C22

641 70 8
                                    

Frances Pov

Day 10

Kasalukuyang namamasyal lang kami ni jaydee dito sa may parke , may dala dala siyang basket na may lamang mga prutas at tsaka pagkain , ako naman ay may dalang blanket dahil nga magpipicnic kami dito kasama yung aso na binili niya para sa akin.

Nilagyan ko ng diaper si Boo nang sa ganun ay hindi siya umihi o tumae kung saan saan ,  masaya lang ako na pinagmamasdan si jaydee na inaasikaso ang lahat.

Nang mailatag niya na yung blanket ay inalalayan niya na ako upang maupo , napapangiti nalang ako ngayon sa sobrang pogi ng dating niya , may salamin siyang suot na mas dumagdag sa dating niya.

"Queen nagugutom kana ba? Eto oh tikman mo yung ginawa kong homemade sushi at tsaka itong buko pie , sigurado akong magugustuhan mo ito" aniya ni jaydee sa akin saka kinuha iyun at isusubo na sa akin , lumapit naman ako sa kanya para maabot ng bibig ko yung pagkaing isusubo niya sa akin.

"Hmp masarap nga jaydee! Napakagaling mo talagang magluto , sa sunod turuan mo naman ako nang sa gayun ay ako naman ang magluto para sayo" masayang sabi ko habang nginunguya yung pagkaing isinubo niya sa akin.

Nginitian niya lang ako saka binuksan yung iba niyang dala , may mga sandwich at tsaka may mga nuggets na nakalagay sa lunchbox na nagpasaya sa akin ng labis.

Sapagkat may mga hugis ng mga cartoon characters yung sandwich , wala ang cute lang tignan para nanghihinayang ako kainin ang mga iyun kasi sobrang cute.

"Oh bakit ka naiiyak dyan? Hahah kainin mo na yan queen? Baka malangawan pa yan" sabi niya sa akin hawak hawak ko lang yung sandwich ngayon, sobrang bawing bawi na si jaydee at alam niyo? Kinakabahan ako sa mga ganito.

Nagsusunod sunod yung masasayang mga bagay na nangyayari at alam ko na ang kasunod nito ay lungkot na, naniniwala kasi ako sa kasabihan na kung gaano ka kasaya ngayon katumbas din non yung lungkot na darating sa buhay natin.

Which is pinapanalangin ko na wag nalang , natatakot ako sa mga posibleng mangyari pagkatapos nito.

"Im just really grateful sayo jaydee , you made this all at si boo? Sobrang saya ko dahil isa siya sa naging lakas ko maliban sayo , thank you sa lahat Jaydee ah? Yung pagmamahal mo palang na pinadarama sa akin ay sapat na at wala na akong mahihiling pa doon" naiiyak na sabi ko lumapit naman siya sa akin at tsaka niyakap ako ng mahigpit.

"Cause you deserved it queen , bumabawi lang ako sa mga nagawa ko noon at tsaka hindi pa nagtatapos ang lahat sa mga ganito queen , pinapangako ko na habang nabubuhay ako ay mamahalin kita ng higit pa sa buhay ko , always remember that queen" sabi niya sa akin habang hinahawak hawakan ang aking mga buhok.

"I love you too jaydee , since birth till now!" Tugon ko naman sa sinabi niya , napakalas naman siya ng biglang tumakbo palayo si boo kaya napatayo kaming dalawa para habulin si boo na papunta ngayon sa isang aso din.

Napatigil naman sa pagtakbo si jaydee , ewan ko kung ano ang nangyari pero nagkukusot siya ngayon ng kanyang mga mata , baka napuwing lang ganun kaya nilapitan ko naman siya kaagad nang mahawakan ko na yung tali ni Boo.

"Are you okay jaydee?!" Nag aalalang tanong ko sa kanya tsaka hinawakan ang kanyang balikat.

"Yes I'm fine queen! Wag kang mag alala , tara balik na tayo don" sabi niya sabay hawak ng aking kamay at masayang naglakad pabalik sa kinaroroonan namin kanina.

Day 11

Jaydee's Pov

Kasalukuyang nagda drive ako ngayon papuntang flower shop , may aasikasuhin lang kasi ako doon at tsaka bibili na din,.

30 DAYS WITH YOU (FRANDEESAL)Where stories live. Discover now