INTRO

7.6K 116 55
                                    


Sophia was staring at her wedding gown for a quiet seconds now. More days to go and she's going be to Mrs. Demir.

Naglakad na siya patungo sa kanyang silid at humiga. Pero hindi pa nag-iinit ang likod niya sa pagkakalapat sa kama ng biglang may naghagis ng kung ano sa bintana niya dahilan para magkalat ang mga bubog sa loob ng silid niya, pero hindi na niya iyon napagtuunan pa ng pansin dahil biglang may kumalat na usok sa buong silid niya. Mabilis niyang tinakpan ang kanyang bibig at ilong at mabilis na tinungo ang pintuan ng kanyang silid. Halos wala na siyang makita, pero dahil kabisado niya ang bahay niya ay madali lang siyang nakalabas.

She can hear footsteps, pero sa halip na kabahan at matakot ay mas nakaramdam pa siya ng inis at galit.

Her house is sacred! Wala pa siyang hinahayaan na pumasok sa bahay niya maliban sa apat niyang matalik na kaibigan, at ang fiancé niya. Bukod sa lima ay wala ng nakakapasok pa sa bahay niya.

How dare he or she trespassed my property!

Mabilis siyang bumaba ng hagdan at walang ingay na nagtago sa ilalim ng hagdan.

Napangisi siya ng marinig niya ang mabibilis na hakbang nito pababa ng hagdan kaya mas lalo siyang napangisi. Kayang kaya niyang lumaban. She's professional in terms of fighting kaya hindi siya natatakot.

"Come and get me assh*le" Sa isip isip niya.

Nang maramdaman na nakababa na ang kung sino mang pontyo pilato na pumasok sa bahay niya ay agad niyang hinintay na dumaan ito sa pwesto niya. Madilim ang buong bahay niya dahil gabi na at hindi niya hinahayaang nakabukas ang mga ilaw. Kaya naman mas malaki ang tyansa niyang mapatumba ito. Nang unti unting nag-adjust ang paningin niya sa dilim ay pasimpleng sinilip niya ito. Nakatulong rin ang munting ilaw sa labas para makita ang kabuuan ng pumasok sa bahay niya. Lalaki ang trespasser sa pamamahay niya, kulay itim ang lahat ng kasuotan nito, habang ang mukha nito ay natatakpan ng bonet  at tantya niya ay mahigit anim na talampakan ang tangkad nito, at sa laki ng katawan nito ay kayang kaya siyang talunin.

"Hmmm, let's see."  madami na siyang naitumbang lalaki, at mas malaki at mas mataba pa ang katawan kesa sa lalaking ito. Sa dami na ng nakalaban niya, dalawang tao lang ang nakatalo sa kanya. Si coach Booker at si— "oh, nevermind."

Nagtago siyang muli nang lumingon ito sa gawi niya, at hindi na siya naghintay pa ng matagal dahil narinig niya ang papalapit na yabag nito, at nang maramdaman na nasa tapat niya ito ay mabilis na hinawakan niya ang braso nito at ibinaliko, kasabay ng paghawak niya sa leeg nito at ang malakas na pagsipa niya sa paa nito dahilan para matumba ito.

She heard him hissed pero mabilis ang kilos na pumatong at dinaganan niya ang tiyan nito tsaka mas pinahigpit  ang pagsakal sa lalaki. Ang isang kamay niya ay nakahawak parin sa binaluktot niyang braso nito, habang mabilis ang isang paa niya na pumulupot sa isa pang kamay nito.

"Who are you?! Why did you trespassed my house?!" Bulyaw niya rito at mas lalo pang hinigpitan ang pagkakasakal niya rito. Kung mapatay man niya ito ay wala siyang pakialam.  This is her house! And he has the guts to enter her sanctuary!

Pero nagulat siya dahil isang kisap mata lang ay mabilis nitong napagpalit ang pwesto nila, at siya na ang nasa ilalim nito.

Saglit pa siyang napapikit ng masamyo niya ang mabangong amoy nito.

"Put your senses back Sophia! He's a intruder!"

Pero nang hawakan niya ang dibdib nito para itulak ay napatigil siya sa tigas niyon. She's so sure that he has a great body. Hindi niya rin maintindihan kung bakit biglang bumilis ang tibok ng puso niya. His body felt familiar.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 09, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

MineWhere stories live. Discover now