"

"I like you, Dane."

"Seriously, Dane? of all people ikaw pa naniniwala na papakasalan ko yan?"

"C'mon Blaze, alam mo na minsan lang hindi magkatotoo ang sinabi ko."

"Puwes, isa sa mga hindi magkakatotoo ang sinabi mo ngayon."

"Let say, Blaze." Dane smile when Maggie talks.

"We can cancel the meeting Phoenix, I can wait. Puntahan mo muna ang asawa at kabit mo at baka nagsabunutan na sila."

"Shit," Iniwan ko na sila at mabilis na naglakad sa opisina. Wag lang siyang magkakamaling saktan si Jessa at sa harapan nang marami malilintekan siya sa akin.

Malapit na ako sa pintuan ng opisina ko nang bumukas ito at lumabas ang babaeng iyon habang nasa likod si Jessa.

"Sige mauuna na ako, nice to meet you," paalam niya kay Jessa.

Brother's Code 1- Denial: His Deceptress WifeWhere stories live. Discover now