SIXTEEN

6.2K 153 4
                                    

"Hailey, wait." Habol ko sa kanya sabay hawak sa kamay niya.

"May kailangan ka?" I'm not used into it. Ang cold ng treatment niya sa akin. Kahapon lang ay ako ang hindi maayos ang pakikitungo sa kanya. But, it's a just a snap of a fingers ay heto ako hinahabol siya.

"I am sorry sa lahat ng sinabi at ginawa ko sa'yo." Damn! What the hell is happening to me?

"Bakit ka nagsosorry?" tanong niya sa akin.

"Kasi...kasi nasaktan kita."

"Wag ka magsorry. Ang isang bagay na ginawa mo o nasabi mo ng sadya ay wag mo ihingi ng sorry. Lalo na kung bago mo gawin o sabihin ay alam mo na makakasakit ka o makaka-apekto ito sa iba pero ginawa mo pa rin. Sorry is for the things that you've unintentionally said, accidentally did. But if you know what you're doing, if you know what you're saying, don't say for it."

"Hailey..."

"Bago mo ako sinasabihan ng masasakit na salita alam mo na masasaktan ako. Pero na-eenjoy mo na saktan ako. Sumasaya ka na saktan ako. Kaya bakit ka magsosorry? Kung kinasaya mo naman ang ginawa mo kahit alam mo na may nasaktan ka."

"I didn't mean..."

"You mean it," putol niya sa sasabihin ko. "You mean every word you said...every action you made. I feel it."

"I'm sorry, kahit hindi ka naniniwala, I'm sorry pa rin."

"Ok. May sasabihin ka pa ba? Kasi may gagawin pa ako eh." Umiling ako at binitawan siya.

Nang makapasok siya sa loob ay napasuntok ako sa dingding. Sinabunutan ko ang sarili ko dahil sa inis. Nakatingin ako sa pinto ng kwarto niya. Gusto kong kumatok at makipag-usap sa kanya. Pero ano ang sasabihin ko? Kasi kahit ako hindi ko rin alam. Basta alam ko gusto ko makipag-usap sa kanya.

Umupo ako sa gilid ng pintuan habang hinihintay na muli itong bumukas. Hindi ko na alam ang nangyayari sa akin. Hindi ko naiintindihan ang kinikilos ko at walang ibang tumatakbo sa isip ko ngayon kundi ang sinabi niyang annulment.

'Totoo ba talaga na makikipag-annul siya?'

Iyon naman ang gusto ko kaya ko nga siya pinaparusahan, inaaway at iniinsulto. Pero ngayon, bakit parang ayaw ko na? Bakit biglang nabago ang lahat. At kahit ako hindi ko alam kung bakit.

Tangina, ganoon kabilis? Ganoon kabilis nabago ang isip ko?

Bumukas ang pintuan at lumabas si Hailey. Nagulat siya nang makita ako sa gilid ng pinto pero mabilis akong tumayo.

"Anong ginagawa mo riyan?"

"Gusto ko kasi..." Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang tumunog ang doorbell.

"Nandyan na sundo ko," sabi niya.

"Sundo?" Saka ko lang napansin ang maletang hatak-hatak niya. "Aalis ka?"

"Sa mansion muna ako habang inaayos ang annulment. Manganganak na rin kasi ang dalawang kabayo. Walang ibang marunong magpaanak sa hacienda kundi si manong Tasyo at ako. Wala siyang makakatuwang." Bakit naiinis ako? Dati wala akong pakialam sa gagawin niya. Oo lang ako nang oo sa gusto niya pero ngayon naiinis akong isipin na nagdesisyon siya ng hindi nagpapaalam sa akin.

"Sasama ako sa'yo."

"Ano?"

"Sabi ko sasama ako."

Wala akong pakialam. Tatawagan ko na lang si Dane na hindi ako papasok at may aayusin ako. Muling tumunog ang doorbell kaya tinungo ko ito. Sumunod siya sa akin habang hila-hila ang maleta.

Pagbukas ko ng pintuan ay nakita ko si Enrique sa labas.

'Siya ba ang tinawagan niya?'

"Prince," tawag ni Hailey kay Enrique.

Brother's Code 1- Denial: His Deceptress WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon