Chapter1

16 4 0
                                    

Klein POV.

     Maaga akong nagising dahil sa alarm Kong napakaingay. Uunat-unat akong tumayo, kahit inaantok pa ay wala akong magagawa dahil kailangan Kong pumasok ng maaga sa bago kong nilipatan na paaralan.
And I'm currently 2nd year High school.

    Hindi na bago sa akin ang magpalipat-lipat ng school maski ng bahay sapagkat sundalo ang aking Dada at tuwing may misyon siya na matagal at nakadistino sa ibang lugar ay kailangan rin naming lumipat ng bahay kasi ayaw ni mom na nalalayo ng ganon katalagal Kay dada.

   Masyadong clingy si mom samin.
Actually I'm not fond of it but when it comes to my family it's ok for me. Kapag yung iba na yung gumagawa, hindi ko na nagugustuhan.

    Dahil sa palipat-lipat rin namin ng tahanan ay wala akong nagiging kaibigan na tumatagal. Kasi sa tuwing lilipat kami ng bahay parang ayun narin yung nagsisilbing pahiwatig na  tapos narin yung friendship namin.       
Temporary friendship lang kung baga.

    But it's ok, nasanay na rin naman ako don, and masaya na ako sa kung anong meron lang ako. Mas gusto ko nalang ng katahimikan and ng peace of mind.

       Pagkatapos Kong ayusin ang aking sarili ay bumaba na ako para mag-agahan. Ngunit nasa may hagdan palang ako ay amoy na amoy ko na yung mabangong aroma ng niluluto ni Mommy. gosh fave. ko Yun ah!

  Dali dali akong nagtungo sa aming kusina at naabutan ko si mom na nakanta pa habang inihahanda ang mga nalutong bacon and eggs. Hmm mukang good mood ah.

    Lumapit ako sakanya at humalik sa pisnge.
    "Good morning mom" bati ko
Humarap siya sakin at binigyan ako ng matamis na ngiti.

   "Oh Good morning too sweetie, I made your favorite breakfast, here can you put it on the table?" Suyo ni mom still wearing her sweet smile.

   " Thanks mom, sure po ihahanda ko narin po yung mesa" Sabi ko habang kinukuha yung mga pagkain.

   Tatalikod na sana ako when I noticed something.
   " Ay mom Where's Dada nga po pala?" hindi ko kasi napansin si dada sa sala o maging sa dining area.
    Ang alam ko wala pa yung pasok kasi kakauwi niya palang nung nakaraang buwan.

   "Ah he's on the garage may aayusin daw sa kotse niya, pupuntahan ko na nga rin para sabay-sabay na tayong makapag-agahan." Mom said.

   Tumango nalang ako at ngumiti bago nagtungo sa dining area para ilapag itong mga pagkain at maayos ko na yung hapagkainan.

     Saktong kakatapos ko lang magayos at papunta na Sana sa garage para tawagin sila dad. Ngunit nasa may kusina palang ako ay natanawan ko na agad sila.

   Muntik pa akong matawa nung pagbaling ko Kay mom na nakayakap Kay Dada habang naka pout.

    Haha ang cute talaga ni mom kapag umaasta siyang parang bata, wag mo lang talagang gagalitin kasi makikita mo talaga kung paano mag transform ang pusa bilang Isang Leon.

   Suskopo iniimagine ko palang kinikilabutan na ako.

     " Oh mom bakit po ganyan na ang mukha mo? Parang kanina lang kung Maka ngiti ka wagas" tatawa-tawang tanong ko.

    " Pano ba naman kasi itong Dada mo kailangan na namang umalis, e parang kakauwi niya lang tapos aalis agad" mom said while still pouting.
   Hahah nagtatampo na naman si mom.

    " Ano ka ba naman hon, alam mo namang kailangan diba at parang di ka na nasanay, saglit lang naman yon uuwi rin naman ako."
Pagpapaliwanag pa ni dada.

Maybe this time ( ON HOLD!! )Where stories live. Discover now