Chapter 2

2.5K 110 31
                                    

CHAPTER 2

"WALA ka pa bang ipapakilalang boyfriend sa amin, anak?"

Natigil siya sa pagsubo ng pagkain at tumingin sa mommy niya. Tumikhim siya. Ito na nga ba ang sinasabi niya.

"Mommy, let Trixie eat first. Baka hindi matunawan 'yan. Alam mo namang kapag gan'yang topic ay masyadong allergic ang kapatid ko," sabad ng Kuya Prinx niya.

Tiningnan niya ang nakakatandang kapatid at ngumiti. Her older brother is her savior when it comes to this kind of topic.

"I'm just asking, anak. Hindi ko naman pini-pressure itong si Trixie," anang ina niya.

"Mommy, kain na lang po tayo. Nakakahiya kina Tito Edsel at Tita Christine," natatawang sabi niya.

Tumawa naman ang mag-asawa na kasama nila sa hapag-kainan. Her Kuya Prince didn't mention that it's a family dinner for both families. Since Kristinne is her older brother's wife now, mas lalong naging malalim at matibay ang relasyon ng pamilyang Smith at Ford.

Kaya parang mas lalong lumakas ang loob ng mokong na nasa harapan niya ngayon na kulitin siya. Kanina pa ito nakatingin sa kaniya pero nagpapatay-malisya lang siya. Halos ito nga rin ang nag-aasikaso sa kaniya mula pa kanina habang kumakain sila. Aabutan siya nito ng tubig. Nang kumuha siyang tissue kanina ay ito rin ang nag-abot niyon sa kaniya. Kapag naman may inaabot siyang ulam ay ito rin ang nagbibigay.

Mabuti na lang at hindi iyon napapansin ng mga magulang nila dahil abala na rin mag-usap. Hinahayaan na lang niya ito. Kahit kasi sawayin niya si Dastin, mas lalo lang siya nitong kukulitin. Parang wala sa bokabularyo nito ang sumuko.

Nang matapos nilang kumain ay siya na ang nag volunteer na maghugas ng mga plato kahit may katulong naman sila. Gusto lang niyang iwasan si Dastin. Ang mga magulang nila ay nasa terrace nila, nagtatawanan. Natutuwa siya sa bonding ng mga ito. Subok na subok na talaga ang pagiging magkaibigan mula pa noong mga kabataan nila.

Nag alok din si Kristinne na tulungan siya sa paghuhugas ng plato pero hindi niya pinayagan dahil buntis ito. Ang kuya niya at si Dastin ay mukhang nag-uusap na rin sa labas.

Bago siya naghugas ng plato ay nakatanggap siya ng tawag mula sa bunso niyang kapatid na si Primrose. Her youngest sibling is more than ten years younger than her. Ang buong akala niya noon ay dalawa na lang talaga sila ni Kuya Prinx pero nasundan ng isa pa. Primrose is like a menopausal baby. Kaya sobrang spoiled nilang lahat ang bunsong kapatid lalo pa at muntik na rin itong mawala sa loob ng tiyan ng mommy nila dahil nahulog sa hagdan noon ang ina niya at na-comatose pa habang pinagbubuntis si Primrose.

Nasa kolehiyo na ngayon ang bunso niyang kapatid. Nasa camping ang mga ito kaya wala ang bunsong kapatid ngayon sa family dinner nila.

"Do you have apples here?"

Muntik pa siyang mapatalon sa sobrang gulat nang marinig ang boses ni Dastin mula sa likuran niya. Muntik pa nga niyang mabitawan ang hawak na plato.

Salubong ang kilay na hinarap niya ang binata pero mabilis din siyang napaatras nang mapagtantong sobrang lapit ng binata sa kaniya.

Natatawang tinitigan siya nito sa mga mata. Napakurap siya nang mapatitig siya sa kulay ng mga mata ni Dastin. He has these bluish-gray eyes. Hindi na nakakapagtaka dahil may dugong american si Tito Edsel. Ngayon lang talaga niyang napagmasdang mabuti ang kulay ng mga mata ni Dastin.

"Refrigerator ba ako?" mataray na tugon niya.

Dastin let out a soft chuckle.

"Napakaganda mo pa rin talaga kahit masungit ka, babe," anito at humakbang dahilan para muli siyang mapaatras pero wala na siyang maatrasan pa dahil kitchen sink na ang nasa likuran niya.

Sweet Desire (Completed on Nobelista)Where stories live. Discover now