A Ten Year Relationshit!

86 14 2
                                    

Sobrang excited ako habang hinihintay na bumukas ang pinto ng elevator sa floor kung saan naroon ang condo unit ng boyfriend kong si Kristoff.

Napaka-espesyal ng araw na ito para sa amin dahil ngayon ay ang 10th Anniversary namin bilang magkasintahan.

Sa totoo nga niyan ay ilang beses na naming naungkat ang tungkol sa kasal. Sobrang handa na ako at sigurado kay Kristoff kaya naman hindi ko na makuhang tumingin pa sa iba.

Napangiti ako nang sa wakas ay bumukas na ang pinto ng elevator, hindi na nawala pa ang ngiti sa mga labi ko habang paulit-ulit na sinusulyapan ang cake na dala.

Nakakalungkot lang dahil nagtext sa akin kaninang umaga si Kristoff at sinabing may sakit siya kaya hindi siya makakapunta sa akin para i-celebrate ang Anniversary namin.

Bumili na lang tuloy ako kanina ng gamot at pagkain para sa kanya.

Bukod doon ay may regalo rin ako. Regalo na hindi mabibili ng kahit na sino.

I am 6-week pregnant at hindi na ako makapaghintay na sabihin iyon sa boyfriend ko.

Ano kayang magiging reaksyon niya? Maiiyak kaya siya? Aayain na kaya niya akong magpakasal?

Pagkarating sa tapat ng kanyang unit ay agad kong pinindot ang pass code ng kanyang pintuan, baka nagpapahinga kasi siya o natutulog, ayoko naman na istorbohin siya dahil nga may sakit siya.

Pero pagpasok ko sa loob at akmang huhubarin na sana ang aking sapatos ay biglang nangunot ang aking noo.

Bakit may sapatos ng babae rito?

At bakit.. Sobrang pamilyar ng sapatos na ito?

Parang.. Kay Elyze ito. Sobrang pamilyar sa akin dahil ipinagmalaki niya sa akin ang limited edition shoes na iyon na tanging mayayaman at kilalang tao lang na tulad niya ang may kakayahan na bumili.

Hindi maganda ang kutob ko.

Sa mga isipin ay dali-dali ngunit tahimik na tinungo ko ang kuwarto ng aking nobyo at walang salitang binuksan ang pinto.

Na sana ay hindi ko na lang pala ginawa.

Dahil ang nakita ko ay nagdulot sa akin ng labis na pagkawasak.

My boyfriend, and my best friend.. Are having sex.

They are both naked, Elyze was on top of Kristoff.

"Mga walang hiya kayo!" sigaw ko habang ang mga luha ay nag-uunahan sa pagtulo.

Tarantang napababa naman si Elyze mula sa pagkakaupo sa ibabaw ni Kristoff at kapuwa sila nagtago ng kanilang kahubaran sa ilalim ng kumot.

"Carmie, let me explain," sabi ng manloloko kong boyfriend.

"Explain? Akala ko ba may sakit ka? It's our f*cking Anniversary, Kristoff! Nagdala pa ako ng cake! N-namili pa ako ng gamot at pagkain mo dahil sabi mo may sakit ka! Pero ano 'tong nadatnan ko, ha? At dito pa talaga kay Elyze?! Sa best friend ko pa?! Napaka gago niyo! Ikaw Elyze, grabe ang kati mo rin 'no?! Alam mong napag-usapan na namin ang tungkol sa kasal!"

"I'm sorry, Camz but we love each other."

"Mga traydor kayo!" pagkasabi ko niyon ay lumapit ako sa kanilang dalawa at nahagip ng kamay ko ang buhok ni Elyze, walang awang winagwag ko ang kanyang buhok dahilan ng kanyang pagsigaw at pag-iyak.

"Stop it, Carmie!" dumagundong ang sigaw ni Kristoff sa apat na sulok ng kanyang kwarto, kwarto na naging piping saksi sa kawalanghiyaan ng dalawang ito.

"Huwag mong saktan si Elyze,” malamig na sabi ni Kristoff. At hindi ko gusto ang nakikita kong emosyon sa mga mata niya.

Dahil halatang mas kinakampihan niya si Elyze kaysa sa akin na girlfriend niya ng sampung taon.

"Huwag saktan?! Dapat lang na saktan yan dahil malandi at makati!" muli ay nagtangka akong sugurin si Elyze pero hinarang na ni Kristoff ang kanyang katawan sa babae niya at bahagya pa akong itinulak.

"Tumigil ka na, Carmie!"

"Ano, Kristoff? Mas pipiliin mo yang babae na yan kaysa sa akin na sampung taon mong nakasama?!"

"She's pregnant, at ikakasal na kami, Carmz. I'm sorry pero namanhikan na kami ni Dad at Mom sa kanila kagabi. Ikakasal kami sa lalong madaling panahon."

"No! Hindi puwede! Hindi ako papayag!" halos pumiyok na sigaw ko.

"Hiwalay na tayo. Ayoko na sayo," malamig na sabi ni Kristoff sa akin habang si Elyze naman ay umiiyak tulad ko.

"Paano naman ako, Kristoff?"

"Kalimutan mo na lang ako, Carmie. I'm sorry."

"Buntis din ako, eh." Napaupo na ako sa sahig habang nanghihina dahil sa labis na pag-iyak.

Halata naman ang gulat sa mukha nilang dalawa.

"Paano ako, Kristoff? Paano ang anak natin?" nanghihinang tanong ko.

Ang sakit! Ang sakit-sakit!

Umiling naman si Elyze sabay yakap kay Kristoff.

"No. I'm sorry, Carmz, pero hindi ako papayag na iwan niya ako. Hindi rin papayag ang pamilya ko. Alam mo ang ugali ni Daddy at Kuya, ikakapahamak niyo ni Kristoff kapag hindi kami naikasal na dalawa."

"Wala akong pakialam!" sigaw ko.

Hindi ako papayag na mawalan ng ama ang anak ko!

"I'm sorry, Carmie pero.. Hindi na talaga kita mahal. Si Elyze, siya na ang mahal ko. Nahulog na ako sa kanya."

Ang mga sinabi niya ay dumagdag pa sa pagkabasag ng puso ko.

Paano na 'to? Ang anak ko, lalaki siya na walang ama!

"Please, Kristoff.. Please choose me, please choose our child!" Lumuhod ako sa harap nilang dalawa at nagmakaawa.

Pero sa puso ko ay ang isang pangako na ito ang una at huling beses na gagawin ko ito.

"Don't let me choose, Carmz. Dahil lalo ka lang masasaktan."

And that.. He didn't chose me. He didn't chose our child.

Because he choose to be with my best friend rather than us.

Mula sa pagkakaluhod sa paanan nila ay tumayo ako at tumango sa kanila ng tatlong beses.

"Fine. Magsama kayong dalawa! At ikaw Kristoff? Mula sa araw na ito ay tinanggalan mo na ng karapatan ang sarili mo sa akin, at sa magiging anak natin. Huwag mo akong hahabulin, huwag mo akong guguluhin. At hinding-hindi mo makikilala ang anak natin," matatag kong sabi.

Umalis ako sa lugar na iyon, na kahit may kaunting pag-asam sa puso ko na sana ay sundan ako ni Kristoff ay lamang pa rin ang galit o pagkamuhi.

Kaya ko 'to. Alam kong mahirap sa umpisa pero gagawin kong inspirasyon ang munting anghel na nasa sinapupunan ko.

______________________________________

Published on February 3rd, 2022.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 13, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

One shot stories (Compilation) Where stories live. Discover now