"Best friends"

10 0 0
                                    

"What is love?" panimulang tanong ni Ms. Sanchez, our homeroom teacher.

Nagsimula ang mga bulong at ingay mula sa apat na sulok ng room namin.

Hindi ko naiwasang mapaisip, ano nga ba ang love? Pagmamahal, pag-ibig, feelings...

"Let me change the question, have you ever been in love?"  Naglakad s'ya patungo sa pisara at binilugan ang salitang LOVE.

Marami ang nagsabi ng "oo" pero mas pinili ko nalang na hindi sumagot. Hindi ko rin naiwasan na tumingin sa kanya, my crush Wesley. Nasa second row ako, left side at malapit sa isle. Habang s'ya naman ay nasa second row rin, right side, at malapit rin sa isle.

We are good friends. As in best friends, but that is the problem. We're only friends.

"Oh, Ms. Yaeni looks like you have an answer?" Ms. Sanchez said pertaining to me. Nagulat ako kasi hindi naman ako nagtataas ng kamay.

"Huh?" I whispered in confusion.

"Please stand up." Utos n'ya na kahit nagaalinlangan ay ginawa ko pa rin.

"Have you been in love?"

Ilang sigundo akong natigilan bago sumagot sa tanong n'ya. Sinulyapan ko saglit si Wesley at nakangiti s'ya sa akin.

"I'm not certain Ma'am," I answered after the long silence.

"Can you consider it love even it hurts?" I asked.

"Nice question why don't we have someone to answer  Ms. Yaeni's question. Mr. Roberts?" pagtawag Naman niya Kay Wesley. Nanadya ba si Ma'am?

Wesley stood up and confidently answers the question. "Yes. Because sometimes you love someone so much that it hurts," he answered but he's not looking at me, he's looking at Yesha.

"It hurts kasi alam mo sa sarili mo na hindi ka niya magustuhan pabalik, kasi hanggang kaibigan ka lang," I added while holding back my tears.

"So you're in love with a friend, huh?" nakangiting ani ma'am.

"H-huh? Ma'am no-" itatanggi ko pa sana kasi isa lang naman ang kaibigan ko at baka makahalata s'ya.

"It's fine, Ija. Sometimes friendship can turn into something more amazing," nakangiti pa ring saad ni ma'am. Matapos no'n ay bumalik na s'ya sa black board at nagsulat.

Pasimple naman akong tumingin kay Wesley, pero hindi ko inaasahan na nakatingin din s'ya sa akin.

Natapos na ang klase ni ma'am at break time na. Gaya ng mga ibang estudyante ay tumayo rin ako para pumunta sa canteen. Pero nagulat ako nang biglang sumulpot si Wesley sa likod ko. Marahan n'yang idinantay ang kaniyang mga braso sa balikat ko. Iyan nanaman s'ya. Aakbayan ako pero iba naman ang gusto.

"Ano kailangan mo?" kunwari'y mataray na tanong ko.

"Sino 'yung tinutukoy mo kanina? Ikaw ha hindi ka nagsasabi sa akin, parang hindi bestfriend," kunwa'y nagtatampong saad niya. Ang sarap niyang kutusan. Napaka manhid na nga, kailangan pa bang i-emphasize 'yung word na bestfriend?

"May mga bagay na hindi mo na kailangang malaman, 'tsaka nag m-move on na rin naman Ako sa unrequited love na 'to, bakit kailangan ko pang ikwento?" sagot ko sa kaniya habang nagpapatuloy sa paglalakad.

"Umamin ka na ba?" tanong niya pa. Saglit akong natigilan dahil sa sinabi niya.

"Hindi pa..." halos bulong na sagot ko.

"Hindi ka pa pala naamin tapos susuko ka na agad? Weak mo naman, lods," natatawa niyang saad.

Kung alam mo lang... Gusto ko sanang sabihin sa kaniya pero hindi ko na ginawa. I don't want to ruin our friendship. Ayaw kong mawala siya sa akin, even if it means that I have to stay as his friend. Just as his friend.

"Huwag ka ngang makialam, ikaw nga hindi makaamin kay Yesha hindi ba?"

"Paano mo nalaman?" Bahagya siyang namula.

"I'm your best friend, of course I'll notice," sagot ko saka siya tinalikuran.

Of course sa'yo lang naman lagi nalapat ang mata ko, paanong hindi ko mapapansin na habang nakatingin ako sa'yo ay nasa kanya ang mga mata mo.

***

"I like you!" he said with passionate eyes.

"Okay na ba?" he added. He decided to confess his feelings. At sa dinami dami ng tao sa mundo ako pa napili niyang pag-practice -an. Naandito kami ngayon sa old building, Wala masyadong nalalagi dito kaya ginawa naming tambayan.

"Ang pangit, hindi ka niya magustuhan niyan," walang ganang sagot ko.

"Weh crush mo nga ako, eh. Siya pa kaya?" Pang-aasar niya.

"Ulol! Ako magkakagusto sa'yo dream on!" Isang irap ang ginawa ko para sa kaniya.

"No, but let's be honest. I heard from someone na gusto mo ako?" bigla siyang lumapit sa akin kaya napa-atras naman ako. He became serious all of the sudden so I got nervous.

"Hindi! Anong tingin mo sa akin nasiraan ng bait?" Agad kong iniwas ang tingin ko sa kaniya dahil ayaw kong bumigay.

"Good! Don't ever like me. Let's stay best friends forever." Then he smiled again. I pushed him away then I walked away.

Ayokong makita niya ang pagpatak ng mga luha ko.

He's such an assh*le!

It could have been a love story, only if he liked me.

An Almost Love StoryWhere stories live. Discover now