FIFTEEN

6.2K 173 9
                                    

=HAILEY PAREDES – SEBASTIAN=

Iyak ako nang iyak nang makapasok sa loob ng kwarto. Kanina ko pa gustong ilabas ang luha ko pero pinigilan ko lang. Ayokong sagutin si Phoenix kanina at wala akong planong awayin siya. Pero kasi pino-provoked niya talaga ako.

Pinalampas ko lahat ng akusasyon niya sa akin kasi alam ko naman na hindi iyon totoo. Pero lagi niyang pinipilit ang kanya. Ang gusto ko lang naman ay mapatunayan ko sa kanya na hindi ako kaaway. Gusto ko kasi maging ok kami. Gusto ko maging totoo kaming mag-asawa. Kasi bata pa lang ay mahal ko na siya. Mahal na mahal.

Hindi naman ako masama at wala akong inagaw sa kanya. Siguro may kasalanan rin ako kasi sinabi ko kay lolo na wag sabihin sa kanya ang totoo. Ayoko kasing masaktan siya pero hindi ko alam na ganoon pala tingin niya.

Bata pa lang ako ayoko na makipagkaibigan sa kahit sino. Nang mamatay ang parents ko ay lalo akong naging lonely. Nang ampunin ako ni lolo at pinakilala kay Phoenix ay nagka-crush na agad ako sa kanya. Kaya happy ako na kinaibigan niya ako.

He was my first friend kaya pinahalagahan ko 'yon. Lahat ng sine-share niya ay tinatandaan ko. Lahat ng secret niya ay secret ko na rin. Pero nagbago siya bigla, at hindi ko alam kung bakit. Bigla na lang nag-iba ang pakikitungo at lagi na akong inaaway. Nasasaktan ako kasi hindi naman siya ganoon. Nalungkot ako pero palihim ko pa rin siyang tiningnan.

As I grew older ay hindi nagbago ang tingin ko sa kanya. Everytime I meet him during vacation ay napatunayan ko sa sarili ko na I love him. Pero alam ko na hindi niya ako love dahil nga lantaran ang hate na pinapakita niya sa akin. Kaya I kept him in my heart. Inisip ko na kung hindi kami magkakatuluyan ay ok lang. Basta maging friends lang sana kami ay ok na sa akin.

Lolo has a bone cancer. Ako at parents lang ni Phoenix ang nakakaalam noon. May taning na siya kaya sinabi niya sa akin na kailangan ko na mag-asawa bago siya mamatay para alam niya kung kanino ako iiwan.

He chose Enrique, not because he is my prince, but because Enrique told him that he loves me. Pumayag ako at tinanggap ko iyon. Alam ko na magiging masaya ako kay Enrique kahit hindi ko siya mahal. Kasi mabait siya at maalalahanin sa akin. Lagi niya akong napapatawa at napapasaya.

Naisip ko hindi naman siya mahirap mahalin. Kung hindi man kami mag-work as a couple, at least, we will remain friends pa rin. Pero I doubt na hindi mag-wowork ang marriage namin kung sakali kasi mabuting tao siya. Kahit magiging friends-couple ang magiging relasyon namin ay walang problema.

Pero the night before kausapin ni lolo si Enrique ay tumawag si Phoenix at sinabing kailangan niya ng pera. Lolo asked me first dahil hindi biro ang hinihiram ni Phoenix. I said yes...pero sa isang kondisyon. Gusto ko makasal siya sa akin.

Ako ang nagsabi kay lolo na gusto ko kay Phoenix makasal instead kay Enrique. Alam ni lolo na mahal ko si Phoenix noon pa pero ayaw niya dahil alam niyang galit sa akin si Phoenix. Pero sabi ko, sakaling pumayag si Phoenix, I will do my best to tame him. I will be a good wife, a good friend. Ipapakita at ipaparamdam ko sa kanya na I will do everything for him.

Ako nag-set ng hatian. Pero wala naman akong plano na pilitin talaga siya. Gusto ko lang siyang alukin at magbakasakali. Kung hindi siya papayag ay ok lang, pahihiramin pa rin naman siya ni lolo ng halaga na kailangan niya. I just want to try my luck.

Pero hindi ko inaasahan na papayag siya. Kaya naisip ko na baka may pagtingin din siya sa akin at dinadaan lang niya sa galit-galitan. Kinausap ako ni lolo kung sigurado ba ako at sinabi kong oo. Kaya kahit ayaw ni lolo dahil si Enrique ang gusto niya ay pinilit ko siya.

Nag-usap kami ni Enrique at tinanong niya ako. Hindi naman siya galit at mas lalong hindi sumama ang loob niya. Sabi niya, kung saan ako masaya ay doon siya. Susuportahan pa rin niya ako.

Brother's Code 1- Denial: His Deceptress WifeWhere stories live. Discover now