SIMULA

31 4 1
                                    

This story is just a work of fiction.Walang  kahit anong pangyayari sa kuwento na ito ang may kinalaman sa aktuwal na nangyari sa nakaraan at kasalukuyan.Katahang isip kumbaga.Lahat ng mga magaganap dito ay gawa lamang ng imahinasiyon ng manunulat ng kwentong ito.

Isusulat ng manunulat ng kwentong ito ng may respeto sa mga mambabasa at sana irespeto niyo rin ang sumulat.Kung ayaw niyo naman sa ganitong kwento ay huwag niyo nalang pong ipagpatuloy.Salamat

-Itz_Jayson

_________________

Pebrero 13 1920

"Nathalia"pambabasag ni Emman sa katahimikan.

"B-bakit?"

"Mahal mo ba ako?"Hindi din alam ni Nicky kung bakit hindi nya pa kayang sabihin maski siya ay naguguluhan.

"Pakiusap sabihin mong mahal mo ako"

"B-bakit ba?"Natataranta na si Nathalia Dahil pakiramdam nya minamadali sya ni Emman at nararamdaman din nya ang unti unting pag bilis ng pagmamaneho nito sa sasakyan.

"Pakiusap Nathalia Vanessa Alcantara sabihin mong Mahal mo ako"

"Oo Mahal na mahal kita Emman Lei Dela Fuente!"

Tumingin si Emman sa mga mata ni Nathalia.Bigla silang napangiting dalawa at nararamdaman na mahal na mahal  nila ang isa't isa.

"Mahal na mahal rin kita Nathalia!"Ang sabi ni Emman habang nakatingin parin siya kay Nicky.

At dun Bumangga sa isang malaking tipak ng bato ang Sinasakyan nila.

Sa lakas ng Pagakasalpok nito ay tumilapon at umikot ikot sila sa bangin na katabi lang ng kalsada.

Aminin man Natin o Hindi ay Malabong makaligtas pa silang Dalawa.

Masayang Katapusan?Siguro Oo kasi magkasama at nagmamahalan sila hanggang dulo at alam nilang pareho iyon.

Nakita silang duguan na wala ng buhay, nakangiti na parang Natutulog lang at magkahawak pa ang mga kamay.

Siguro doon kung nasaan man sila ngayon ay masayang masaya na silang dalawa.Dahil wala ng manghuhusga, wala ng hahadlang at wala na ring makakapaghiwalay sa kanila.

Ngunit sa di inaahasahan trahedyang iyon ay may kapalit ring magandang kapalaran.Kapalarang magbubuklod muli sa kanilang dalawa.Ang sumpuang huling saad nila sa isa't isa.

"Te quiero mucho mi señor...pero hindi ito ang huling beses na sasabihin ko sayo ito dahil pinapangako ko sayo kung mabubuhay tayo sa pangalawang pagkakataon paulit ulit ko itong sasabihin sa iyo na mahal na mahal kita mi senor."


"Te quiero mucho mi señora...Kung papalarin man tayong mabuhay muli ay hinihiling kong sabay rin tayong maiisilang ...Hanggang dito nalang ang ating kapalaran paalam aking binibini hanggang sa muli nating pagsilang at pagkikita.Te amo mi señora."


Mga salitang bubuo sa kanila sa kasalukuyan.Hidwaang mabubuo ulit dahil sa muling pagsilang nila kasabay ng kalimot ng kanilang mga nakaraan...Ngunit ang kanilang sumpuan sa nakaraan ay magagawa pa ba nila sa kasalukuyan?

Tunghayan ang kwento nina Natalie Vanessa ng Kasalukuyan at Emmanuel Luis ng Kasalukuyan upang ipagpatuloy ang pagmamahalan nina Nathalia Vanessa At Emman Lei ng kanilang nakaraan.

"El Repetido y Su Ultimo Te Amo"

Itz_Jayson

Allrights Reserved

2021

El Repetido Y Su Ulttimo Te AmoDonde viven las historias. Descúbrelo ahora