TWENTY ONE

6.3K 158 16
                                    

Nagising akong masama pa rin ang loob dahil sa nangyari kahapon. Pagkatapos ko silang nakitang naghalikan ay pumasok na ako ng kwarto at hindi na lumabas. Natulog na akong gutom dahil naiinis pa rin ako sa nakita ko.

Nakarinig ako ng tatlong katok kaya tumayo ako at binuksan ang pinto. Nakita ko si Hailey na nakatayo habang nakasimangot sa akin. 'Anong sinisimangot niya?' Ako nga dapat sumimangot sa kanya dahil nagpahalik siya sa iba. Mali, may hinalikan siyang iba.

"Hindi ka raw kumain kagabi tapos hindi ka pa rin lumalabas ngayon? May sakit ka ba?" tanong niya.

'Oo, meron, masakit ang puso ko dahil nakipaghalikan ka sa iba.'

"Hoy, sumagot ka nga?" Bakit ba ang lambing ng boses niya? Inaakit ba niya ako? Kasi kung oo...pwes nagtagumpay na siya dahil nabuhay si baby junior ko. "May sakit ka ba?"

"Wala, doon ka na sa Enrique mo." Nagtatampo kong sagot.

"Enrique? Paano nasali si Enrique usapan?"

"Tss, ano ba kailangan mo?"

"Ikaw." Naging si the flash bigla ang inis ko sa bilis mawala dahil sa sinabi niya.

"Ako?"

"Oo, ikaw ang kailangan ko kaya nga ako nandito?"

"Anong kailangan mo sa akin?"

"May pag-uusapan tayong importante."

"Tss, akala ko pa naman ano na...ano ba yon?"

"O, kunin mo at pirmahan mo na." Abot niya sa akin ng... annulment papers...again.

"Ano na naman 'to?" Nakakunot ang noo kong tanong. "Hindi ka pa ba nagsasawa sa kakabigay sa akin nito?"

"Wag mo na itapon at itago mo na lang para kapag nakapag-isip ka na ay pirmahan mo na lang."

"Pirmahan pala ha!" Pinakita ko sa kanya kung paano ko pinira-piraso ang papel at inihipan.

"Phoenix..."

"Hindi ka pwede mapunta sa iba kahit sa Enrique na 'yon pa." Saka ko siya hinila sa loob at sinara ang pinto. "Walang annulment, walang maghihiwalay. Akin ka, iyo ako, period." Idiniin ko siya sa dingding.

"Phoenix ano ba...?" Tinutulak niya ako ng mahina pero mas diniin ko pa siya lalo.

"See, sinuot ko na ang singsing ko at nakasuot pa rin ang singsing mo kaya mag-asawa na talaga tayo."

"Saan mo 'yan nakuha?"

"Secret, akin ka lang tandaan mo yan." I kissed her. At first she refused but later she kissed me back. Hinawakan ko ang balikat niya para ibaba ang damit pero hinawakan niya ang kamay ko.

"Wait..."

"Bakit?"

"Lasang dugo ang labi mo."

Hinawakan niya ang labi ko na pumutok kahapon dahil sa sapak ng gagong 'yon saka tumingin sa akin. Sinapak na nga ako ng tarantado pumayag pa na halikan ng asawa ko.

"Anong nangyari sa labi mo? Ginamot mo na ba 'yan?" tanong niya. Napasarap yata ang halikan namin at nadiin yata ang labi ko kaya nagdugo.

"Hindi, halikan mo lang ulit para mawala na ang sakit." Ngumuso ako pero nag-iwas lang siya.

"Phoenix, hindi ako nakikipagbiruan sa'yo. Hindi ba ito naman ang gusto mo? Ang makipaghiwalay sa akin?"

"Noon yon, ayoko na ngayon." Sabay halik sa leeg niya.

"Bakit?"

"Dahil ayoko na mawala ka." Saka ko hinalikan ang pisngi niya.

"Pinaglalaruan mo ba ako?" Inis niyang tanong pero malambing pa rin.

Brother's Code 1- Denial: His Deceptress WifeWhere stories live. Discover now