#14

31 4 0
                                    

“Guys, anong pinag-pray niyo?” I said to my friends.

Kasama ko sila sa simbang gabi at ito na ang hulong gabi namin sa simbahan.

“I prayed for success, and peace of mind, sa akin,” said Bryan.

Tatlo kami ngayong nakasakay sa trisikil pauwi sa aming bahay. Bago pa lamang sumisikat ang araw kaya medyo may kadiliman pa sa paligid subalit maaaninag naman.

“I prayed sana makauwi tayo nang ligtas,” nanginginig na sabi ni Jesica.

Napatingin kaming dalawa sa kaniya na kunot at salubong ang mga kilay.

“Pinagsasabi mo?” I asked her.

Nanginginig niyang itinuro ang driber ng trisikil. Nanlaki ang aming mga mata nang makita si manong driber.

Halos takasan na kami ng aming mga kaluluwa. Ramdam ko na rin ang kalabog ng aking puso sa ilalalim ng aking ribs.

Napasigaw na si Jesica sa loob. Si Bryan naman ay aakto ng tatalon.

“S-s-si manong walang ulo!” nangangatal na saad ni Jesica, halos mawalan siya ng dugo nang mabaling ang tingin ko sa kaniya.

Napahinto bigla ang trisikil, “Ano?!” sigaw ni manong pero hindi namin maaninag ang ulo niya.

Maya-maya ay biglaang may kotse sa harapan namin, nang malapit na ito ay tumalon na ako. Si Bryan ay naipit maging si Jesica ay gayon na rin. Ako naman nang makatalon ay nawalan ng malay.

Pagkalipas ng ilang oras nakarating ako sa bahay namin. Ligtas ako sa aksidente, subalit nang hawakan ko na sana ang aming gate bigla na lang tumagos ang mga kamay ko.

Naalala ko bigla ang pinag-pray ko kanina.

“Sana, mawala na ang problema nina Mama.”

𝔽𝕝𝕒𝕤𝕙 𝔽𝕚𝕔𝕥𝕚𝕠𝕟Where stories live. Discover now