Bilang 58 - Agam-agam

1 1 0
                                    

AGAM-AGAM

Sa tuwing nahihiga,
Napapalibutan ako ng mga kalaban,
Mga agam-agam,
Hindi  matatakasan.

Hanggang dito lang ba ang kaya mo?
Para kang nauubos na sigarilyo.
Maliwanag sa unang tahak,
Sa huli may kung anong pumapatak.

Bigat, isang milyong pasan.
Ulo'y nagugulumihanan.
Hanggang saan nga ba?
Hanggang saan ang iyong kaya?

Pudpod na ang orasan,
Sa kakantay kung hanggang kailan,
Bakit pinipilit?
Kung hindi kayang mamilipit.

Sa sakit, pagkabalisa at lugmok.
May patutunguhan bang tuktok?
Wala ka pa sa gitna.
Hanggang kailan ka titingala?

Maabot mo ba?
Mahahabol mo ba sila?
Tumakbo ka, habulin mo.
Hanggang dito lang ba ang kaya mo?

Hanggang dito na lang ako,
Hindi— hindi ito.
Gustong magpatuloy,
Ngunit pagod na ang tumutukoy.

Nepenthe's || A Poetry Anthology Where stories live. Discover now