The Tears of Rain (One Shot Story)

157 10 28
                                    


"Paano mo nagawa sa'kin 'to? Ultimo buhay ko binigay ko na pero bakit parang hindi pa sapat para sa'yo. Bakit mo ako sinaktan ng ganito!" Sigaw ko sa madilim na eskinitang pinuntahan ko habang bumubuhos ang malakas na ulan.

Mabilis akong umalis kanina sa isang restaurant na pagde-datan sana namin ng boyfriend ko, ngunit imbis na saya ang maramdaman ko ay bumungad sa akin ang isang lalaki at babaeng naghalikan.

Isang malaking put*ngina ang nasaksihan ko kanina, kaya naman ay pinutol ko na ang namamagitan sa aming dalawa. Bakit gan'on? Wala na ba talaga akong karapatang makaramdam ng tunay na pagmamahal? Oo nga nakaramdam nga ako nito ngunit ito'y panandalian lamang.

"T*ngina! Sayang oh!, sayang yung damit na suot ko ngayon! Nabasa lang at nasira pa nang dahil sa'yong lintek na Oliver ka" Tinignan ko ang basa kong damit at may punit sa pang-ibaba nito. Wala eh ta tanga-tanga.

"Aray putcha" Pag-inda ko nang mawalan ako ng balanse sa pagtakbo upang umuwi na sana. Napaka-malas mo naman Rain, nasaktan, naulanan at napilayan ka pa.

"Fvck fvck. Pa-paano na ako makakatayo ngayon?" Nilalamig na ako pero kahit na humingi ako ng tulong ay walang makakarinig sa akin dahil patagong lugar ang pinuntahan ko.

Nang makatayo ay may biglang dumaan na dalawang maliliit na daga kaya naman nabigla ako at 'di alam ang gagawin.

"Oh my goshh!" Tili ko nang may makitang may sumunod sa dalawang daga. Ang ayaw ko pa man din sa lahat ay ang makakita ako at makahawak ng daga dahil takot ako roon ngunit bakit ngayon minalas pa ako?

Dahil sa pagpa-panick ko ay muntik akong madulas ngunit laking gulat ko nang may bumuhat sa akin. Hindi ko nakita ang mukha nito ngunit nasi-siguro kong lalaki ito.

"Ano ba! Bitawan mo ako!. Kuya 'wag mo naman akong kidnappin, broken ako kuya! Nasa-saktan pa 'yung tao oh" Tanging sambit ko sa lalaking bumuhat sa akin. Nakita kong pa-punta kami sa isang itim na kotse. What the heck! Sabing 'wag akong kidnappin eh.

"G*go ka ba kuya, pakawalan mo ako! Parang awa mo na. Marami pa akong gustong maabot sa buhay. Hindi ko pa oras!" Sigaw ko nang ipasok niya ako sa kotse niya ngunit parang bingi lamang ang lalaki dahil hindi ito tumu-tugon sa aking mga sinasabi.

Nang isara niya ang pinto ng kotse ay sinubukan kong buksan ito ngunit ito'y nakasara kaya napa-upo na lang ako dahil wala na akong ganang sumigaw, mag-makaawa at magalit. Bahala na kung saan ako dalhin ng mokong na ito. Wala na akong pake sa mundo.

"Bakit ka natahimik?" Mahinahong sambit nung lalaki kaya napatingin ako rito. Napalunok ako nang tanggalin niya ang kaniyang sumbrero. Aba, gwapo. Tinarayan ko na lamang ito at hindi na pinansin.

"Aba, kanina lang ang ingay mo. Bakit ka ba kasi nandun sa madilim na eskinita, miss? Pa-paano kung may mangyaring masama sa'yo?" Teka nga sino ba 'to? Para tanungin ako ng mga gan'yang bagay? Sa pagka-kaalam ko wala na akong boyfriend eh, tss.

"Sino ka muna? Kidnapper ka 'no?" Direstang tanong ko rito kaya naman natawa ito.

"Itong mukhang 'to? Pagkakamalan mong kidnapper? Talaga, miss?" Aniya at tumawa ng mahina. Nila-lamig na nga ako tapos humangin pa, napaka yabang naman nito.

"Oh bakit? May kidnapper namang gwapo ha! Pero ku-kunti lang" Depensa ko at tumingin sa wind shield habang bumubuhos pa rin ang malakas na ulan.

"Hay, miss. Okay lang na tawagin mo akong kidnapper atleast hindi ako guilty pero sa sinabi mong gwapo ako, salamat" Binasa niya ang labi at kumindat pa. Edi wow sa kaniya kahit gwapo siya hindi ko siya papatulan 'no. Broken hearted pa kaya ako.

"Ano ba! Ihatid mo na nga lang ako" Utos ko rito kahit na hindi ko naman kilala ito. Eh wala dinala niya ako rito sa kotse niya. Edi sulitin na natin, magpa-hatid na tayo.

The Tears of Rain Where stories live. Discover now