SEVENTEEN

6.3K 162 9
                                    

Sinalubong agad kami ni manang Tasing at nang anak niyang si Jay nang makababa kami ng sasakyan.

"Naku! Hindi kayo nagpasabi na darating kayo." Binibit ni Jay ang maleta ni Hailey.

"Doon mo ilagay ang gamit ni Hailey sa kwarto ko." Napatingin si Hailey sa akin nang sabihin ko iyon. Inunahan ko na siya at ako na ang nagdesisyon.

"Ang sa inyo po, sir?"

"Sa kwarto ko rin syempre."

"Doon mo ilagay sa kwarto ko ang akin, Jay," utos ni Hailey ng hindi inaalis ang tingin sa akin.

"Sir?" tawag ni Jay sa akin.

"Ok, at doon mo rin ilagay sa kwarto niya...ang gamit ko." Humagikhik naman si manang Tasing.

"Sige po, sir." Sabay na umalis ang mag-ina habang nagtatawanan.

"Ayokong may ibang tao sa kwarto ko, Phoenix." Napangiti ako sa sinabi niya dahil kahit galit siya ay kalmado pa rin. Ang amo ng mukha niya at napaka-inosente pa rin tingnan.

"Ok. Doon lang mga gamit natin sa kwarto mo pero sa kwarto ko tayo matutulog."

"Anong sinasabi mo?"

Ngumiti lang ako sa kanya at hinawakan siya. "Nagugutom ako kaya kung anu-ano naiisip ko." Hindi naman siya pumalag kaya dinala ko na siya sa kusina. Tinawagan ko na rin si Dane na hindi ako papasok. Hindi rin siya nagtanong bakit.

Habang kumakain kami...ako lang pala ay nakaupo siya sa tapat ko. Hindi ko siya pinaalis at hindi rin naman siya umalis. Nakangiti akong kumakain habang nakatingin sa kanya. Siya naman ay nag-iiwas ng tingin.

Alam kong awkward dahil kagabi lang ang dami kong masasakit na salitang nasabi pero heto ako mukhang tanga na nakangiti sa kanya. Hindi ko na rin alam anong nangyayari sa akin at bakit ako nagkaganito. Pero isa lang ang sigurado ako, at kaagabi ko lang ito na-realised, at mas na-realised pa ng husto kaninang umaga. Ang tanga ko dahil ngayon ko lang na-realised na mali ako ng pagkakakilala sa kanya. Pero mas tanga ako kung hahayaan ko siya sa gusto niyang mangyari...ang mag-file ng annulment.

Gago na kung gago pero hindi ako papayag sa annulment na yan. Baliw na kung baliw pero hindi ako makikipaghiwalay sa kanya. Tanga na ako dahil hindi ko nakita ang kabutihan niya tapos hahayaan ko pa na mawala siya? No way.

"Tapos ka na ba?" tanong niya.

"Huh? Oo," pagkasagot ko ay tumayo siya at lumapit sa akin. Niligpit ang pinagkainan ko. "Hailey, pwede ba tayong mag-usap?"

"Hailey! Tinatawag ka ni mang Tasyo. Manganganak na ang kabayo." Hindi na ako pinansin ni Hailey at iniwan na ako. Sumunod ako sa kanya at naabutan ko siyang inalalayan ang kabayo. Hindi na ako lumapit sa kanila dahil wala rin naman akong maitutulong. Nakapalibot sa kanya ang mga tauhan habang kinakausap niya ang kabayo na parang taong pinapaanak. Nag-uusap din sila ng mga tauhan pero wala sa kanya ang atensyon ko kundi nasa mga tauhan na nakatingin kay Hailey.

Ibang-iba sa tingin na nakikita ko noon. Dati, pakiramdam ko ang lagkit at puno ng pagnanasa ang tingin nila kay Hailey. Ngayon ay nakikita ko ang paghanga nila sa ginagawa niya na parang siya lang ang nakakagawa nang ganoon. Ilang saglit lang ay nanganak ang kabayo. Naghiyawan ang mga trabahador at pinapalakpakan siya.

"Ang galing talaga ni Hailey magpaanak ng kabayo. Mabilis na, hindi pa nahihirapan ang kabayo." Ngumiti siya sa nagsabi noon pero halatang nahihiya siya.

