Prologue

72 8 13
                                    

Hindi pa rin mawala sa isip ko ang mga salitang 'yon.

"Ano?! Iiwas ka na naman?! "
" Lapitan mo kaya?! Sugurin mo! Kung natatakot ka, 'wag kang mag-alala! Andito kami, oh! Reresbakan ka namin! "
"Hindi naman pwede 'yung ganun! Masaya pa siya habang nakikipaglandian sa iba! Tapos ikaw?! Nasasaktan habang nakikita sila?! "
" Hanggang kailan mo balak magbulag-bulagan?! Magkunwari?! Magpanggap?! Magtanga-tangahan?! "
" Sige! Magpaka-martyr ka pa hangga't gusto mo! "
" For once, fight for your right as his girlfriend. As a woman! You don't deserve this, Ash. "

Paulit-ulit ko pa ring naririnig sa isip ko ang mga salitang binitawan nila sa 'kin. Kahit ilang oras na mula nung sabihin nila 'yon, parang naiwan pa rin ang mga boses nila sa hangin kaya pabalik-balik sila sa pandinig ko.

Tama sila. Totoo lahat ng sinabi nila.

Oo, umiiwas ako. Natatakot. Nasasaktan. Nagtatanga-tangahan. Nagpapaka-martyr. Mahal ko, eh. Kahit ganun siya, mahal ko pa rin.

Yeah, I don't deserve this. Alam ko 'yun. Hindi dapat ako nakararanas ng ganito.

Pero bakit umiiwas pa rin ako sa reyalidad na niloloko niya lang ako? Bakit ayoko pa ring tanggapin sa sarili ko na tulad lang ng ibang babae ang halaga ko sa buhay niya? Bakit pinipilit ko pa ring isipin na mahal niya 'ko talaga?

Bakit, Ashtyn?! Bakit?!

" Tama na 'yan. 'Wag mo na munang masyadong isipin sa ngayon ang mga nakita natin kanina. " biglang sabi ni Nhate sa 'kin na naging dahilan para tignan ko sila isa-isa.

Nakatingin na pala sila sa 'kin habang ako, tulala.

Bigla ko na namang naalala kung ano 'yung tinutukoy ni Nhate na nakita namin.

Si Khyze, na may kasama na namang ibang babae.

Na naman.

Tried Not To Be TiredWhere stories live. Discover now