Shadow

218 1 0
                                    


Chapter 1

"Are sure honey? We can move the date if you want"

"Mom, I w-want to chase my dream first before I'll settle down" my twin cried in our mother's arms. I sigh as I heard their topic.

My sister is in big trouble. Kahit problema naman niya yun ay parang pati ako ay namomoblema din. Anong gagawin niya ngayon!?

Tommorow is her wedding day. Anong gagawin niya? Hindi siya susulpot sa kasal? But he love Andrick right? Kaya nga ako nagpaubaya para masaya silang dalawa at walang hadlang sa pagmamahalan nila.

Napahawak ako sa dibdib ko ng may maramdamang sakit. I sigh sadly. I love Andrick so much pero anong magagawa ko? Mahal nila ang isa't isa. Saan ako lulugar sa puso ni Andrick kung alam kong si Cassandra lang naman ang mahal nito. Ni hindi niya nga alam na may isang ako na nabubuhay sa mundong to.

I am the living shadow of my twin. Hindi ako kilala sa mundong to bilang si Celestine Vallerejo. Walang nakaka kilala sa akin bukod sa magulang ko at sa kakambal ko pati narin sa mga pinag kakatiwalaaang mga kasambahay. I am the unexpected child.

Walang dapat makaka alam na may isang Celestine Vallerejo na nabubuhay, or should I say, hindi dapat malaman ng lolo ko na may isa pa siyang apo kay mama. My grandfather in my mother's side believe that having a twin ay isang malas sa pamilya.

Ang plano dapat ay ipamigay ako ni mama sa isa naming kasambahay na walang anak pero tumutol si Papa. He hates the thought, kaya naisipan niya nalang na itago ako sa mansion namin at sa boung mundo...

I will be hidden forever until I die.

Nakakalabas lang ako ng mansiyon pag may sakit si Cassandra o kaya'y tinatamad siyang pumasok sa school. Ako ang nagsisilbing substitute niya sa school.

Madami akong nagiging bagong kaibigan pag ako ang pumapasok sa school, kaya pinapagalitan ako ni Cassandra minsan dahil magugulat nalang siya madaming studyante ang biglang lumalapit sa kanya na hindi naman niya kilala. Lalo na si Andrick. Doon ko nakilala si Andrick. Doon nagsimula ang malaki kong sekreto.

~~~

"Celestine, we have something to tell you." seryosong sambit ni mama

Nasa living room kami ngayon. Hindi ko alam kung bakit ako pinatawag ni mama pero bumababa nalang ako. Parang may kutob na ako sa pag-uusapan namin. Is it about Cassandra and her unbelievable plan?I know my mother so much. Pag umalis si Cassandra sa araw ng kasal niya ay magbibigay iyon ng kahihiyan sa aming pamilya. Pati na din sa pamilya nila Andrick, at hindi gugustohin ni mama na kumalaban sa mga Monterde dahil sobrang makapangyarihan ng pamilyang ito.

Naglakad ako at umupo sa isang couch na inuupuan ni papa.

He smiled at me pero hindi abot sa mata ang ngiti niyang iyon. Binaling ko ang atensiyon ko kay mama ng bigla siyang tumikhim.

"You're getting married"

She said it like it was just a simple sentence and a simple thing to do. Hindi ako nagsalita at hinintay lang ang kanyang explenasiyon.

She sigh deeply before she talk. "Cassandra wants to be a professional model you know that right?"

"She wanted to be a model first before she wants to settle down. So, for the mean time, you'll be a substitute bride"

Alam ko naman na ito yung mangyayari eh! I'm always the shadow. I'm always the one who clean my sister's mess. Bakit pa ba ako magugulat!?

I look at my father. He bow his head and didn't say a word. I smiled bitterly. Tumingin ako kay Cassandra na hindi rin makatingin sa akin.

Ganito naman lageh. Basta para sa kabutihan ni Cassandra handa silang isakripisyo ako.

Lumunok ako ng maramdamang may nagbara sa lalamunan ko. Pinigilan kong umiyak sa harap nila.

"Y-You know that I a-also have a dream right?" I stuttered.

My mother rolled her eyes at me. My very insensitive mother look at me with no emotion in her eyes.

"Celestine, walang wala ka kay Cassandra. Alam nating hindi mo maabot yang mga pangarap mo. Unlike Cassandra, she's a smart and very talented child."

"Celestine don't be selfish. Help your sister in this problem. Be a substitute bride. Diba gusto mo rin naman si Andrick? Then this is your chance. Ano bang pinag-iinarte mo diyan!"

That's it! I began to cry loudly.

"S-selfish? I'm being selfish? Really ma? Boung buhay ko sinakripisyo ko para sa inyo! Para sa babaeng yan!" galit kung tinuro si Cassandra na nakayuko lang at umiiyak.

Malakas na tinampal ni mama ang kamay kung nakaturo kay Cassandra.

"Do not point your finger like that to your sister Celestine. Wala ka talagang respeto. Hindi kita pinalaking ganyan!"

"Hindi mo ako pinalaking ganito dahil hindi naman ikaw ang nagpalaki sa akin!" sumbat ko sa kanya. Natameme siya at hindi nakapag salita.

"All my life, sa mga kasambahay lang ako natuto. Sila ang nagtuturo sa akin ng mga bagay na dapat ikaw ang gumagawa" natahimik silang lahat at tanging ang iyak ko lang ang naririnig.

Ilang minuto pa ang lumipas bago nakabawi si mama sa lahat ng sinabi ko.

"W-Whether you like it or not. Tommorow will be your wedding to Andrick, and that's final."

Bago siya umalis ay nakita kung pinunasan niya ang mukha niya pero hindi ko alam kung luha ba yun dahil sa hindi na malinaw ang nakikita ko dahil sa mga luha ko.

Sumunod na tumayo si Cassandra para sundan si mama pero bago siya lumagpas sa harap ko ay nagsalita siya.

"Kung makasumbat ka kay Mommy Celestine parang hindi ka niya pinakain ng maayos" hindi nalang ako nagsalita sa sinabi niya at hinayaan nalang siyang sundan si mama.

Kasalan ko na naman ba?

"Celestine" naramdaman ko nalang ang mainit na yakap ni papa. Umiiyak parin ako at nanghihina sa nangyari.

"I'm sorry a-anak, walang m-magagawa si papa" umiiyak narin si papa.

No pa, may magagawa ka pero dahil mahal mo si mama pinapabayaan mo nalang lahat ng gusto niya.

My father came from a very wealthy family kaya anong sinasabi niyang wala siyang magagawa?

Hindi ako nagsalita at tinulak nalang siya ng malakas. Nang makaalis ako sa yakap niya ay mabilis akong tumakbo sa taas at umiyak sa loob ng aking silid.

.
.
.

A/N: Hello sa nagbabasa! I'll update the chapter two pag nasa chapter five na ako ng The Battered Wife. Sana hindi ako tamarin 😩. And please leave some comments para ganahan ako magsulat pretty please 🙏

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 12, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Substitute Bride Where stories live. Discover now