TWENTY SIX

6.2K 146 15
                                    

"Good morning," bati sa akin ni Hailey nang lapitan ko siya habang nag-aayos ng lamesa.

"My morning is always good kung ikaw ang lagi kong nakikita." I kissed her and she kiss me back.

"Kumain ka na at baka ma-late ka pa."

"May oras pa ako, at pwedeng ikaw pa ang ikaw ang kainin ko."

"Tumigil ka, nakain mo na kagabi." She blushed when she said it. I pulled her closer to me kaya napayakap siya sa akin. "Nix..."

"Hindi ako magsasawang titigan ka, Hailey. Ikaw lang ang gusto kong tingnan habang-buhay."

"Nix..." She closed her eyes when I kissed her.

Her phone rang. Tumingin muna siya sa akin saka dinampot ang tawag.

"Hello po..."

"Ganoon po ba, sige po hihintayin ko po kayo dito."

"Ano po kasi...ayaw ni Phoenix pumirma." Kumunot ang noo dahil sa sinabi niya. Sinong kausap niya?

"Ah opo, nandito nga po siya."

"Sino yan?" I asked.

"Sandali po..." Tinakpan niya ang mouthpiece ng cellphone. "Si attorney, tinatanong ang tungkol sa annulment."

"Akin na," Inabot niya sa akin ang cellphone.

"Yes, attorney?"

"Good Morning, Phoenix. Gusto ko lang i-follow up kay Hailey ang tungkol sa annulment."

"There is no annulment, attorney."

"I'm on my way, can you wait for me? We will talk."

I look at Hailey. "Sure." I ended the call and gave it back to her the phone.

"Phoenix?"

"Walang annulment, Hailey. Sinabi ko na ito at uulitin ko...walang annulment. Tell him I am in grandpa's office."

Dumiretso ako sa opisina ni grandpa. Ilang minuto lang ay sumunod si Hailey kasama ang abogado.

"Have a seat." Umupo siya tapat ko. Uupo din sana si Hailey sa tapat ko pero tinawag ko siya. "Sit here beside me wife." Tumango siya at lumapit sa akin at umupo sa tabi ko.

"I came here to follow up on the annulment request of Hailey."

"I already told you on the phone, no annulment."

"I understand, Phoenix. I am not an enemy here. Hailey filed an annulment, so I came here to follow up on her decision. If ever na gusto niyang iatras na lang then...I will close the request in the office. If she's willing to continue...the case is still open."

I look at Hailey na nakatingin sa akin nang magsalita si Attorney. "I will assumed that you already love your wife, Phoenix. But I think you already know her weakness as a woman. She is not capable of having a child. Bilang abogado na pinagkatiwalaan ng lolo mo ay ayokong masira sa Don kahit wala na siya. Ayokong masaktan si Hailey pagdating ng araw."

"Close the case," sabi ko saka ako tumingin kay Hailey. "Hindi ako makikipaghiwalay sa'yo."

"Pero, Nix, paano ka?"

"Anong paano ako?"

"Paano ang pangarap mo na magkaroon ng maraming anak. 'Di ba sabi mo noon gusto mo maraming anak para marami silang magkakalaro. Naalala ko na sinabi mo 'yon noong mga bata pa tayo."

"Ayokong magka-anak kung hindi rin lang ikaw ang magiging ina."

"Phoenix..."

"I will return the assets that Grandpa transferred to me. I will pay the 30 million that I owe him. I will sign an agreement now that whatever happens to my wife her money will be transferred to charity. I will not take any single penny from her."

Brother's Code 1- Denial: His Deceptress WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon