Nawala Self Love Ko Dahil Sayo Kaya Umayos Ka

7 1 0
                                    

Pag open ko pa lang ng messenger ko ay nag lo-log na ang phone ko dahil sa sunod sunod na message notification.

And as expected, si Kurt na naman. Si Kurt De Leon lang naman ang laging nag papa ingay ng messenger ko.

I opened his messages para lang mag pa talon talon na naman sa kilig.

“Kia?? Gising ka na ba?”

“Good morning Kia na maganda, bangon ka na diyan. Again good morning have a nice day ahead and don't forget your breakfast”

OMG! Ito talaga yung pinaka gusto ko dito eh yung line niya na ganito!

"Tanga hindi lang ikaw ang sinasabihan niyan! ". Sabi ng right side ng isip ko pero kinukontra talaga ng left side kasi nga sobrang gwapo nitong si Kurt saka crush ko.

Umagang umaga siya agad ang bungad ng araw ko.

Matagal na kaming magka chat, mga one month na ata kaming mag ka chat .

Ang sweet ng convo namin parang may kami pero.... Hahaha walang kami in short no label kami.

Pero okay lang 'yon. Someday magkakalabel rin kami.

Kanina pa ako bumangon pero humiga ako ulit sa kama ko para mag reply kay Kurt.

“Good morning Kurt kong kupal, tapos na ako mag breakfast sana ikaw den” sabi ko dito.

Mas lalo ako na excite nang makitang na seen niya agad.

“Very good, actually I'm eating my breakfast now and ako lang mag isa dito sa bahay. Maagang umalis parents ko.” Reply Niya.

“Ayy kawawa naman pala ang Kurt ko? Samahan kita diyan gusto mo?” Tanong ko sa kanya.

Di narin masama, malapit lang ang bahay nila nasa kabilang subdivision lang naman pwedeng lakarin papunta doon.

“Sure ka baby, Wala ka bang gagawin diyan sa bahay niyo?"

"Ayyy!!! Oh my gosh ito na naman!" Napatili ako ng mabasa ang chat niya.   Tinawag na naman niya akong baby!

“Im sure, baby” I replied

Sa totoo lang meron hehehe. Actually mag momodule sana ako.

“Sige punta ka dito bored ako eh”

“Maliligo lang ako tas pupunta na ako diyan wait ka lang.”

Naligo ako. After ko maligo ay lumabas na ako ng kwarto at nag paalam ka mama.

Syempre hindi ko sasabihin na kay Kurt ako pupunta.

"Ma! Aalis muna ako. Punta lang ako tindahan mag papa-load." Paalam ko kay mama.

Kunot-noong tiningnan ako ni mama.
"Anong mag papa-load sinasabi mo? Naka WiFi tayo! Sabihin mo gagala ka na naman kasama mga kaibigan mo."

Naku po!!

"Hehe oo nga pala naka WiFi tayo." Peke ang ngiting umiwas ako ng tingin kay mama saka may naalala ako. "Pero Mama, masisira yung sim card ko ano ka ba ilang buwan nang di nagka ka load 'to Mama." Diskarte ko.

Lulusot talaga ako.

"Umuwi ka agad, naku Kia wag ka gumaya dun sa mga kaibigan mo wag ka mag jowa jowa talagang makakalbo ka sakin subukan mo lang. " Naiiritang sabi ni mama

"Hala si Mama naman, alam mong self love ako kasi wala akong jowa."

Cancel muna self love ko, nandyan si Kurt. Hehe.

"Alis na ako Ma! Balik ako Maya." I wave good bye.

Pumunta muna ako sa tindahan. Syempre mag papa-load talaga ako para may proof.

Habang naglalakad ako, tuloy parin yung pag chat namin ni Kurt.

“Hahaha tagal mo naman, Kia." Sabi nito

“Nag lalakad ako remember? Hahaha.” Reply ko sa kanya.

Medyo mabagal ang reply niya stalk ko muna siya.

May bago siyang post. Just now kaka post niya lang.

