Guard Me Forever

7 1 0
                                    

"Mukha kang tuko." Tumatawang sabi ni Nina bago ko itapon sa kaniya yung hawak kong plastik na pinag-inuman ko ng coke.

Maarte akong napahawak sa dibdib ko habang malungkot na nakatitig sa aking mapanakit na kaibigan. "Masakit! Masyado kang mapanakit! Pa'no ba kita naging kaibigan? Sino ka para bastusin mo ang isang tulad ko?!"

Napa-aray at mura nalang ako nang bigla niya 'kong binatukan.

Pagkatapos akong sabihang mukhang tuko, babatukan ako. Magaling. Napakagaling kong pumili ng kinakaibigan. Sa susunod hindi nalang ako magta-talk.

Maraming masasamang tao sa mundo.

Pasimple kong kinuha ang aking napiling armas na ipinanlalaban ko sa mga mukhang ipis habang ngsasalita ang aking mabait na kaibigan.

Paglingon niya sa likod niya, agad kong hinampas yung likod ng hawak kong tsinelas sa ulo niya.

"ARAY!" Malakas niya 'kong minura kaya agad akong tumakbo palayo. This is it. I'm gonna die. Gusto ko lang naman bumawi! Magtatago na sana ako nang makakita ako ng lalaking may hawak na Nova kaya automatic na tumigil ako sa pagtakbo.

"AZALEA!"

Hindi ko siya pinansin at kinalabit yung lalaking kaharap ko kahit na kanina pa siya nakatingin sakin.

Seryoso ko siyang tinignan. "Hawak ko pamilya mo. Pahingi ng bente."

"H-ha?" Naka-kunot yung noo niya at mukhang 'di niya na alam yung gagawin niya kaya napakamot nalang ako ng batok.

Bente na nga lang hinihingi ko, hindi pa ibibigay. Wala. Olats yung mga taong may planong kidnapin pamilya nito.

Kumunot ang noo ko. "Kuya, gising tayo. Bente nga. Penge ng bente."

Agad siyang dumakot ng pera sa pitaka niya. Pagkakuha ko ng pera, naglakad nalang ako ng normal papunta ng tindahan para bumili ng chichirya.

Yung lalaki na binigyan ako ng pera, binunot aagd yung selpon sa bulsa niya para tumawag ng kung sino kaya hindi ko na siya pinansin.

Paglingon ko nakita ko si Nina na nagniningning ang mata habang nakatitig sa'kin na may hawak na barya.

Paglapit niya sakin, tumingin agad siya sa paligid at malakas na tumawa nang makita yung lalaki na halos mahimatay na sa nerbyos habang may kausap. Feel ko madali mascam 'tong lalaking 'to.

Pagkakuha ko ng malaking Marty's, nagsimula na kaming maglakad ni Nina sa bahay niya habang kumakain ng chichirya.

"Beh. Sabi ni mama kanina kung kamusta raw yung trabaho mo sa restaurant dyan sa kanto."

Patuloy ako sa pagnguya habang sumasagot. "Oks lang naman. Andami nanamang may gusto na maging waitress nila ako kasi ang ganda ko."

Tumango-tango lang siya.

Namayani ang katahimikan samin bago siya magsalita uli. "Azalea?... Pa'no mo naaalala yung pangalan mo pero wala ka nang ibang maalala?"

Hindi ako nagsalita. Laging ito ang tanong sakin ni Nina. Minsan hindi ko nalang alam kung isasagot ko ba yung lagi kong sagot sa kaniya o iibahin ko para naman mabago.

"Hindi ko alam."

Yun ang totoo. Hindi ko talaga alam kung bakit pangalan ko lang ang naaalala ko. Hindi ko alam kung bakit ako nawalan ng memorya. Kung may kaaway ba ako kaya ako naaksidente.

Marami akong hindi alam tungkol sa buhay ko. Nakakainis kasi tuwing may nagtatanong hindi ko alam ang isasagot ko. Nakakainis kasi napakahirap malaman yung sagot kasi wala akong ibang dalang gamit nung naaksidente ako kundi ang selpon ko na mukhang grabe ang ingat ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 16, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Guard Me Forever (ONE SHOT)Where stories live. Discover now