Prince Charming or Anime Hero

76 1 1
                                    

"PHILIPPINE UNIVERSITY, HERE I COME!"

It was early 5 o'clock in the morning. Actually 7 pa ang time niya pero excited na siyang pumasok sa school niya. Wala pang gaano istudyante ang nasa loob sa malaking school na iyon. Kaya nakakatiyak ang dalagita na walang makakarinig ng sigaw niya.

Isang dream come true para kay Tiffany Reyes ang mapili mabigyan ng scholorship para makapag-aral siya sa Philippine University. Lumaki kasi siya sa orphan at siya ang sinuwerteng mabigyan ng libreng pag-aaral.

Ang story niya ay parang si Judy Abbot based on the novel Daddy Long Legs. Kaya lang hindi matutulad ang story niya sa nasabing character dahil kilala niya ang benefactor niya. His name is Jervis Montreal, isang businessman at isa rin sa nagmamay-ari ng school na papasukan niya.

Isa rin masasabing coincidence na kapangalan pa ng love interest at benefactor ni Judy ang benefactor niya. Siguradong hindi siya maiinlove doon dahil nakita na rin niya ito ng personal. Isang father figure lang ang nakikita niya dito. Magaan agad ang loob niya dito dahil naging napakabait nito sa kanya.

Masayang-masaya talaga si Tiffany. Nakangiting binuksan niya ang folder na hawak. Nakalagay doon ang lahat ng papeles na kailangan niya sa pag-aaral niya sa nasabing school.

Kaya lang naramdaman ng dalagita ang malakas na pag-ihip ng hangin at nilipad ang lahat ng hawak niya. Tarantang dinampot niya ang mga iyon.

Ngunit may isang papel na malakas na nilipad ng hangin. Nagtatakbong sinundan iyon ni Tiffany. Hindi niya namalayan na nasa parking lot na siya.

Sa wakas ay naabutan din ni Tiffany ang papel na iyon. Iyon pala ang kanyang personal na information.  Paglingon niya ay hindi niya inaasahan ang kotseng papunta sa kinaroroonan niya.

"No!" sigaw niya sabay na napataubsob siya. Pinangkubli pa niya ang folder na hawak bilang pagprotekta sa sarili.

Inaasahan na niyang tatama sa kanya ang kotse at narinig niya ang malakas na pagpreno nito.

Dahan-dahan nag-angat ng tingin si Tiffany nang maramdaman niyang umiba ng landas ang kotseng bubunggo sana sa kanya. Mabilis na nakaliko ang driver ng kotse na iyon. At mabilis din itong nakapagpreno. Isang dangkal na lang at tatama din ito sa ibang kotseng nakapark sa lugar na iyon.

Tulala pa rin si Tiffany sa nangyari.  Akala niya katapusan na niya. Patayo na sana siya nang maramdaman niyang nanakit ang kanang binti niya na tumama sa semento kanina.

"Oh my God! Are you alright?"

Napangiti si Tiffany. Mabuti naman at may concern ang taong nakabunggo sa kanya. Hindi pa rin siya nakatinging dito kung hindi sa nasaktang binti niya.

"Mabuti at ayos ka lang Princess. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyari sa 'yo."

He so sweet at tinawag pa siyang princess.  Agad na nag-angat ng tingin si Tiffany para sabihing okey lang siya. At laking gulat niya at hindi sa kanya nakatingin ang lalaking iyon kung hindi sa unahang kotse nito. Yung mga concern pala ng narinig niya ay hindi para sa kanya kung hindi sa kotse nito.

Maya-maya ay nag-angat ito ng tingin. Malamig siya nitong tinitigan. "Are you crazy or an idiot? Alam mo naman sigurong nasa park ka. Bakit hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo?" paninita agad nito.

"Hindi ako crazy at lalong hindi ako idiot. At ikaw imbes na mag-apology ka sa muntik mo nang pagkakabungo sa akin sasabihan mo pa ako ng ganyan," pagtataray din niya dito.

"Why should I. Nasa tamang lugar ako ng pagdadrive ikaw itong basta na lang humarang sa way ko. Pasalamat ka at hindi napinsala ang sasakyan ko. Kung hindi talagang pagbabayarin kita." tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa."I don't think kung meron ka ngang ipambabayad sa akin."

She wearing her old pants na tastas na sa dulo. Natanggal din ang isang suwelas ng rubber shoes niya na pinagkahirapan niyang lagyan ng rugby kagabi. Suot din niya ang pink na blouse na nabili niya sa ukay-ukay sa halagang 10 pesos.

"Are you really sure na isa kang estudyante dito? Bawal ang palaboy dito, Miss," minsan pa niyang sinipat ng tingin ang dalagita. Nakikita niyang gusgusin ang ayos nito pero aaminin niyang nagandahan din siya sa dalagita. She look like ang chinese dahil tsinita ang mata nito. At ngayon nga ay nakaponytail pa buhok nito. Nahihirapan tuloy siyang iestimate ang edad nito.

"Bakit porke ba ganito ang ayos ko hindi na ako puwedeng maging estudyante ng Philippine University?  Ang pagkakaalam ko kasi ang nakakapag-aral lang sa school na ito kung hindi man mayaman ay matalino. Well, kaya ako nandito dahil matalino ako at palagi akong 1st honor sa dati kong school. Eh, ikaw. Siguro mayaman ka lang kaya ka nandito, ano." pagyayabang niya at tiningnan din niya ito mulo ulo hanggang paa.

Hindi pa man nagpapakilala ang lalaking ito ay nasisiguro niyang anak mayaman ito. Sigurado siyang branded ang suot nito. Para itong model with his white pants whith black shirt. Nakajacket din ito ng black combination of white. Napatingala pa siya sa estimate niya ay nasa nearly six feet ang height nito. He had a white complexion contrast sa black eyes nito. Parang sa babae ang lips na ito dahil mapula. But wait he really look like a girl dahil umabot na sa balikat ang black straight nito na mukha pang rebonded.

Napansin din ng lalaking iyon na tinititigan niya ito. Napasimangot siya nang ngumisi ito.

"Sorry, Miss. Kung nalove at first sight ka sa akin kalimutan mo nalang. Hindi ako magkakainterest sa 'yo," sabi nito at muli itong humakbang para sumakay ng kotse.

"Huh, Anong sinabi mo? Ako malalove at first sight sa 'yo?" itinuro pa ni Tiffany ang sarili. "Eh, ang kapal din pala ng mukha mo porke tinititigan ka lang nalove at first sight na kaagad. As in agad agad," naningkit ang mata niya at akmang tatayo sana siya nang muling nanakit ang binti niya.

Napailing lang ang lalaki habang pinapanood siyang napapangiwi habang hawat ang binti.  "Just stay where you are. Hindi naman ako heartless gaya ng akala mo. Ipapark ko lang ang kotse ko at ihahatid kita sa clinic," iyon lang at sumakay na ito ng kotse.

Prince Charming or Anime HeroWhere stories live. Discover now