Dare Relationship Status

111 4 0
                                    

I met him online on December 6. We met because of our best friends. Parehas mataas ang pride namin at ayaw man lang mag-first move.

The main purpose kung bakit kami nagkakilala ay dahil sa katarantaduhan namin ng best friend ko. We dared ourselves to have a relationship in role play world. She already have a partner and I don't. Tinulungan niya akong maghanap ng partner hanggang sa pinakilala ng partner niya ang best friend nito sa akin.

Naging mag-friends kami sa facebook pero hindi nag-usap agad. Like what I've said, mataas ang pride naming dalawa. And we're both shy.

Pinilit kami ng mga kaibigan namin na mag-chat na kasi hindi namin magawa-gawa 'yung dare kung hindi kami nag-uusap.

I gave up, kinapalan ko na 'yung mukha ko at chinat siya. He was active that time and currently chatting with his friend. How did I know? Well, magkausap din 'yung best friend ko at 'yung best friend niya at ang topic nila ay kami...

At 'yon na nga, nung ic-chat ko na siya, nagsabay kami ng pag-send ng message. Cute coincidence I guess?

My first message was "hi?" and his was "Good evening" dun ko lang na-receive 'yung chat ng best friend ko na sinabi na daw ng partner niya na siya na daw ang magf-first move but it's too late, nagsabay kaming dalawa.

*December 6*
Our first conversation was a bit formal. I guess, nagkakahiyaan pa kami at hindi pa kami ganun ka-close. Maikli lang din 'yung naging pag-uusap namin kasi gabi na kami nag-usap, 11:30 ng gabi...

Laman lang din ng conversation namin ay inexplain ko lang sa kanya 'yung mga rules na dapat sundin kapag gagawin na 'yung drs (dare relationship).

*December 7*
The next day, wala kaming masyadong conversation. Meron naman kaso social distancing. I mean, late replies ganun.

I get it naman kasi may pasok sila nun while me, I'm already on christmas break.

*December 10, three days before the drs*
Ako ulit ang nag-first move. He replied immediately. Tinanong niya ako kung ready na daw ako sa monday. I said yes and our conversation went on hanggang sa 'yung topic namin ay napunta sa magiging cs (callsign) namin.

I asked him first kung anong gusto niya at sabi niya ay "love" daw kasi para sa kanya, unique 'yon. Pero sinabi niya din na ginamit na niya 'yon sa una niyang naka-drs.

He admitted that I am the second one to do this drs with him.

It's sounds disrespectful daw kung gagamitin namin 'yung "love". I don't mind it naman pero tinanong niya ako kung ano ang gusto ko. That time, iisa lang ang nasa isip ko. That is hon/hun, short for honey.

He agreed.

I jokingly asked him kung pwede simulan na namin magtawagan ng ganun ngayon but he answered "monday" which is 'yung araw ng drs namin.

'Yung conversation namin nung time na 'yon ay medyo komportable na kami sa isa't isa kasi nagbibiruan na kami so medyo komportable na rin akong ituloy ang drs kasama siya.

*December 11*
Social distancing na naman ang aming conversation.

He was sorry that time for replying late kasi nga busy siya sa school dahil tambak sila ng school works.

Again, I understand. I also guessed that he is in a much higher grade level than me based sa mga school works na pinapagawa sa kanila.

*December 12*
Medyo cold 'yung conversation namin. Nagdadalawang-isip na ako that time kung itutuloy ko pa 'yung drs.

Then bigla kaming nagkaroon ng suspicion ng best friend ko na iisang tao lang sila. Lagi kasing parehas 'yung ginagawa nila or 'yung pinupuntahan nila. Gets naman namin na magkaibigan sila sa real world pero hindi namin maiwasang magtaka.

Dare Relationship StatusWhere stories live. Discover now