White Lady

5 2 0
                                    

Gabi na noon ng umuwi si nene at kapatid niyang si vic sa kanilang bahay.Dahil sa wala silang tv noon ay nakikinuod nalang sila sa kanilang kapitbahay na medyo may kalayuan ng konti sa kanilang bahay. Pasado alas dyes na ng gabi ng matapos nila ang palabas at napag pasyahan na nilang umuwi. Ang bahay pala nila noon na yari sa kawayan at hindi ganon katibay at medyo malapit sa suage river sa iloilo at medyo magubat ang paligid.
Heto na nga, pagdating nila sa harap ng bahay ay tahimik ang paligid at sobrang lamig ng simoy ng hangin.Dahil nga siguro sa gabi na masyado ay naisip nilang tulog na ang kanilang ina kung kaya't napaka tahimik na ng bahay at kakilabot ang paligid dahil sa madilim at tanging huni lamang ng kung ano mang insekto o ibon ang maririnig.

"Ate iihi lang ako mauna kana pumasok sa loob".sabi ni vic
Tango lang ang sagot ni nene at  binuksan na ang pintuan ng bahay.Agad naman niyang sinindihan ang lampara at dahan dahan naglakad sa loob ng bahay dahil baka magising ang kanilang ina at masesermonan sila dis oras ng gabi. Uminom ng tubig si nene at inantay makapasok ang nakakabatang kapatid para ma ilock na ang pinto ngunit wala parin ito.
"Saan kaya umihi iyon! Padabog siyang  naglakad papunta sa pintuan para tawagin ang kapatid.

"Vic dalian mo na at inaantok na ako! Kanina ka pa diyan umiihi hindi ka parin tapos?! Naiinis na tawag niya sa kapatid ngunit walang sumasagot. Medyo kinabahan siya dahil madilim sa labas at tanging sinag lang ng buwan ang nagbibigay ng kaonting liwanag sa buong paligid. Lumabas si nene para hanapin ang kapatid at nakita niya itong nakatayo sa harap ng babuyan nina susan na sa katabing bahay lang nila, oo mismo sa katabi ng bahay nila ay may babuyan  at doon niya nakita ang kapatid na nakatayo at nakatalikod sa kanya.

"Anong ginagawa mo diyan? Kanina pa kita tinatawag halika na ilolock ko na ang pinto inaantok na ako! Mamaya  bigla magising si nanay patay tayong dalawa! Inis niyang  singhal sa kapatid. Nanatili lamang itong nakatingin sa loob ng babuyan at hindi gumagalaw! Ewan niya kong sino ang tinitignan ng kapatid doon at dahil may ilaw naman doon sa babuyan nina susan napatingin narin siya doon. At wala naman siya ibang nakita doon kundi si susan na may ari ng babuyan nakatayo lang doon at nakatalikod at bigla siya napa kurap ng mata.Bakit bigla ata humaba ang buhok ni susan? Eh never naman naging mahaba buhok non dahil lagi maikli gupit non at tsaka teka bat kailangan naka bestidang puti siya  at lagpas talampakan talaga eh titingin lang naman ng mga alaga niyang biik.

"Tignan mo to si te susan naka white talaga eh sa babuyan lang naman ang punta". Saad ni nene
"Ate..tignan mo si te susan..'nanginginig na sambit ni vic
Napatingin si nene sa kapatid  napansin niyang natuod ito sa kinatatayuan at pawis na pawis  napakunot noo siya sa inasta ng nakakabatang kapatid.

"Kanina ko pa siya tinitignan vic,diba sabi ko nga bat naka bestidang puti siya eh titingin lang naman ng mga alagang biik."sagot ni nene
Napahawak ang kapatid sa braso ni nene at pawis na ang kamay nito at parang maiiyak na sa takot na hindi naman maintindhan ni nene kong ano ang kinatatakot nito. Napabaling siya ulit ky susan at laking gulat niya na medyo malapit na agad ito sa kinaroroonan nila na kung kanina ay nasa dulo lang ito ng babuyan at ganon padin ang pwesto nito nakatalikod padin sa kanila.Medyo bigla siyang kinilabutan dahil wala naman pagbabago sa pwesto nito maliban sa malapit na ito sa kinaroroonan nila at tanging  barbed wire lamang ang pagitan. At pinagmasdan niya ito ng maigi at bakit parang may mali kay te susan? Parang hindi manlang gumagalaw  kahit buhok nito hindi gumagalaw o nililipad ng hangin eh malakas naman ang hangin.Napatingin siya sa damit nito pababa sa paa nito...kinilabutan siya ng sobra sa nakita sabay hawak sa kamay ng kapatid na nakapulupot sa braso niya..
"Ate ang paa ni te susan nakalutang sa hangin!. Mahinang sambit ni vic at sabay sila napaatras
At akmang magsasalita pa sana siya ng biglang humarap ang babaeng nasa pagitan ng barbed wire at sa pagharap nito pareho sila natuod magkapatid sa natuklasan!

Hindi ito si susan na may ari ng babuyan! Ang babaeng humarap sa kanila ay wala itong mga mata at tanging ilong ,bibig  at maputlang maputla na mukha lamang ang kanilang nakita at napansin din ni nene na sobrang haba ng buhok nito na halos pumantay sa dulo ng mahaba nitong bestida at nakakakilabot ang kabuuan nito na hindi niya maipaliwag ang kilabot na naramdaman na pati ata buhok niya sa ulo ay nagsitayuan.Nakalutang ito sa hangin. Pareho sila hindi nakagalaw magkapatid kahit gustuhin nilang tumakbo hindi nila magawa para silang namagnet sa kinatatayuan at nakatingin lamang sa babae na inakala nilang si susan na may ari ng babuyan pero hindi pala. Bigla lamang sila napakurap ng marinig ang boses ng galit nilang ina na kanina pa pala nakapamewang at kanina pa tawag ng tawag sa kanila.

"Nene! Victor! Ano ba kayong dalawa anong oras na hindi ba kayo papasok? Aba kayong mga bata kayo kanina ko pa kayo tinatawag! Magsipasok na kayo ! Galit na sigaw ng kanilang ina.
Agad sila kumaripas ng takbo papasok ng bahay at naglock ng pinto.Simula noon hindi na maalis alis sa isip ng magkapatid ang kanilang nakita noong gabing iyon.At hindi narin sila nagpapagabi ng uwi kapag nakikinuod sila ng tv sa kapitbahay.Ang karanasan na iyon ay hanggang ngayon ala ala parin ng magkapatid at hinding hindi nila makakalimutan kailanman na minsan sa buhay nila ay nakakita sila ng White Lady.

Vous avez atteint le dernier des chapitres publiés.

⏰ Dernière mise à jour : Oct 27, 2021 ⏰

Ajoutez cette histoire à votre Bibliothèque pour être informé des nouveaux chapitres !

White LadyOù les histoires vivent. Découvrez maintenant