“Akin ka Lang” yun ang naka lagay.

Inside my mind I'm saying... yes I'm only yours baby.

Wala pa ring reply kaya tumigil muna ako sa may beanch. Papalabas na ako sa village namin. Nasa kabilang kalsada na ang subdivision kung saan siya naka tira.

Tumunog ang messenger ko kaya tinignan ko agad ang phone ko.

“Slr Kia. Naglalakad ka pa?” si Kurt.

Nakuu Kurt umayos ka nawala self love ko dahil sayo.

“Alangan naman na lumipad Kurt wala akong pakpak.” naiiritang reply ko.

Ano kaya pinagkakaabalahan nito?

“Uyy wag ka lumipad  Kia, umaga ngayon mamayang gabi ka na lumipad. Hahahah” Pang aasar pa nito.

“Wag ka mag alala ikaw ang unang bibingwitin ko. Hahahah.” I replied.

“Hahaha. Kia seryoso ka pupunta ka Dito? Nag yayang lumabas mga barkada ko aalis ako.” sabi nito.

“Ay ganun ba? Sige babalik nalang ako.” Nagtatampong reply ko.

“Hala gagi 'to. Paalis na ako kita nalang tayo sa labas ng subdivision? Asan ka na na?” Sabi Niya

Paalis na pala eh.

“Nasa labasan ng Village. Nasa Beanch sa may puno ng Nara. Dito lang ako.” Reply ko dito .

“Sige hintayin mo ko diyan Kia.” sabi nito .

Habang wala pa siya nag scroll-scroll muna ako sa Facebook.
Sa kaka scroll ko may nakita akong post na nagpantigil sakin.

Kyla Reyes is in a relationship with Kurt De Leon.....

Oh my..... Goshh....

In a relationship? With Kyla Reyes?

Kaklase ko to ah. Classmate ko si Kyla.

Hindi ko alam kung ano nararamdaman ko basta ko nalang nilike ang post at saka nag comment.

“Congrats. Keep strong, Lovers.”

Akmang tutulo na ang luha ko ng may tumapit sa balikat ko

"Kia! Uyy kanina ka pa ba dito?" Si Kurt. Nasa likod ko.

"Hi Kurt nadyan ka na pala? Bilis mo ah. Kakarating ko lang kasi nag lalakad pa ako kanina." I said and fake a smile.

Akala ko Kurt may nararamdaman ka den sakin.....

Yun pala may girlfriend ka na.

"Eh? Mabilis talaga ako kumilos Kia HAHAHA." Nagawa pa niya tumawa.

"Saan gala niyo niyan?" Tanong ko. Pilit na tinatakpan yung totoong nararamdaman ko.

"Ewan, road trip siguro. Alam mo naman na hindi kami gumagala sa Mall, pang girls lang yang mall. Hahaha." Sabi nito at naki upo sa beanch.

Ang tanga mo Kia, ang manhid mo Kurt

"Ahahaha siguro nga." I fake a smile. " Sige Kurt uuwi na ako." Paalam ko.

"Uuwi ka na agad?" Tanong niya.

"Mag momodule pa pala ako hehe." Palusot ko.

"Mag milk tea muna tayo dun sa malapit lang." Sabi niya pero tumayo na ako tumalikod.

"Next time nalang Kurt!" Sigaw ko at tumakbo dahil tumutulo na ang mga luha ko.

Tumakbo ako ng tumakbo hanggang sa maka liko ako at doon na ako napa upo at umiyak.

Imagine nag iiyak ako sa gilid ng kalsada? Para akong baliw.

Mahal ko si Kurt.

Umasa ako na may nararamdaman den siya sakin.

Masakit but I have to accept that it's just me thinking that we had a chance. It's just me who hoped for a love back while in fact he don't beg me to love him, I just did so I don't have the right to ask him for a love back.

“Tuloy self love ko!” Naisigaw ko nalang.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 10, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Nawala Self Love Ko Dahil Sayo Kaya Umayos KaWhere stories live. Discover now