Prologue

25 2 0
                                    


LOVE ME
MR. SSG PRESIDENT










"Hindi na ako sasabay sa'yo, Bro, maglalakad nalang ako" Ani ko habang inaayos ang sintas ng aking sapatos

"Sino ba kasing may sabi na sasabay ka sa 'kin?" Sarkastikong sabi niya. Inangat ko ang aking tingin at tinignan siya ng masama. "Kidding. Mas madali ka makakarating kapag sasabay ka sa 'kin, baka mamaya maligaw ka pa. Kaya mas mabuting sabay na tayo pumasok" mahabang litanya niya.

Today, is my first day of being a Senior High School student. Ito rin ang unang beses na mag-aaral ako sa skwelahan na malapit sa lugar namin kung saan doon nag-aaral si kuya.

"e, sa gusto ko maglakad. May magagawa ka ba?" Masungit kong tanong sa kanya. Tumayo ako mula roon sa sofa at napabuntong hininga naman si Kuya.

"Kin, listen. sumabay ka muna sa 'kin ngayon, Kahit ngayon lang." Seryosong sabi niya. Isinukbit ko ang aking backpack sa magkabilang balikat ko at inayos ang nalukot na kwelyo ng uniform ko.

"Bro, hindi na ako bata, okay? Kaya ko ang sarili ko, wala ka bang tiwala sa maganda mong kapatid?" Pagmamayabang ko pa. Napailing siya na para bang tutol siya sa gandang taglay ko. Chos.

"Bro? Mukha ba tayong mag tropa?" binalewala niya ang banat ko. Kumunot ang noo niya. hindi niya gets.

"Bro. . . short for Brother. akala ko ba matalino ka?" Napailing siya. "Alis na ako, ingat" sabi ko pagkatalikod.

"Tss. Ikaw ang mag-ingat, tigas ng ulo mo" hindi ko na pinansin ang sinabi niya at nagpatuloy nalang sa paglalakad palabas ng gate.

Malapit lang naman ang school dito, kaya namang lakarin kung gustohin mo talaga. Gusto kong maranasan 'yung maglalakad papuntang school katulad ng mga ginagawa ng ibang studyante. yung iba nga sumasakay sila sa mga bisiklita nila, ang cool siguro pag ganun. Bibili ako ng bisiklita at iyon ang gagamitin ko papuntang school, pero hindi muna ngayon. Galit pa sakin si Mommy at Daddy.

May rason kung bakit ako lumipat ng school. Na expelled ako sa dati kong school kaya yun ang dahilan kung bakit galit sakin si Mommy at Daddy at kung bakit dito ako mag-aaral.

Rinig ko ang busina ng isang kotse sa likuran ko at iyon ay Kuya. Dahan dahan niyang pinaandar ang sasakyan niya upang masabayan ang paglalakad ko.

"Hey, get in" aniya habang palipat lipat ang tingin niya sa daan at sa akin. I just rolled my eyes.

"No. thanks, i can walk" sabi ko na hindi tumitingin sa kanya.

"Kin, stop being stubborn. you little brat, come on. get in" inis na sabi niya. Huminto ako at napapadyak sa inis. Nahinto rin ang sasakyan niya

Hindi ba siya nakakaintindi?

"Pwede ba, Zacreus! hayaan mo akong maglakad. I. Can. Walk. at ayokong sumakay, tapos!" Talagang inis na sigaw ko. Kita ko ang pagbago ng reaksyon niya. galit ito.

"What did you just say?" Kunot noong tanong niya, halatang pinipigilan niya lang ang kanyang galit.

"I mean, Bro. . . Hayaan mo nalang kasi akong maglakad, excersise na rin to" napabuntong hininga siya na para bang wala na siyang magagawa at suko na.

"Okay, then. walk fast the time is running. Don't blame me if you got late" pagsuko niya, saka pinaharurot ang sasakyan. Napangiti ako. Wala talagang makakapigil sa 'kin. kapag gusto ko ay gagawin ko and no one can stop me even my dad, mom and my brother.

Masaya akong naglakad papunta sa bagong kong papasukan na skwelahan at naaalala kong 5 minutes nalang pala bago magsisimula ang flag ceremony. gosh!

Late, malala.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 15, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

LOVE ME MR. SSG PRESIDENT Where stories live. Discover now