FOURTEEN

6K 184 20
                                    

"Hailey!" Hangga't maari ay ayokong banggitin ang pangalan ng babaeng ito pero kailangan para makuha ko ang atensyon niya. Mabilis siyang tumayo nang makita ako habang si Dylan ay kalmado lang. "Let's go!"

"Aray, Phoenix."

Hawak ko ng mahigpit ang kamay niya nang biglang magsalita si Dylan. "Hey, relax, nasasaktan ang asawa mo."

Tumigil ako at tinanggal ang pagkakahawak sa kamay ng babaeng ito saka hinarap si Dylan. "Ano ngayon sa'yo? Kahit sakalin ko pa siya sa harap mo wala kang paki-alam." Not because he is Dylan Dy ay natatakot ako sa kanya.

"Phoenix, tayo na, wag ka na makipag-away."

"Is that how you treat your wife? Wala kaming ginagawang masama."

"Wow, ang kalmado ah! Nagpapa-impress ka ba sa asawa ko?"

"Hindi, dahil hindi ko siya type. At hindi ako kasing kitid ng utak mo. You didn't even give her a chance to explain at basta mo na lang siyang kakaladkarin at aawayin." Damn, kilala ko si Dylan na pikon at mabilis uminit ang ulo. Walang salitaan, walang usapan, at diretso na sa banatan. Ayaw niyang kinukwestyon o sinisigawan dahil bigla na lang nambabanat. Pikon in a way na walang pakialam kung sino masagasaan. Pero sa harapan ng babaeng ito...ang amo niya. Ang kalmado niya.

"Phoenix, tara na." Pero malakas kong hinawi ang kamay ng babaeng ito na humawak sa akin.

"She's my wife kaya gagawin ko ang lahat ng gusto ko."

"Kahit ang ipahiya siya?"

"Ano ba'ng pakialam mo?!"

"Wala akong pakialam sa inyo, lalo na sa'yo. Pero uso ang magtanong bago humusga. Kung ako ang huhusgahan mo, wala akong pakialam dahil hindi ko obligasyon na ipaliwanag sayo ang side ko. Pero sana tanungin mo muna 'yang asawa mo bago mo awayin sa harap ng ibang tao."

"You defended her?"

"Dahil wala ka sa hulog. Your wife is not an easy woman, she deserved to be respected, so yes, pinagtatanggol ko siya. May problema ka?" Mas lalo lang uminit ang ulo ko dahil sa sinabi ni Dylan.

A Dylan Damon Dy, napaamo ng babaeng ito? The beast of all Dy's siblings. The hard to deal na kahit tatay niya ay kinakalaban.

"Dylan, tama na please, Phoenix, umuwi na tayo." At talagang binanggit niya pa ang pangalan ni Dylan.

"Baliw 'yang asawa mo, Hailey."

"May gusto ka ba sa asawa ko?!"

"Gago lang hindi magkakagusto sa asawa mo. Pasalamat ka at matino siya. Pero kung ako sa kanya iiwan kita kasi mas gago ka."

"Gago pa pala eh." I punched him na tinamaan sa mukha. Everyone knows how good Dylan at street fighting and he fought in kick-boxing kaya nabalik niya sa akin ang suntok ng dalawang beses. Isang malaking pagkakamali kung tutusin ang ginawa kong ito. Hindi ko dapat kinalaban ang isang Dy pero napikon ako sinasabi niya.

"Tumigil na nga kayo!" Dane came at the right time at inawat kami. "Mga sira ulo kayo nakatingin lang kayo diyan!" sigaw niya sa tatlo.

"Kapatid mo yan, Dane, kaya ayaw namin makisali dahil may kasalanan yan si Phoenix." Tiningnan ko ng masama si Jace pero nag peace sign lang siya.

"Ano ba nangyayari dito?" tanong ni Dane.

"Nilalandi ng kapatid mo ang asawa ko!"

"Dylan?!"

"I won't force you to believe me, Dane, because that was really my intention. But when I talked to her, I changed my mind."

"See, umamin ka din."

Brother's Code 1- Denial: His Deceptress WifeWhere stories live. Discover now