Chapter 42

47 4 0
                                    

Proud

Suot ang hoodie na hanggang tuhod at facemask ay bumaba ako sa hagdan.Naka suot din ako nang Shades.

Itinago ko Ang dalawa Kong kamay sa bulsa nang Jacket bago nag tungo sa may sofa kung saan naka upo si Sadiah at Axel.May dala Silang basket nang prutas at brown envelope.

Tumikhim ako at naupo sa tapat nila bago pinag Krus ang aking mga hita.Nag iwas ako nang tingin sa kanila.

"Devie,nag alala kami sayo"

Mahinang Sabi ni Sadiah.Hindi ako umimik.

Anong sasabihin ko sa kanila?okay lang ako,wag Silang mag alala?hindi,hindi ako okay.Hindi ko kayang mag sinungaling at sabihin na maayos lang Ang lahat.

"Alam namin Yung...sitwasyon niyo ni Lorkan ngayon"

Singit ni Axel.Parang nag si tayuan Ang mga balahibo ko nang narinig Ang pangalan ni Lorkan.Lumunok ako at SA ibang direksyon naman ibinaling Ang aking tingin.

"Devie Pwede na tayong maging gast."

Natigilan ako at matik na tumingin kay Axel.

Gast,ibig sabihin ay hihinto na kami sa ginagawa namin bilang grupo sa organisasyon.Hindi quiting Pero parang ganuon Na di Ang meaning nito.Wala nang rules,codes,pwede na naming gawin lahat Pero hindi na kami bibigyan nang order.Para narin kaming nag quit Pero parte parin kami nang organisasyon.Para kaming huminto lang at pwedeng bumalik kung gusto namin kapag naka lipas ang taon na naka lagay sa kontrata,hindi ito pwedeng baguhin kung biglang mag bago Ang isip mo.

Tinanggal ko Ang suot Kong salamin bago tumitig kay Axel.Akala nila ay codes ang dahilan kaya nag ka ganito kami ni Lorkan.No,more than that.

Ayokong maging gast,para lang iyon Isang pahinga.Aanhin ko pa yon kung wala na naman kami ni Lorkan.

"No-"

"Devie...pwede na kayong magsama ni Lorkan"

Huminto muna si Sadiah at umiling.

"Pumirma Tayo sa contract nang dalawampong taon,kapag Na expired yon pumirma ulit tayo, hanggang SA Pag Tanda natin.Pumirma Tayo nang paulit ulit... hanggang dun lang ang kaya ko,ayokong mag quit kahit Na parang ganon Na din Ang mangyayari,Ang mahalaga parte parin Tayo nang organisasyon."

Rinig ko Ang Lungkot sa tono nang Pag sasalita niya habang mahina at kalmadong nag sasalita.Mukang napamahal Na talaga siya sa kung anong meron siya ngayon.Siya Ang pinaka huling miyembro Na nadagdag samin at ngayon,kung umasta siya ay parang siya Ang pinaka matagal dito.

"No."

Ulit ko.

"Devie nakuha na natin ang gusto natin"

Binuksan ni Axel ang brown envelope at may papel na iniabot sa akin.Tinanggap ko iyon at binasa.

Good day, section stealer!

Y'all are invited tomorrow for the biggest event.The rank changed again and we need you all to come.For the first time in the history,rank 1 will having two spots for two group for succeeding the task we gave them.

Three head of organisation.

Pakiramdam ko ay may bumara sa lalamunan ko at nanginig ang kamay ko.

"Tumawag ako kanina Kay Kahel para makumpirma kung tayo ba iyon at sinabi niyang oo.Grupo natin at ni Lorkan"

Sabi ni Axel.

Nag tubig ang mata ko.Gusto Kong umiyak.Nakuha ko na Ang gusto ko at matagal Kong minimithi Pero kahit kaunting saya ay wala akong maramdaman.Maybe yes,I'm happy for my team dahil nagawa nila yon.Masaya din ako para sa grupo nina Lorkan.

The Stealer's PossesionOnde histórias criam vida. Descubra agora