Payphone (Part 1)

340 3 1
                                    

Chapter  1

                Natatandaan ko pa nung una kong nakilala si Paul.

                Grade 3 pa lang ako noon. Pareho kaming pumapasok sa elementary school ng village namin pero mas matanda sya sakin ng isang taon.  Gusgusin pa ako noon. Sobrang hilig ko kasi maglaro tuwing recess at lunch break.

                Hatid sundo ako ng driver namin mula bahay papuntang school. Hindi ako maihatid ng parents ko kasi pareho silang busy sa trabaho. Pero hindi naman nila ako pinapabayaan. Ihahatid ako ng driver tuwing  7:30 ng umaga at susunduin nya ako ng 4:30 ng hapon. Pero bago nya ako sunduin, kailangan tatawag muna ako sa bahay namin at sasabihin ko na tapos na ang klase ko. Saka aalis sa bahay ang driver namin. Hindi pa naman ako binibilihan ng cellphone ng parents ko noon kasi bata pa ako. Baka mawala ko lang daw kung saan. Kaya ang ginagamit kong pantawag eh yung payphone malapit sa gate ng school. Naging routine ko na araw-araw ang pagtakbo mula sa classroom papunta sa gate ng school, maglabas ng limang piso galing sa wallet kong Hello Kitty at tumawag sa bahay namin.

                “Yaya, pakisabi po kay Manong Remy sunduin na ako. Tapos na po ang klase namin.”

                Pagkatapos kong tumawag sa bahay ay mauupo muna ako sa waiting area na malapit din sa gate. Nandito yung mga nanay na nag-aantay sa mga anak nila para lumabas ng classroom o kaya mga batang katulad ko na naghihintay ng sundo.  

                May isang batang lalaki noon na lagi kong napapansin na naghihintay rin kagaya ko. Tatawag din sya sa payphone at uupo sa waiting area. Pero lagi ako nauuna sa kanya. Madalas nga magkasunod pa kaming tumatawag. Tinitignan ko sya palagi. Hindi ko alam kung bakit. Minsan ay ngingiti sya sa direksyon ko tapos iiwas ako. Baka isipin nya crush ko sya tapos ipagyabang nya sa classmates nya.

                Hanggang dumating na yung last day ng school year na yun. Akala ko hindi na ako makakauwi nun eh.  Ganito kasi ang nangyari:

                Saktong limang piso lang ang natira sa loob ng wallet ko pagkatapos naming kumain ng lunch. Bumili kasi ako ng sampung Haw-Haw. Yung kendi na lasang gatas. Paborito ko kasi yun. Iningatan ko ang natirang limang piso kasi pag nawala yun hindi na ako makakatawag sa bahay. Baka hindi ako masundo. Pagkatapos ng lunch ay nag-klase kami ng PE. Pinaglaro kami ng teacher naming ng habulan kasi tamad syang magturo at ano nga ba naman ang ituturo nya sa amin sa edad naming yon. Tuwang-tuwa naman ako.

                Nang matapos na ang klase, tumakbo na ako papunta sa payphone. Paghawak ko sa bulsa ko, hindi ko makapa ang wallet kong Hello Kitty. Inilabas ko na ang bulsa ko’t lahat eh wala pa rin yung wallet ko. Nalaglag siguro noong nag PE kami. YUNG LIMANG PISO KOOOOO. Yun agad pumasok sa isip ko. NASAN NAAAA. PAANO AKO UUWI. Umupo muna ako sa waiting area dahil may iba pang batang nakapila para tumawag. Naiiyak na ako noon. Baka hindi ako sunduin. Ayokong matulog sa school. Nahihiya naman akong humingi ng tulong sa mga mamang guard. Kasi…. NAHIHIYA NGA AKO.

                Umupo na lang ako at mangiyak-ngiyak na ako. Bigla akong may narinig na boses.

                “Bakit ka umiiyak?”

                Pagtingala ko, nakita ko yung batang laging ngumingiti sakin. Nakangiti rin sya ngayon.

                “Nawawala kasi yung wallet ko. Hindi ako makatawag sa payphone kasi wala na akong pera.”

                Umupo siya sa tabi ko. Nakangiti pa rin.

                “Ah ganun ba. Magkano ba kailangan mo?”

Du hast das Ende der veröffentlichten Teile erreicht.

⏰ Letzte Aktualisierung: Jan 27, 2013 ⏰

Füge diese Geschichte zu deiner Bibliothek hinzu, um über neue Kapitel informiert zu werden!

Memoirs Of MusicWo Geschichten leben. Entdecke jetzt