C20

608 70 16
                                    

Frances Pov

Nakahiga lang ako ngayon sa may kama ko at as usual eto na naman ang mga machine na nakasaksak sa akin , nakatingin lang sa akin si daddy na may nakakalungkot na tingin.

He told me about the euthanasia or the mercy killing process but i won't agree about it kasi kaya ko pa , kakayanin ko pa na indahin itong sakit na nararamdaman ko.

Gusto ko maging masaya at lumaban pa din hanggang dulo, alam kong nahihirapan na siyang tignan akong ganito but hindi ko igigive up itong sarili ko.

Alam ko na kung gaano kalakas yung will ko na mabuhay ay ganun din ang ipinapakita ng aking katawan pero yung puso ko hindi kasi pahina na siya ng pahina.

"Dad? Don't cry okay? Alam kong nalulungkot kana but please i want my remaining days to be happy,. Ayokong iend yung buhay ko ng euthanasia , let the Lord take me instead" nanghihinang sabi ko sa kanya , napapunas nalang siya ng luha niya at tsaka umalis na muna sa loob ng kwarto ko.

Napapikit nalang ako at pinipigilan ang aking sarili na maluha , namimiss ko si jaydee , ang tagal ng oras gusto ko na siyang makita at makasama ngayon.

Napatingin nalang ako sa phone ko at pinagmasdan yung mga litrato naming dalawa sa mga pinuntahan namin this past few days.

Napangiti nalang ako nang makitang muli yung picture namin na nag smack kiss , wala ang cute lang , yung taong mahal na mahal ko simula pagkabata ay mahal din ako.

Habang nag iiscroll ako ay hindi ko maiwasang hindi kiligin , despite na yung puso ko ay hindi umaayon sapagkat nahihirapan akong huminga.

Pinress ko na yung emergency button at nang sa ganun ay matulungan ako ni dad, yung paghinga ko ay unstable at need ko na yung meds ko.






Jaydee's Pov

Day 7

Inuwi na muna sa bahay nila si Queen sapagkat upang mabantayan din siya ni tito ng buong araw at makapag pahinga siya ng maayos ako naman ay kasalukuyang nasa school sapagkat may natitira pa akong exams.

Ayoko na muna sanang pumasok kaso nga ay sinabihan ako ni dad na need ko na muna tapusin yung mga natitira kong exams bago ako magtungo kila frances, pwede na daw akong umabsent muli pag natapos ko na yung exams ko.

"Dong?! Meet me up pag natapos kana sa exams mo ah? I wanted you to meet someone" sabi sa akin ni kielle na ikinapagtaka ko , siniset up niya ba ako sa ibang babae?

"Okay but who's that? I mean hindi mo naman ako siniset up sa ibang girls ano?" Tanong ko sa kanya napailing naman siya at timapik ang balikat ko nang medyo malakas.

"Baliw ka bro! Syempre i won't do that ano?! Basta mamaya nalang ah? I'll wait for you sa cafeteria kasama sila gabb at coleen! See you and goodluck sa exams!" Nakangiting sabi niya sa akin tumango na lamang ako at umalis na siya , kinuha ko na yung libro at notebook ko at ipinasok ko na sa may bag nang senyasan ako ni prof na mag iistart na yung exams ko.

Ako lang naman ang mag isa dito sa room kasi vacant time ng ibang mga classmates ko ngayon at pinaalis na mina sila sa pagtatambay dito dahil nga mag ti take ako ng exams.

30 DAYS WITH YOU (FRANDEESAL)Where stories live. Discover now