Does young love lasts? Pwede bang 'yong kasama mo no'ng musmos at hindi pa gaanong dilat sa mundo, ay kayang manatili sa tabi mo?
Or the people you met in that timeline are just mere teachings? Na dumaan lang naman talaga sila, para turuan ka, para patatagin ka, o 'di kaya'y ipakita sayo ang totoong para sa 'yo.
"Hey, na-relay mo na ba ang mga results?" biglang bumalik sa katotohanan ang isipan ko.
Marahil ikatlong araw ko na 'to sa hospital, kaya ganito, may mga naaalala, may bigla na lang panghihinayangan.
Agad kong kinuha ang cellphone na para sa ganoong purpose. I typed the lab results.
Umupo si Xandro sa tabi ko, humikab. Pareho kami ng duty ngayon ng kumag na 'to.
"Ang toxic mong ka-partner," komento niya. Agad na nanlisik ang mga mata ko, I stopped typing. Natawa siya. "Adik, sa duty, 'di sa relationship.... Si Ry ang toxic sa inyong dalawa e."
No words were uttered, kahit gusto ko siyang barahin. How long am I single anyway? Siya lang naman kasi ang naging boyfriend ko. Si Rylie lang.
We were so young back then, parehong teenager. Parehong hindi pa alam ang gusto sa mundo.
Back then, I imagined our future together. By this age, kasal na kami, may pamilya. Settled.
"Nag-reminisce pa nga," humalakhak si Xandro, agad ko tuloy naihampas ang chart sa kanya.
Halos mapapikit siya sa sakit, ang arte ng isang 'to.
"Tss, drama mo," ako naman ang nang-asar. "Kaya ka iniwan for New York e..."
Natigil kami sa asaran no'ng dumating 'yong senior resident, he looked at my friend in slit.
"Xandro, 'yong conference bukas!" Doc Neil exclaimed.
"Yes, Doc," Xandro said, even his voice was full of confidence. Mayabang dahil matalino, top 1 ba naman sa boards, at class valedictorian pa. Iba din talaga lahi ng Silva na 'to!
"Papansin 'yon sa 'yo," bulong ni Xandro. Kanina pa nakaalis ang tinutukoy niya. "Tss, h'wag mo bibigyan ng kahit anong chance..."
With questioning eyes, I looked at him. Napabuntong hininga siya.
"Pinakawalan ka niya, pero umaasa 'yon na sa kanya pa rin ang balik mo..."
'Yon ang mga sinabi niya, halos pabulong, pero rinig na rinig ko.
Did Ry and I promise anything to each other? Alam ko wala, we had the worst break up, taon din naming tiniis ang alitan. We loved each other, deeply and passionately, but that time, we wanted things differently.
He pursued law school, dapat ako rin. But last minute changes, I took the NMAT. Nilihim ko pa nga, noong nalaman niya, 'yon ata ang simula ng lahat.
Na araw-araw na away, ilang beses na break ups. I know that my decision to pursue Medicine initiated a crack to our almost perfect relationship.
Pero noon, mas lamang ang pangarap ko kumpara sa kanya. I chose a constant dream, kahit mula simula, he's my constant.
We were so toxic, na ayaw na nga ata kaming sinasama ng mga kaibigan namin. He's always angry, and I got full. Mahal ko siya, pero bumitaw ako no'ng masakit nang hawakan siya.
"Fuck! Bakit hanggang do'n kailangan nag-uusap?!" halos isigaw niya ang buong hinanakit niya. Rylie's eyes were moist, the corners of each had unshed tears.