He is Gentleman

75 3 0
                                    

Naniniwala ka bang may gentleman pa mundong ito? Oo or Hindi?

Kung ako tatanungin nyo, well ang sagot ko ay HINDI.

Kasi wala nang taong maginoo ngayon, karamihan sa lalaki mahilig mag take advantage, maginoo nga silang tingnan kaso yung pag iisip nila, may halong panlilinlang.
Nagtatanong siguro kayo bakit ko nasabi yan, well pansinin mo nalang.

Sa daan sasabihin ng mapormang lalaki "Hi miss, ang ganda mo" at si babae naman ang tamis ng ngiti dahil may nag appreciate sa kagandahan nya, then dudugtongan ni lalaki ang sasabihin ng ganito "pahingi ng number pwede?" Oh diba common na nangyayari ang ganyang eksena. Matatawag mo ba yang gentleman? Hindi diba?

May iba pa, pauunahin ang babae sa bus or sa jeep, kasi ladies first daw, yun pala sa kalagitnaan ng biyahe manliligaw na, ika nga jajamingin na kana nila ng mga mabulaklak nilang salita..
At meron pa yung tipong tutulungan ka nga nila sa ginagawa mo, kasi may gusto sila sayo. Subukan mong humingi ng tulong sa taong binasted mo, diba deadma ka lang nyan or di kaya may condition. Puwera nalang kung patay na patay sayo yung tao, di ka talaga matitiis nyan.

Alam ko may tao talagang mababait, katulad ng crush ko, mabait at may pananaw sa buhay, pero ang tinutukoy ko dito ay yung katangian ng isang gentleman.

Boyfriend ko nga mabait, pero nagawa parin nya akong lokohin.
Oh! Diba? Lahat kami di makapaniwala na kaya nyang gawin yun pati mama nya nganga, kasi nga mabait sya pero nagawa parin nya.

Okey, let's define gentleman, tama na yang speech ko.
A gentleman person is kind, humble, he respect others specially the woman, he have principle in his life. And if he offer a help with you, this would be purely true and without an another intention behind.
Ganyan ang tunay na gentleman, or maginoo.

And hirap kasi sa mga lalaki maginoo nga sila pero medyo bastos. Ganyan ang naiiwang maginoo ngayon.

Sinabi ko kanina na HINDI ako naniniwalang may gentleman pa sa mundo.

Pero nagbago ang pananaw ko nang inutusan ako ni Lola na kunin ang isang Case ng soda na 8oz. sa tindahan.

Sa tindahan;

"Tao po"

"Anu yun?" Ani ng tindera.

"Ai! Ate kukunin ko na po yung pinalamig naming isang case"

"Miss i assorted nalang natin, pwede?" At lumabas sya upang kunin ang kailangan ko.

Bale ganito kasi yun, ang tindahan ay may extension,may mga gulay na nakahilera sa left side, tapos may estante din ng tinapay at mga nalutong ulam sa right side, may mga upuan at dalawang maliliit na mesa, and then sa gitna ang daanan, nasa left side nakalagay ang yung cooler ng softdrinks.

"Okey po, kayo bahala"
At nilagyan na nga ni ate tindera ang isang case. Inalsa nya ito, sabay tingin sa akin.

"Ikaw lang isa?"

"Opo" sabi ko sabay tango.

"Mabigat ito ah!" Ngumiti lang ako sa ate tinder a.
"Sige nalang tutulungan nalang kita. Malapit sa ang bahay nyo Diba?"
"Opo, nasa kabilang bahay lang po." Tugon ko.

"Ai! Ate, magkano po?" Tanong ko ng napuno ang case.

"124.00 miss" ani nya ng makapasok sya sa loob.

"Eto po ate"

"Eto change mo"
Papalabas na sana sya ng may biglang dumating na isang lalaki. Naka pink polo sya, may kaputian, mga 5'6 to 5'7 ang height, wearing a color brown pants. Naka backpack sya. At halatang pagod na pagod. Agad naman syang lumapit banda sa kinaroroonan ko.

HE is GENTLEMANOnde histórias criam vida. Descubra agora