SA INIT NG BASO
Naramdaman ang banayad na paghaplos
Mga palad ay mahigpit na nakayapos
Sa init na kanyang ibinibigay
Nanginginig na mga daliri’y nadarangSa lamig ng naidudulot ng panahon
Nakatalukbong ng kumot sa tabi ng pugon
Usok na malayang umaakyat pataas
Hinigop ang mainit na pinigang katasDumaloy sa lalamunan
Lamig ay nawala sa tiyan
Buntong hininga’y iginawad
Ng maramdaman ang init na banayad
![](https://img.wattpad.com/cover/165550395-288-k656201.jpg)
YOU ARE READING
Nepenthe's || A Poetry Anthology
PoetryMy potion to induce forgetfulness of pain and sorrow just like how the ancient greek used Nepenthe... All Rights Reserved 2021 || Poetry Anthology