NINETEEN

6.3K 164 25
                                    

"Hailey, anong ibig sabihin nito?" tanong ko nang mahawakan ang papel.

"'Di ba sinabi ko sa'yo 'to kaninang umaga bago tayo umalis?"

"Akala ko ba ok na tayo?"

"Ok na ba tayo?"

"Hailey..." Kunot noo kong banggit sa pangalan niya.

"Saan tayo ok, Phoenix? Sa pakikitungo mo sa akin mula sa lagi kang galit o sa pakikitungo ko sa'yo after mo akong awayin?" Hindi ako nakasagot sa tanong niya. "The last time I check ay ok ako, ikaw lang hindi ok sa akin. Ok na ba tayo Phoenix?"

"I am sorry for what I did last night." Pinilit kong kumalma dahil may kasalanan ako.

"Ok."

"Hailey, please. I'm asking for apology. Alam ko na mali ako sa ginawa ko kagabi. Alam ko na ang daming kong kasalanan na nagawa. But, I realised everything last night what I did to you." Hinawakan ko ang kamay niya. "I'm so sorry. Ang dami kong maling nagawa sa'yo, ang dami kong maling nasabi. Hindi ko nakita ang worth mo. Please forgive me."

"Nang ganoon kadali?"

"Hailey..."

"Ilang beses mo akong sinaktan, ininsulto, inakusahan, tapos isang araw na-reliased mo na mali ka at nag-sorry ay tapos na? Ok na? Bati na tayo at wala na lang lahat ng ginawa mo?" Hindi ako nakasagot sa sinabi niya. "Alam ko na may kasalanan ako. Pero alam mo kung ano ang hindi ko matanggap, Phoenix? Ang ipahiya mo ako at pagdudahan sa harap ng maraming tao. Sa harap ng mga kaibigan mo."

"Hailey, hindi ko sinadya."

"Sinadya mo. Sa kagustuhan mong mapahiya ako ay nakipag-away ka sa taong kausap ko lang nang hindi nagtatanong ng totoong dahilan. Sinuntok mo ng hindi ako pinakinggan. Pinakita at pinamukha mo sa kanila na masama akong babae at hindi mapagkakatiwalaan. Pinakita mo sa kanila na wala kang tiwala sa akin."

Napahiya ako sa sinabi niya kaya hindi ako nakakibo. She's fvcking right. Basta na lang ako nanugod. Nagpaliwanag siya pero hindi ko pinakinggan dahil gusto kong ipamukha sa iba na masama siya.

"Sapat ba na dahilan yon para makipag-annul ka?"

"Oo. Kasi ayokong makisama sa taong walang tiwala sa akin. Saka isa pa, hindi mo naman ako mahal 'di ba? Napilitan ka lang sa kasal na ito dahil nangailangan ka kaya ka pumayag. Kaya ngayon ay pinapalaya na kita."

"Ayoko."

"Ano?"

"Yayaman lang pagawaan ng papel kakagawa ng annulment papers pero wala akong pipirmahan."

"Bakit, dahil natatakot na hindi mo makuha ang share na pinangako ni lolo?"

"Hailey, hindi sa..."

"Ako magbibigay sayo. 25% na pinangako ni lolo, plus kalahati ng akin. Pirmahan mo lang ang annulment."

"Bakit ba eager na makipaghiwalay sa akin? Give me a chance, Hailey."

"Mahigit isang buwan ka na nagkaroon ng chance. Hindi lang isa kundi more than 30 chances pa. Mahigit isang buwan at araw-araw kang may chance pero wala kang ginawa."

"Hindi ako pipirma," pagdidiin ko. "Wala akong pipirmahan."

"Ang tigas mo, Phoenix. Gusto mo ikaw ang nasusunod. Pero sige, hindi kita pipilitin."

"Bakit ka ba nagmamadali? Akala ko ok na tayo dahil pumayag ka na may mangyari sa atin?"

"Asawa mo pa rin ako. Hindi ka pa nga pumipirma 'di ba? At obligasyon ng isang asawa na pagsilbihan ang asawa niya kahit sa kama."

Brother's Code 1- Denial: His Deceptress WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon