SIMULA

6 0 0
                                    

"Psst hoy!"

Isang malakas na sipol ang umalingawngaw sa corridor ng aming eskwelahan tanda ng magsisimula nanaman mambully ng mga kaklase kong kulang sa aruga.

Patuloy pa rin ako sa pagsusulat ng kung ano sa notebook kong hindi kagandahan ang disenyo. Halos lukot na ang mga pahina nitong walang sulat gawa ng mga kaklase kong kulang sa aruga.

Lagi kong tinatanong sa hangin na, "bakit ako nanaman?" pero kahit na ilang beses akong magtanong wala akong nakukuhang sagot kasi hangin nga ang kausap ko di 'ba?

"Hoy manang na malapad ang salamin!" sigaw nanaman ng babaeng kanina pa satsat ng satsat.

Tumingin ako sa paligid para masigurong ako nga ang tinatawag niya. Nang masiguro kong ako nga ang tinatawag niya tiningnan ko siya at ngumiti ng pagkalapad.

"Bakit po?" mahinhin kong tanong.

"Ako ba'y pinagloloko mo?" masungit na tanong niya sa akin. "Hindi mo ba alam kung anong oras na? Lunch time na! Ibili mo na kami ng makakain," lisensyado niyang utos sa akin na parang walang pagsisising ginawa niya sa akin 'yon.

Hindi nalang ako nagsalita pa at sinunod nalang ang gusto niya.

Siya si Mary Joy. Ang kaklase kong ubod ng sama sa mga gaya naming mahihirap. Wala siyang konsensya kaya lahat ng mga bagay na hindi maganda ay nagagawa niya. Maliban nalang sa...

Hmm... ano nga ba?


Year 2020

"Uy Yuro, ikaw na ba yan?!"

Isang napakalapad na ngiti ang ibinungad ko kay Ella ng makita ko siyang kumakaway palapit sa akin. Nasa kabilang parte siya ng kalsada at naglalakad siya patungo sa pwesto ko.

Napakatagal naming hindi nagkita ni Ella dahil nanirahan siya sa Russia kasama ang kaniyang kuya na si Cris.

Simula pagkabata ay magkaibigan na kami ni Ella kaya naman sobra-sobra ko siyang namiss.

"It's been a long time, Ella!!" sigaw ko.

Ilang hakbang nalang ang layo niya sa akin at hindi na ako nakatiis. Tumakbo ako palapit sa kaniya at patalon na yumakap sa kaniya.

Niyakap ko siya ng mahigpit. Sobrang higpit. Pero sa pagtataka ko na bakit mukhang hindi niya ako namiss. Maluwag ang yakap niya sa akin at wala siyang imik.

"Ella?" tawag ko sa kaniya pero walang sumagot.

"Y-Yuro..." Narinig ko ang kaniyang pag-ubo. Marahan ko siyang pinakawalan sa mga bisig ko at ganon na lamang ang panlalaki ng aking mga mata ng makita ko si Ella na umuubo ng dugo.

"Ella? P-paanong... E-Ella..."

Natumba si Ella at mabuti nalang at nasa tabi niya ako at mabilis ko siyang nasalo. Hindi ko alam ang gagawin ko.

"Tulong... Tulong!"

Palinga linga ako sa paligid. May nakapa ako sa likod ni Ella na basa at ng tingnan ko kung ano 'yon ay maraming dugo.

Binaril si Ella.

"Shit!"

Tumingin ako sa itaas ng building at may naaninag akong isang sniper na nakatutok sa amin. Pero... wala ng tao.

"Ella h'wag kang bibitaw. Hihingi ako ng tulong."

Pinilit kong 'wag manginig at humingi ako ng tulong. Inimporma nila ako na paparating na ang tulong kaya hindi ako nawalan ng lakas ng loob.

"H'wag kang pipikit. Stay. Stay ka lang."

"Y-Yuro," ngumiti siya sa akin. "Ikaw ang kaibigan kong napakabait sa akin." Pilit niyang inabot ang aking pisngi kaya inalalayan ko ang kamay niya para mahaplos ang mukha ko.

"I'm so glad na nagkita tayo ulit. Mag-iingat ka palagi."

Narinig ko na ang sirena ng ambulansya. Napaiyak nalang ako ng bigla nalang dumausdos ang kamay niya dahilan para mawalan na talaga ako ng pag-asa at lakas ng loob.

"Hindi! Hindi ka patay! Hindi ka mamamatay!" Napahagulhol nalang ako ng kunin nila ang katawan ni Ella at inilipat sa stretcher.

Hanggang sa maiburol na si Ella ay wala pa rin akong tigil sa pag-iyak. Gabi gabi kong iniisip kung sino ang may kagagawan ng lahat ng ito.

Sino ang walang hiyang bumaril sa matalik kong kaibigan!

May dalawang araw pa bago ilibing ang labi ni Ella at nandito ako ngayon sa kwarto niya. Umiiyak habang yakap ko ang unan na bigay ko sa kaniya.

Paulit ulit akong umiiling at paulit ulit din akonb tumatango na parang may kausap sa loob ng silid. Napapatawa na rin ako kahit wala naman dahilan ang tinatawanan ko.

Hanggang sa babalik ako sa pagkaseryoso at maaalala ang nangyari kay Ella sa harap ko.

"Magbabayad ang kung sino man ang may gawa sayo nito Ella. Magbabayad sila!" sigaw ko at humagulhol nanaman.

Sisiguraduhin kong mas masakit pa ang dadanasin nila sa dinanas ng kaibigan ko. Sisiguraduhin kong ako mismo ang susundo sa kanila sa impyernong pinanggalingan ko.


All Rights Reserved. | DUTP

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 06, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Don't Underestimate The PsychoWhere stories live. Discover now