BUONG AKALA
Malamig na pakikitungo,
Puso'y naninibugho,
Giniginaw dahil ba may bagyo?
O giniginaw dahil may bago?Buong buhay ko ikaw ang naging mundo,
Hindi ko inaasahang darating ka sa ganitong punto,
Payapa kang naninirahan sa aking kalawakan,
Ngunit naghanap ka ng ibang masisilungan.Hindi pa ba sapat ang pagmamahal-
Na iginawad ko sa 'yo para tayo ay magtagal?
Hindi pa ba ako sapat sa 'yo?
At ako'y iyong binigo.Lubos kitang pinahalagahan,
Inalagaan at nais na nga'ng pakasalanan,
Ngunit ang lahat ng pangarap ay mawawala,
Ano pa't sa iba ka na tumama.Akala ko ba mananatili ka?
Akala ko ikaw na,
Buong akala ko mahal mo'ko,
Naniwala ako sa akalang hindi naman pala totoo.
![](https://img.wattpad.com/cover/165550395-288-k656201.jpg)
YOU ARE READING
Nepenthe's || A Poetry Anthology
PoetryMy potion to induce forgetfulness of pain and sorrow just like how the ancient greek used Nepenthe... All Rights Reserved 2021 || Poetry Anthology