PROLOUGE

116 2 0
                                    

PROLOUGE

"Class dismiss." Sabi ng teacher at sakto no'n ay nagbell na.

"Do not forget your homeworks, pass them here before you go out."

Isa-isa kaming naglagay ng mga notebook namin sa physics sa lamesa ni Sir. Palabas na sana ako sa pinto nang tinawag ako ni sir.

"Jade." Tawag ni Sir Gio.

"Yes, po?"

Inantay niya muna na lumabas yung natirang estudyante at saka lang siya nagsalita.

"Dinner at my house later. Your dad told me to tell you. You and your kuya will come with me after school."

"Yes po, tito." Sabi ko.

Tito ko si Sir Gio dahil kapatid siya ni Mama. Kaya tuwing wala akong naintindihan sa physics class niya ay tutor ko siya at ang kapalit no'n ay tutulungan ko siyang mag check ng mga test papers at mag record ng mga hawak niyang estudyante.

"Alis na po ako, tito."

Nag-ring yung phone niya at sinagot niya ito. Aalis na sana ako pero pinigilan niya muli ako.

"Wait. Don't go yet." Sabi niya at pinakinggan ang telepono niya.

"We will be there immediately." Binaba niya ang tawag at may kinuha na envelope sa drawer niya.

"Let's go. Dinner is canceled and we have emergency family gathering right now. Go get your brother and i'll go to the principal's office."

"Ano pong meron?"

"Just go get your brother."

Sinunod ko na lamang ang utos niya at tumakbo ng gym kasi doon may practice sina kuya. Tumakbo ako at parang seryoso ang sitwasyon ngayon kasi pinagpapawisan si tito at namumutla.

Hingal kong binuksa ang pinto ng gym at napatigil ang practice ni na kuya.

"Xavier, kapatid mo." Sabi ng coach nila.

Nilapitan naman ako ni Kuya na pawis na pawis na.

"Magpalit ka. Emergency family meeting daw."

"Na naman? May laro kami next week kailangan ito."

"Seryoso si Tito." Pagkasabi ko no'n ay medyo kumirot ang mata ko sa hindi ko alam na dahilan.

"Coach! Alis na ako! Emergency sa bahay!" Sabi ni Kuya sa coach niya.

"Toy, hindi pwede. Next week na ang laban niyo."

"Pasensya na coach emergency talaga at kailangan kami."

Nagpalit siya ng t-shirt ng mabilisan at kinuha ang bag niya. Sabay kaming tumakbo papunta sa parking lot at agad na sumakay sa kotse ni Tito.

Hindi ko alam ang emergency sa bahay pero mukhang alam ni Kuya ito na napatigil siya sa basketball.

"Tito, anong ginawa niyo?" Tanong ko.

"Resigned."

"Ha? Tito, bakit? Ang ganda naman ng reputasyon niyo sa school."

"This family emergency is much more important than my career."

Pinaandar niya na ang sasakyan at humarurot na paalis. Ilang minuto lamang at narating na namin ang bahay namin.

Pagkapasok namin ay andoon na sila Riza sa bahay na mukhang naguguluhan sa nangyayari. Si Riza nga pala ay Pinsan ko sa side ni Papa.

"Alam mo ang nangyayari?" Tanon ko kay Riza.

"Hindi. Nagresign nga si Mama eh gawa dito sa emergency family meeting."

Si Tita din? Si Tita Ali kasi ay Teacher din sa school na pinapasukan ni Riza at magaling na teacher si Tita. Hindi ko alam kung bakit nagresign si Tita at Tito.

Pagkarating namin sa sala ay doon nakaupo ang mga matatanda sa isang couch tas isang matandang lalaki sa isang single seat sofa.

"Kids, come here." Aya ni Papa sa amin at umupo sa bakanteng couch. Katabi ko si Riza at katabi naman ni Riza ay si Kuya.

Nginitian kami ng matandang lalaki na nakaupo sa single sofa.

"It's almost her time and the young girl beside her too." Sabi nito.

Oras ko na? Teka ayaw ko pa mamatay! Anong ibig sabihin niya na oras ko na?

"Yes, these two girls are almost at age to be one of us." Sabi ni Tita Ali.

"Alam mo sinasabi nila?" Bulong ko kay Riza.

"Hindi ko rin alam." Bulong nito pabalik.

"And this boy, your coming of age ceremony with the crown prince was surely memorable." Natatawang sabi ng matanda.

Nakita ko lang na umiwas ng tingin si Kuya.

"What brings you here to come all this way?" Tanong ni Mama.

"I was just passing by because some little runts escaped and nobody powerful enough to stop them. So i came here myself to go get them. But i figure that i can't catch them on my own, so i need help from my former elite knights."

Eto ang emergency family meeting? Wala akong maintindihan. Pinipilit kong ipasok lahat sa utak ko para maintindihan pero walang lumalabas na sagot.

"I think it is time to tell the youngsters your secret. They look confuse. I'll be going out now to find traces of the little runts."

Lahat sila ay yumuko sa pag-alis ng matandang lalaki.

At nang makaalis ang matanda ay hindi padin kami makapagsalita ni Riza sa sitwasyon na wala kaming maintindihan.

"I'll go help the King find. The four of you explain it to them." Sabi ni Tito at umalis.

"Anak, i know this is a lot to take in, but please take it well. We are not humans." Sabi ni Papa.

Hindi muna ako sumagot. Inantay ko muna ang susunod niyang sa sabihin.

"We are dragons."

"The fire breathing flying reptiles?" Tanong ni Riza.

"That's offensive." Sabi ni Tita Ali.

"Sorry."

"We are not the normal ones the humans portrays in this world. We can use magic. We are descedants of great ancient dragons that is equally powerful to a god. And this..." Naging bata muli si Papa sa harap ko."Is my true face."

"We can not age, when we reach adulthood in human years, this will be our face for the rest of our lives. And the person you saw who we talked to, is the current king of our homeland. That form he took on is just a disguise."

"Anak, please understand what we are saying." Sabi ni Mama.

"Riza, we will have a talk about this later on." Sabi ni Tita Ali.

"Akyat muna ako, ma, pa. Pahinga muna ako. I'll try to understand all of this." Sabi ko at umakyat sa kwarto ko.

At doon ay hindi nila ako pinigilan at umakyat sa taas. Pumasok ako sa kwarto ko at nahiga. Hindi ako pagod sa katawan, pagod akong mag-isip.

Mga ilang oras lang para maproseso ko ang lahat at handa na ulit akong kausapin sila.

AUTHOR'S NOTE

HELLO! NEW STORY!
NAHALUNGKAT KO LANG SA NOTEBOOK KO NOONG GRADE 8 KAYA I DECIDED WHY NOT GIVE IT A TRY.

Wyvern AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon