Panimula

1.2K 15 3
                                    

"Akin na ang pitaka mo." anang malat na tinig mula sa kaniyang likuran.

"You've got to be kidding me.." Great. Just great. He cannot believe mananakawan pa siya.

Ganito na ba kabagal ang reflexes niya para hindi mapansin ang nangyayari? He prided himself for having a keen senses, subalit heto, maho-hold up pa ng wala sa oras. Dahan-dahan siyang humarap sa taong nasa likuran niya na may hawak na baril at nakatutok pa sa kaniya.

"Isang maling galaw mo, pasasabugin ko bungo mo." anang hold-upper, sabay diin ng nguso ng baril sa dibdib niya.

He stopped his attempt and tried to use another tactic for the guy.

"How can I give my wallet if you won't let me move?" tanong niya sa kalmadong boses. He had been in worst cases before kaya alam niyang walang maitutulong ang pagpa-panic. He always kept his head clear.

"Sige, dalian mo. Kapag nagkamali ka, patay ka." anito. Dahan-dahan siyang nag angat ng tingin. Nagulat siya nang makita ang tila patpatin na lalaking nakasuot ng makapal na jacket na may hawak na baril.

He silently studied the man's physique. Nakasuot ito ng pulang sumbrero at may bandanang nakatakip sa kalahati ng mukha nito, subalit alam niyang may kabataan pa ito base sa tindig ng pangangatawan nito. Idagdag mo na ang boses nitong tila pinapatigas lang upang magtunog-malaking tao.

Tahimik siyang napailing nang maisip na menor de edad palang ito. Siguro ay nasa sixteen o seventeen ang nasa harap niya. Umabot ito hanggang sa balikat nya lang.

"Ilabas mo na ang pitaka mo, hubarin mo na rin ang relong suot mo. Bilisan mo." pukaw nito sa kaniya ng napansing nagmamasid na ito. Narinig niya ang pagkasa ng baril.

Hindi niya maiwasang magulat sa ginawa nito. This guy knows how to use a gun. For the first time, nagbigay ng warning signal ang utak niya.

He then took off his watch slowly at binunot ang wallet sa back pocket ng pantalon niya. His mind was slowly calculating the guy's next move para maagaw ang baril nito. Nang mabuo na sa isip niya ang plano, saka niya dahan-dahang inabot ang relo at wallet. Mabilis namang iniumang ang kamay para kunin ang mga iyon habang nakatutok parin ang baril sa kaniya. Nang abot kamay na niya ang wallet ay saka siya mabilis na kumilos.

His other free hand came swiftly down on the guy's hand holding the gun. Pinalo niya ito kaya tumilapon sa ilalim ng kotse nya ang baril. Mabilis na kumaripas ng takbo ang salarin at sa halip na habulin ito ay pinulot nya ang baril.

He casually pointed the gun at the retreating form of the hold-upper at mabilis na kinalabit ang gatilyo. Nakita niya ang pag tumba nito. He meant the bullet to slow the guy and not to kill him. Daplis lang ang tama nito.

Nang makalapit siya sa pinagbagsakan nito ay hindi na ito gumagalaw. Yumukod siya at nakitang nasa balikat ang tama nito.

Nalaglag ang pulang sumbrero at ilang hibla ng buhok ang sumalubong sa kaniya. Tuluyan nyang naiangat ang walang malay na hold-upper at lalo siyang nabigla nang makitang babae ito. He slowly took off the woman's bandana from her face at sinalubong siya ng maamo at tila anghel na mukha.

Napasinghap siya at napakurap ng ilang beses, nagmulat ang mata ng dalaga at hinuli ito ng asul na mga mata.

Pure, undiluted blue caught his being. Pakiramdam niya ay nalulunod siya sa malalim na karagatan. Ngunit sandali lamang iyon dahil muling nawalan ng malay ang dalaga. He tried clearing his mind from the woman's enchanting eyes. Puno na ng dugo ang damit nito, he silently cursed. Damn reflexes. Hindi lang pala daplis ang tama nya.

For the first time in his life, ngayon lang siya nakaramdam ng takot.

Whoever you are, Woman, I'm not letting you die on me. I will never have your blood on my hands.

——————————————

ANG MGA TAUHAN AT PANGYAYARING GINAMIT SA ISTORYANG NAKALATHALA RITO AY PAWANG KATHANG-ISIP LAMANG AT HINDI HINANGO SA TUNAY NA BUHAY. ANG ANUMANG PAGKAKATULAD AY HINDI SINASADYA NG MAY AKDA.

ANG ANUMANG BAHAGI O KABUUAN NG AKLAT NA ITO AY HINDI MAAARING SIPIIN O MAILIPAT SA IBANG PORMA AT GAMITIN SA ANUMANG PARAAN NANG WALANG PAHINTULOT NG MAY AKDA.

heneralunaa

Tears of FateWhere stories live. Discover now