SIMULA

59 2 0
                                    

(~'.')~ This a work of fiction. Any names, character, place, events are product of author imagination. Any resemblance to a actual person living or dead is purely coincidental.

This is my own version of vampire! I am not into this but I will give this a shot!

Trigger Warning! Killing, Violence, languages are not suitable for young minds! Please be advised.

Read at your own risk!

(~°∆°)~ Third Person

UMALIS ng bahay ampunan si Mifflyn sa edad na nineteen. Sa edad na twenty two ay batak na ito sa trabaho. Tatlong taon na siya nagtatrabaho sa isang dance studio. Isa siyang utility roon. Pagwawalis, pagmamop, pagpupunas ng salamin, pagpupunas ng glasswall, pagsesale talk sa mga tindang damit ng shop, obligado rin ito na panatiliin na hindi mapuno ang basurahan. Kahit tisues kailangan hindi maubos.

Utusan rin siya ng mga teacher na nagtuturo ng sayaw. Kahit ang mga katrabaho nito ay inaabuso rin siya na hinahayaan lang niya. As long na hindi siya sinasaktan ay okay lang sa kanyang utusan siya. Iniisip kasi ni Mifflyn na kapag pinatulan niya ito ay siya na naman ang magmumukhang masama. Sa huli palaging siya ang mali.

"Americano, sa star bucks bilis!" Utos sa kanya ng teacher na nagtuturo ng sayaw. Agad itong tumakbo papalabas ng lobby. Tinatawanan siya ng mga katrabaho dahil kaka-akyat lang ni Mifflyn matapos siyang utusan ng mga ito.

Sa labas pa ng mall ang Starbucks kaya halos takbuhin na niya ang escalator pababa. Wala na siyang panahon para lingonin ang mga matang nakamasid sa kanya. Pawisan na kasi ito at may mga iilan siyang taong nagigitgit.

'Hindi ko naman sila kilala kaya ayos lang.' Wika ni Mifflyn sa isipan. Maaring nakakahiya nga ito kung iisipin. Ang lagkit ng tignan ni Mifflyn at wala na sa ayos ang buhok niya. Dinaig niya pa ang nanganak.

Bumalik si Mifflyn sa studio trenta minuto ang makalipas. "Ito na.." Aniya. Iniabot nito ang hawak. Kinuha agad iyon ng teacher. Akmang aalis na siya nang tawagin ulit siya ng teacher. "Uhhh.. Can you buy one pa nga.. Dalawa pala nakalimutan ko." Maarteng sambit ng teacher.

Pilit pinipigilan ni Mifflyn ang inis. Halos hingal na hingal itong tumakbo pababa at paakyat. Inisip na lang niya na totoong nakalimutan nito. Tinanggap ni Mifflyn ang pambili at muling tumakbo na akala mo nasa fun run. Tumingin yung teacher na naka assign sa lobby. Nag approved ito sa mga katrabaho ni Mifflyn hudyat na tagumpay ang pantitrip nila sa dalaga.

PAGOD na pagod si Mifflyn nang mahiga sa kama. Gustong-gusto na niyang matulog kaya lang wala pang laman ang sikmura simula nung umaga. Tanging tsokolate lang ang kinain nito. Bumaling siya sa side table kung nasaan ang mini clock na nabili niya sa plastikan.

Alas diez na nang gabi. Kahit pagod bumangon siya para bumili nang makakain. Sa isang village ang apartment niya. Nasa daanan lang ang tingin ni Mifflyn. Hindi ito natatakot kahit na madilim at may ilang paniki ang nagliliparan. Mahina ang tunog ng kuliglig.

Sa labas ng village nila mayroong 7/11 kaya doon na lang niya naisipang bumili ng makakain. Tumawid lang siya saglit. Madalas siya roon bumili lalo na kapag pagod siya galing trabaho. Isang big cup noodles at malaking delight ang kinuha nito. Kilala na siya ng cashier kaya iiling-iling ito habang pinapatch yung napiling bibilhin.

Bitbit ang supot nang muli itong tumawid. Wala siyang pakialam kung masagasaan siya ng kotse kaya naman diretso lang siyang naglakad. May humintong isang kotse ngunit hindi siya nag abalang lingonin ito.

Hanggang sa makapasok siya sa loob ng village ay tulala lang siya sa daan. Napahinto lang ito sa pag iisip nang tutukan siya ng patalim sa leeg. "Holdap 'to!! Akin na pera mo! Kundi papatayin kita!" Nangigigil na sabi ng lalaki. Nasa likuran niya ito.

"Edi patayin mo." Malumanay niyang sabi. Napahinto yung lalaki. Natigilan tila hindi inaasahan ang maririnig."A-Ano?" Anang lalaki.

Humarap siya sa lalaki at siya na mismo nagtutok sa puso niya. Kung itatarak ng lalaki iyon direkta siyang mamatay. "Sabi mo papatayin mo ako 'di ba? Patayin mo." Wika nito.

Nanginginig ang kamay ng lalaki nang bitawan ang kutsilyo. Tila nagtayuan ang balahibo sa batok niya sa narinig kay Mifflyn. Natatakot siya sa dalaga dahil sa tapang nito. Ang totoo hindi kayang pumatay ng lalaki at ginagawa lang niya ito dahil sa matinding pangangailangan.

"H-Hindi ka natatakot?!" Anito. Payak na natawa si Mifflyn sa tanong nito. "Bakit ako matatakot? Pasasalamatan pa kita." Ngumisi ang dalaga na mas lalo nagpakilabot sa lalaki. "Ba-Baliw ka!" Pagkasabi ay kumaripas ito ng takbo.

"Psh.." Bumuga si Mifflyn ng hangin. "Takot naman pala." Wika nito saka nagpatuloy sa paglalakad. Pagpasok niya sa munting apartment ay kaagad siya nagpainit ng tubig. Nang kumulo ay kumuha siya ng bowl saka nilagay doon ang nabiling instant noodles. Ayaw niya kasi sa cup kumain.

Bitbit ang bowl nang maglakad ito kaso aksidente niyang nabitawan iyon nang makakita ng pigura nang lalaki sa harap. Gumawa ng ingay ang bowl nang nabasag ngunit hindi man lang lumingon yung misteryosong lalaki!

"Sino ka?! Papaano ka nakapasok?" Sa pagkakatanda ni Mifflyn ni-lock niya iyong pinto. Isang matangkad na lalaki ang humarap sa kanya. Hawak niyon ang nag iisang picture niya noong bata. Hindi niya alam ngunit labis na dinadaga ang dibdib niya.

"Be my slave Mifflyn." Malaki at malalim ang boses ng lalaki. Nagtataka siya kung paano nalaman ng lalaking ito ang pangalan niya. Sa pagkaka-alam niya hindi niya kilala ito at nasisiguro niyang ngayon niya lang ito nakita.

Dahan-dahan na naglakad sa kanya ang lalaki. Matinding paglunok ang ginawa niya. Sa mga oras na iyon hindi alam ni Mifflyn na kaharap niya ang pinaka kinatatakutan sa lahat ng bampira.

---

© 2021

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 10, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Night of DesireWhere stories live. Discover now