PROLOGUE

604 15 0
                                    

"Jackson, please..." I begged.

"Leonna, this is wrong. You love him, right? Prove it, fight for him! Matapang ka. I know you. Madami na kayong pinagdaanan ngayon ka pa ba susuko?" Aniya. Halatang problemado na rin dahil sa 'kin.

Naramdaman ko ang pag bagsak ng mga luha ko habang nakatitig sa kaniya.

"I love him... I love him so much, Jack. But I don't want his life being miserable again because of me... Tama na ang mga sinakripisyo niya para sa akin. 'Yung mga paghihirap niya. J-jack, mahal na mahal ko 'yon, e'," I sobbed. "K-kaya hindi ko na kaya na nakikita pa siyang nahihirapan. Please... ngayon lang. Help me..." pakiusap na dagdag ko.

He closed his eyes tightly and began to lose patience with me "Fine! I don't know the whole story behind this." He sighed. "But, because you are important to me, I will help you. Ngayon lang, Leonna. Baka mapatay ako ng asawa mo dito." Bumalik ang problemado niyang mukha.

Nakahinga naman ako ng maluwag nang sumang-ayon siya ngunit ramdam ko pa rin ang kirot sa puso ko.

Na hindi na siguro maaalis...

"T-thank y-" hindi pa ako tapos magsalita nang mapatingin kaming dalawa sa pinto nang may marinig na katok na may kasamang pag tawag.

"Baby!"

Boses ni Aiden.

Marahan siyang kumatok. "Mahal, are you there?"

Muling tumulo ang luha ko nang marinig ko ulit ang malambing niyang boses na ilang araw kong hindi narinig.

I looked at the doorknob when it moved. Sinadya kong hindi i-lock ang pinto para kung sakaling dumating siya ay makakapasok siya.

Pinunasan ko ang luhang sunod-sunod na tumutulo at tumingin sa kaibigan. "H-he's here..."

"Fuck," he cursed before walked towards me.

I closed my eyes tightly when he started bent his head, I could feel his hot breath on my lips when suddenly the door opened.

"M-mahal?"

I took a deep breath before turned my gaze at him. He's looking at me with shocked face. Nag badya ang mga luha ko na agad ko ring pinigilan.

Bawal akong pumaltak dito, para sa kaniya rin ang lahat ng ginagawa kong ito.

You can do this, Leonna Grace.

I clear my throat before speaking. "A-aiden?" I faked my shock.

"W-why are you here? Bakit magkasama kayo sa iisang hotel?"  tanong niya. Nalilito.

Nakatingin lang ako sa kaniya. Hindi makapagsalita at pinipigilan ang luhang gustong bumagsak.

Nagbuntong-hininga siya. "Anim na araw ka nang hindi umuuwi ng bahay... and then you're just here... with another man," he whispered. "At sa ganiyan ko pa kayong posisyon maaabutan?" He laughed bitterly as his jaw tightened. He looked at Jack with anger face.

Lumunok ako bago matapang siyang sagutin. "So what?" I smirked. "And who fucking said na pumunta ka dito Aiden? No one... Kaya hindi namin kasalanan kung ganito'ng posisyon mo kami naabutan!" Sigaw ko.

Kita ko ang sakit sa mga mata niya nang ibaling niya sa akin ang tingin. Nanginginig ang mga kamay ko nang itago ko ito sa likuran ko.

"Baby, what's our problem?" nangungusap ang mga mata niya. "Pag-usapan po natin, hindi 'yung sisigaw ka. Ayaw nating mag sigawan 'di ba? Pag may problema ang sabi natin pag-uusapan ng maayos..." Mahinahon pa rin ang kaniyang boses.

The Boundless Love Where stories live. Discover now