C11

682 93 5
                                    

Frances Pov

Naghihintay lang ako dito sa may sofa namin kasi may lakad kami ngayon ni kielle , this past few days ramdam ko na lumalala na talaga yung sitwasyon ko and about sa wedding pina cancel ko na talaga yun kay dad at ginawa naman niya yung gusto ko.

Sa nalaman ko about sa mommy ni jaydee ay dun ko napagtanto na sobrang hirap ng sitwasyon niyang puntahan ako lagi sa hospital despite na may trauma pala siya sa mommy niya nung namatay iyun.

Akala ko kilala ko na siya ng lubusan pero nagkakamali ako, madami pa akong hindi nalalaman na pinagdadaanan ni jaydee.

Tapos na rin naman akong ipagpilitan yung sarili ko sa kanya at ngayong nalalapit na ang aking kamatayan haharapin ko na iyun ng mag isa.

Magiging masaya nalang din siguro ako na maging malaya si jaydee at wala na siyang dapat pang intindihin kagaya ko.

Ang kasiyahan niya ay ang kasiyahan ko din , ganyan ko siya kamahal kahit hindi niya ako mahal.

Ang sakit ano? Yung first love at tinatawag kong great love ay malabo akong mahalin.

"Anak may problema ba?! Masakit na naman ba yung dibdib mo? Wag mong pilitin yung sarili mo na umalis ngayon kasama si kielle kung hindi pa naman kaya ng katawan mo anak" nag aalalang sabi ni daddy sa akin , unti unti ko namang pinunasan yung mga mumunting luha ko sa mga mata at tinignan si daddy.

"Ah wala daddy im okay , dont worry sadyang may naalala lang ako at tsaka si mommy namimiss ko na siya dad" sabi ko kay dad at tsaka niyakap siya , kung nandito lang sana si mom ay sana mas dodoble yung lakas ng loob ko para lumaban sa sakit kong ito.

Bilang nalang ang mga araw ko at nararamdaman ko na iyun, nalulungkot ako sa part na baka maiwang mag isa si daddy dito sa mundo.

At yun nalang ang tanging pinanghahawakan ko kung bakit kahit hirap ma hirap na ako ay lalaban pa din talaga ako hanggang dulo.

"Ako din anak miss ko na yung mom mo pero nak? Lumaban ka ah? Kahit anong mangyari wag kang bibitaw at lagi kang lalaban ah? Ikaw nalang ang meron ako at hindi ko kakayanin pag nawala ka din sa akin frances , ikaw ang kaligayahan ko nak at mahal na mahal kita" emotional na sabi ni daddy sa akin medyo naluluha na din siya habang hinahaplos haplos yung ulo ko.

"I'll fight this damn illness dad , I promise that magpapakatatag ako at kakayanin ko , kahit nahihirapan na ako dad pipilitin kong indahin lahat para lang makasama ka pa ng matagal" yan nalang ang nasabi ko , yung will ko mabuhay ay malakas pa pero yung katawan ko hindi na , kusa na siyang bumibigay at ang siyang nagiging dahilan kung bakit pati ibang parte ng organs ko ay unti unti nading bumibigay at nag ma mal function.

"That's my princess! Ikaw ang lakas ko frances , kung pwede lang na kunin ko yang nararamdaman mo ay gagawin ko , pinapanalangin ko lagi sa poong may kapal na sana , sana pagalingin kana niya , walang wala tong kayamanan na meron ako kung nakikita ko yung nag iisa kong anak na nag sa suffer ng ganito , kung pwede ko lang ipalit yung kayamanan at mga bagay na meron ako para sa mabuting kalusugan mo ay gagawin ko anak" tuloy tuloy na yung paghikbi ni daddy , araw araw ay alam kong umiiyak siya ng patago.

Madami nang nahihirapan ng dahil sa akin , kunh hindi lang sana napunta sa akin tong sakit sa puso ay edi sana nagagawa ko lahat ng gusto ko.

30 DAYS WITH YOU (FRANDEESAL)Where stories live. Discover now