chap 1

1 0 0
                                    

"Nandito ho ba si Mrs. Hernandez?"

"Ah opo opo tatawagin ko muna, pasok ho kayo." Sagot nung maid at nilakihan ang bukas ng pinto.

Iginaya naman kami ng isa pa papunta sa sala. Umupo ako at pinagmasdan ang kabuoan ng lugar.

Nandito kami ngayon sa bahay ng isa sa  sikat na fashion designer dito sa bayan namin. Although Mrs. Hernandez is already 61 years old I think, she is still known sa mga gawa nya.

I'm here dahil magsusukat ako para sa photoshoot. Sa totoo lang ako talaga yung photographer. Absurd right? Since when did a photographer do the fitting for the model.

Ganito kasi iyon. Unfortunately nagkasakit yung model namin. We would have already cancelled this today pero nakahanap sila ng solusyon. Since magkapareha daw kami ng body built ni Erica, ay ako nalang daw yung magsusukat.

"Oh welcome welcome!"

Napalingon ako sa likuran ko at ayon na nga si Mrs. Hernandez. We stood up and greeted her.

This wasn't as I expected. She looked rather normal, well not in a weird way though. She looked like a typical filipino lola. Walang bakas ang pagiging fashionista nya ngayon.

"Goodmorning po Mrs. Hernandez." I smiled.

She smiled back. The smile that reminds you of hugs and kisses. "Dear just call me lola."

"Lola?..."

"Oh! sorry I forgot." She laughed a bit. "My name is Lola, Lola Hernandez."

Hindi ko alam ano isasagot ko. Ang weird naman ng name ni Lola. So if I call her lola, does it mean that I'm calling her by name or what?

"Sige follow me hija don tayo sa fitting room." Agad naman akong tumayo at sumunod.

Grabeng fitting room naman to mas malaki pa ata sa bahay namen. Okay medyo exaggerated, pero ang laki talaga. Di ko mapigilang humanga. Iba't ibang klaseng mga damit ang nakapaligid.

"Ano nga ulit name mo hija?"

"Fhylbert po"

Lumapit siya sa malaking lamesa at kinuha yung di medyo kalakihang notebook. Naghintay lang ako habang may hinahanap siya.

"Di ko ata mahanap dito, may second name ka ba Fhylbert?"

"Angelie po." Ay di nga pala ako yung model. "Ahh hindi po." Ilang beses akong umiling. "Hindi po ako yung tunay na model, Erica po yung name."

"Ako po yung photographer, substitute lang po ako kasi may sakit si Erica."

"Oh akala ko," nagpatuloy siya sa paghahanap. Lumapit naman siya sa isang cabinet. Doon yata nakalagay ang susuotin ko.

"So you're the photographer." She said. "You should try to model sometimes, it suits you."

Hindi na ako nakasagot kasi nabuksan na yung cabinet at natameme ako sa nakita. Ang gaganda, pero di ako susuot nyan. Yung isa ang laki, feel ko di ako makahinga. Pero nakakahiya naman pag tumanggi ako. Substitute na nga lang ako dito.

Nagsimula ako sa simple na dress. Overall lima lang susukatin ko. Kada may susukatin ako tinitignan naman ni lola if ever may gagawing adjustments.

Naramdaman siguro ni lola na kinabahan ako kaya tumawa lang siya at sinabing babagay daw sakin yung pang huli.

Tinulungan nya akong magdamit. Takte ang bigat. And the worse part is that I should wear a corset. Medyo natagalan pa pero natapos din.

"Bagay na bagay sayo hija, halika tignan mo sa salamin."

Sumunod naman ako. Nasa bandang gitna ng buong kwarto ang salamin. Nakapalibot siya sa gitna bale apat na salamin lahat na magkatabi.

Bagay nga sakin. No, bagay na bagay nga sakin. Even though hindi nakaayos ang buhok kong wavy na nakalugay lamang.

Nginitian ako ni lola. "Wait meron pang zipper." lumapit siya sakin. Ako naman ay tinignan ang kabuoan ng gown. It's light pink in color.

Nang marinig ko ang tunog ng zipper ay itinaas ko muli ang aking paningin upang tignan ang salamin ngunit ibang salamin na aking kaharap.

Where am I? I started to panic, my eyes roamed around the whole room and  everything ain't familiar to me. What the hell, did the whole room freaking changed?! Ipinikit ko aking mata ng ilang sandali ngunit noonh binuksan ko di pa din nag babago yung paligid.

Napaatras ako ilang beses. I stumbled upon something which caused me to fall directly to the floor. I winced in pain, ang sakit ng likod ko.

"Lady Angelie are you alright in there?" Someone spoke from the outside.

I think I'm just imagining things. Once again, I took a glance of the whole room. The doors opened and someone entered, and I think I just heard my sister spoke.

"Angelie what are you doing there?"

"Fiona?" I immediately stood up, disregarding the pain.

What is she doing here? Kagaya sakin ay naka sout din siya ng isang gown.

"Can someone explain to me what the hell is happening here?" nagulat ako pagratinig ng sarili kong boses.

Did I just talk with a british accent? Damn it sounds so good. Sa tingin ko di ko na gustong tumigil magsalita. Shit Fhylbert snap out of it! Bakit ganito ako magsalita?!

"Where are we? what are we doing here? and why are we wearing this?" sabi ko habang tinuturo ang aming mga sinusuot.

"Look, as much as I don't like to attend that party, we need to."

"What party are you talking about?!  Seriously for pete's sake we're already in the 21st century, who wears this kind of thing for a party.

Takte nababaliw na ata ako. Gusto ko isiping naka drugs ako pero di naman ako makakabili non.

"Please stop! stop saying weird things again, whatever you do we'll end up being in that goddamn party." lumapit siya at inayos yung nakunot kong gown. "Fret not, Mother already agreed that our stay there will only last an hour."

Di ko pa din intindi ang mga sinasabi nya. The only thing that I understood was that mom is also here.

Nagsimula siyang maglakad paalis.

"Get ready, we'll leave anytime soon. And by the way are you up to your time travelling something again? I don't know if I should tell you this because for the fact that you already know, but Angelie, it's 1856 not the 21st century whatsoever."

Was the last thing she said bago siya lumabas at iniwan akong tulala.

Deep breathes, inhale, exhale. Kahit ilang beses kong kurutin ang sarili ko totoo talaga. Mawawalan na ata ako ng malay.

Bloody hell! 1856 seriously?!

lolas closetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon