Simula

237 27 6
                                    

Simula

"We already found her, Sir."

The man in a black tuxedo automatically stopped.

Naagaw ng bagong dating na lalaki ang atensyon nito na naging dahilan para matigil siya sa kanyang ginagawa.

Umupo ng maayos ang lalaki at umangat ang malamig na titig nito sa isang private investigator na inutusan niyang hanapin ang babaeng matagal niya ng ipinapatunton sa mga tauhan niya ngunit hindi ito matagpuan.

Mailap ang babaeng iyon.

Apat na taon niya na itong ipinapahanap ngunit ngayon lamang siya nabuhayan ng loob dahil sa wakas! May posibilidad nang makita niya ito ng tuluyan!

"She's in Palawan right now, Sir. Ang tinitirhan niyang maliit na bahay roon ay pamana pa ng lolo at lola niya. At... " Napatigil ito.

Umangat ang mala-yelong tingin sa kanya ng lalaking naka-tuxedo.

Animo'y naiinip at hindi na makapaghintay sa susunod na sasabihin ng kaharap.

"And?" He asked. Mahina lamang ang boses niya ngunit damang-dama ng kaharap ang lakas nang awtoridad nito.

Umiwas ang mata ng imbestigador sa kanya. Para bang nagdadalawang isip pa ito kung sasabihin ang natuklasan o hindi.

BLAGGG!!!

Binalot ng malakas na ingay ang loob ng opisina nang hinagis ng lalaking naka-tuxedo ang vase sa harap nito.

Nanginig ang imbestigador dahil sa takot na kanina pa nagnanais kumawala sa kanyang katawan.

"S-she's not alone, Sir. W-we found out that she's living with her child."

"Child?"

"Y-yes sir. May dalawang bata siyang kasama sa bahay na iyon. K-kambal." Napatigalgal ito dahil sa narinig.

Kambal.

Napahilamos siya sa kanyang mukha. Pilit na inaalala ang mga nangyari sa apat na taong lumipas.

"The twins... How old are they?"

"F-four years old, sir."

Nanuyo ang lalamunan nito.

Nabuhayan ang kanyang loob at todo ang pagtaas-baba ng kanyang dibdib dahil sa malalim na paghinga nito.

Four years ago.

The woman of her life left.

Four years ago.

It was four fucking years ago at maaaring buntis ang babaeng iyon nang iniwan siya!

"Get them as soon as damn possible. I need to see them." I need to see my twins.

Mabilis na lumisan ang imbistigador at naiwan siyang mag-isa sa silid ng kanyang opisina.

Alam niya sa kanyang sarili na maaaring anak niya ang kambal na iyon.

"Fuck!" He loudly cursed.

Mabilis nitong tinawagan ang ilang tauhan upang kunin ang mag-ina niya sa Palawan.

Walang pasubali niyang nilisan ang malaking gusali na pagmamay-ari at mabilis na pinaharurot ang mamahaling sasakyan.

This time, sisiguraduhin niyang hindi na siya iiwan kahit kailan ng babaeng mahal niya.

Hindi niya na ito hahayaan pang mawala.

Dahil ikukulong niya na ito sa hawla ng kanyang pagmamahal.

Hiding Multi-millionaire's TwinWhere stories live. Discover now