THIRTEEN

5.5K 150 7
                                    

Hindi na naulit ang paghaharap namin mula nang gabing iyon. Sa tuwing nagigising ako ay nakahanda na ang almusal ko pero wala siya. Kapag dumarating ako sa gabi ay nakahanda na ang pagkain pero wala pa rin siya. Kapag nagkasalubong kami ay nagmamadali siyang umiwas sa akin.

Minsan lang niya ako kinausap, 'yon ay nang sabihin sa akin na may dumating na bills at wala ng grocery. I brought her once in the mall. Pero muntik lang akong mapaaway ng makipag-usap siya sa isang lalaki na hindi naman sa mukha niya nakatingin kundi sa katawan niya.

Hindi ko alam kung tanga siya dahil hindi niya napapansin iyon o sinadya niya talaga para ipakita sa akin na kaya niyang manlalaki sa harap ko. She really likes attention kaya kulang na lang maghubad siya sa harap ng mga lalaki.

Mula noon ay hindi ko na siya pinapalabas. Dahil baka mapa-away lang ako ulit sa tuwing pinapamukha niya sa akin na kaya niyang kunin ang atensyon ng ibang tao.

But tonight ay makakasama ko ulit siya sa labas. Hindi lang basta sa labas kundi sa isang party. Anniversary ngayon ng Kompanya ng pamilya nina Dane at lahat ay naroon. They invited a lot of guest at pati kami ay kasama. Dane's parents want to meet my wife too. I can't say no to them especially to his dad because he is our major investors and I respect him to much. The party was held at the Luxury Hotel. Since I am one of their investor ay binigay ko ang event hall sa kanila.

"Wag mo akong ipahiya," I said to her nang nasa elevator na kami. "Kung bakit kasi 'yan pa ang sinuot mo," I hissed.

"Wala kasi akong ibang masuot."

She's wearing a red dress above the knee. Hapit sa katawan at spagetti strap. It shows her perfect curve. Talagang gusto niyang mang-akit.

"'Bro dito." Kumaway si Jace sa amin kaya lumapit kami sa kanila.

"Wag kang gagawa ng eksina."

Pansin ko ang tingin ng iilang lalaki sa kanya. Ang iba ay halos hinuburan na siya habang siya ay nakayuko lang at hindi kumikibo.

"Kumusta, Hailey loves?" Jace asked. Love? At kinilig na siguro 'yan dahil may pumansin sa kanya.

"A-ayos lang," mahinahon niyang sagot tapos tumingin sa akin.

"Inaaway ka ba ng gagong 'to, Hailey?" Zeus asked at tumabi sa kanya.

"That's Dane place, Zeus. Go to your seat."

Tumawa si Zeus saka nangalumbaba sa lamesa at tinitigan si Hailey. "You're really beautiful, Hailey."

"Zeus, wag mo nga yan purihin."

"Why? Totoo lang naman ang sinabi ko. See, kahit magkasama kayo halos lahat ng mata ng lalaki rito ay nasa kanya pa rin."

"Go back to your seat, Zeus."

"Jealous husband?" tanong ni Blaze.

"Shut up, Blaze."

"Nandyan na pala si Dane kasama family niya," Jace said. Dane approached us together with her family kaya tumayo kami.

"Hi, Hailey." She kissed this woman at ganoon din ang ginawa nito sa kanya.

"Hi, Dane."

"Mom, Dad, and siblings. This is Hailey, Phoenix wife," pakilala niya sa babaeng ito. Dane has 4 siblings. 3 boys and 1 girl the youngest. Pansin ko ang pagtitig sa kanya ni Dylan mula ulo hanggang. Dylan is the fucker amongs the three guys. Walang patawad pagdating sa babae.

"Magaling ka palang pumili, Phoenix. Nice to meet, Hailey." Mr. Damian Dy, the Dy Patriach.

"Why don't you introduce us one by one, Dane," Dylan said. Hindi uso sa kanila ang tawagan ng ate at kuya. Though Dane is the eldest, everyone called her by her name. One year part lang din ang age gap nila maliban sa bunso. And since Dane is two years eldest sa amin ay kaedad lang namin si Dylan.

Brother's Code 1- Denial: His Deceptress WifeWhere stories live. Discover now