"Sabi ko sayo, Philip, pag-aralan mo rin. Hindi mo kasi sinasaulo ang sinasabi ko. Naku, ikaw talaga." Nagtawanan rin ang mga naroon.

"Ako na magtatapos niyan, Hailey," sabi ni mang Tasyo at tumayo na si Hailey.

"Sige ho," Makikita mo sa mata ng mga kasama niya ang tingin na puno ng paghanga at respeto sa kanya.

Naglakad siya palapit sa akin kaya ngumiti ako. Sinalubong ko siya at kita sa suot niyang damit ang dugo na mula sa kabayo.

"Kanina ka pa ba riyan?" tanong niya sa akin.

"Oo, nakita ko nga paano mo paanakin ang kabayo." Tumango lang siya sa akin.

"Hailey, pwede mo ba akong tulungan?" tanong ng isang trabahador sa kanya.

"Tungkol sa saan?"

"Bumara kasi ang pump sa tank. Naayos na namin kaso may nga pyesa na hindi nabalik sa tama kaya ayaw gumana. May mali yata sa pagkakakabit. Wala kasi ang taga-gawa kaya wala kaming mahingian ng tulong. Ikaw naman ang marunong bukod sa taga-gawa, kaya baka pwede mo kaming tulungan."

"Naku, talaga kayo, tara na nga." Hindi na naman niya ako pinansin at sumama na siya sa trabahador.

Sumunod ulit ako at nakita ko ang ginagawa niya. Pati ang pagtuturo niya sa mga naroon. Tango nang tango ang mga ito habang nakikinig sa kanya. Tumatawa naman siya kapag may tinatanong siya at walang sumasagot.

I missed all of this dahil sa kagaguhan ko. Iba ang tingin ko dito noon sa kanya dahil sa katangahan ko. Lagi kong sinasabi na nagpapansin siya pero ang totoo ay hindi na niya kailangan magpapansin dahil kusa na siyang nakikita ng mga ito dahil sa galing niya. Habang ako ay puro masasama ang nakikita sa kanya.

MARAMI ang nangyari sa araw na ito. Halos lahat ng problema at kailangan ng opinyon ay si Hailey ang tinatanong ng mga trabahador. Sa loob ng mahigit isang buwan na kasama ko siya nasanay akong ako ang inaasikaso niya pero hindi ko yon iyon iniintindi. Pero sa pagkakataong ito hindi ko alam kong magagalit ako dahil hindi ako ang priority niya.

Hinanap ng mata ko si Hailey nang hindi ko siya makita. Kanina kasi ay kinausap siya ni manang Tasing kaya iniwan ko sila pero pagbalik ko wala na sila na doon. Ang sabi sa akin ni manang Tasing ay nandito lang daw siya.

I go upstairs and went to her room. I knock twice and the door opens. "You're here? I've been looking for you."

"Bakit?"

"Can I come in?" Binuksan niya ng malaki ang pintuan at pinapasok ako.

"Anong kailangan mo?" I did not answer. I look at the paintings and the sculpture saka napangiti. Ang gago ko dati nang isipin ko na pineperahan niya si grandpa para dito. 'Yon naman pala siya ang may gawa ng mga ito.

"You really like me, huh?" Napangiti ako nang sabihin ko iyon.

"Huh?" Nakukunot noo niyang tanong. Ngayon ko lang siya nakita na ganyan, pero bakit imbes na mainis ay ang cute niya pa sa paningin ko?

"I said you really like me." Saka ko tiningnan ang mga painting. "Your works talks a lot." Nakita kong namula ang mukha niya at nag-iwas siya ng tingin.

Damn! Why did I realize how cute she was when she blushed just now?

'Oh, fvck, Phoenix! Ngayon mo lang iyan nakita kasi tanga ka.'

Paano ko nasabi na she likes me? Halos kasi lahat ng paintings at sculpture na meron siya ay phoenix. Tumalikod siya sa akin kaya hinila ko siya. Medyo napalakas ang hatak ko kaya napayakap siya sa akin.

"B-bitiwan mo ako." Nakayuko niyang sabi at namumula na ang mukha niya.

"Paano kung ayoko ko?"

"A-ano ba kailangan mo?"

"Ikaw."

"A-ano?"

"Ikaw ang kailangan ko, Hailey."

Brother's Code 1- Denial: His Deceptress WifeOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz