note

15 1 1
                                    

this is my dream journal, sinubukan naming gumawa ng mga kaibigan ko ng journal about sa mga napapaginipan namin. Kung ano lang maalala namin, ay iyon ang ilalagay sa kanya-kanyang journal.

May isa kasi akong kaibigan na naniniwalang lahat ng napapaginipan natin, naaalala man o hindi ay may ibig-sabihin.

Kahit ako din naman, naniniwala sa ganoon.

Imbis na gawin ko ito sa notes ko, ay gusto kong i-share sa inyo ang mga weird, nakakatakot, nakakakilig, nakakatuwa o malungkot na panaginip man iyan.

Hindi ko din alam kung ano ang ibig-sabihin ng iba, pero tara na at iku-kuwento ko sa inyo ang mga panaginip ko.

Kadalasan din sa panaginip ko ay ako ang nasa posisyon, parang ako ang bida doon.

ANG STORYA AY TOTOONG NAPAGINIPAN KO, PERO NI-EXPAND KO NA LANG ANG DETALYE UPANG MAS MAKABULUHAN ANG KWENTO.

HAPPY READING !

dream journalWo Geschichten leben. Entdecke jetzt