Chapter I

6 3 0
                                    

Isang kagalang-galang at may magandang reputasiyon ang pamilyang "Yeon". Kilala ang kanilang pagkakawang gawa ng may malinis na intensiyon, at umabot ito sa bansang Japan at China. May ari ng tatlong malalaking kompanya ang mga "Yeon" at matalik nitong kaibigan ang pamilyang "Jeon"ngunit walang nakaka-alam na ang pagkakaibigang iyon ay hahantong lang pala sa isang malaking trahedya.

Natagpuan ang malamig na bangkay ng business man na si Jeon ha-il at ang tinutukoy na may sala ay ang ama ni Chaeun.





Ng mapatunayang ito nga ang may sala , kinitlan kaagad nito ng buhay sa loob ng kulungan. Dahil ron nagsimula ang malaking galit ni Chaeun sa lahat, at doon siya nagsimulang sumali sa isang malaking gang sa Seoul na may iisang pangalan: Chronicles



Ang pagsasalaysay ng isang chief officer sa mga general's at polis.

Chief officer Jang Jihyun:

Mag mula non ang pera at reputasiyon ay tuluyan ng nawasak at nasira, bumagsak na rin ang pamilyang "Yeon"at ang nag-iisa nitong anak na babae, si Yeon Chaeun ay napag-alamang naging isang leader ng isa sa mga grupong Chronicles, Apat silang naging banta ng mga kapolisan sa buong Seoul, sila'y naging malupit, marahas at walang awang ginagawa ang mga bagay na labag sa ating lipunan. Sina: Lauren T. At Chaeun ang laging magkasangga , sila din ang pinakamagaling sa laban at paghawak ng mga armas habang ang dalawang sina; Naeun at Jang ang magagaling sa pag back up at pagamit ng mga devices, kaya nilang ma hack ang kahit na anong nasa social media.

Maraming tao ang nakinig at naging interesado na akuin ang kaso isa na rito si Kim Tae jung, isang magaling na sundalo mula sa district 10 at naturingang pinakamagaling sa barilan. Sa kabilang banda ay naging interesado rin si Park Jae min , isa rin siyang sundalo mula sa district 5 at sinasabi nilang magaling siya sa pinaka magaling sa pakikipag suntukan.

Lingid sa kaalaman nila, isang nakawan na naman ang na i live broadcast sa isang sikat na jewelry shop sa hongdae kanina. " Sila na naman yan di'ba?".Ang sabi ni Tae Jung habang nanonood ng news. At tyaka inikot ikot ni Jae min ang ballpen at sinabing "Sino pa'ba , sila lang naman yung laging laman ng balita". Ang sagot ni Jae min.

Ang nakawan sa hongdae ay pinamumonuan ng dalawang babaeng naka balot hanggang mukha, sila'y magagaling sa suntukan at barilan na parang ang dali-dali lang lusutan ang lahat. Isang babae ang lumingon pabalik habang nakatingin sa mga batang umiiyak at sa matandang nasaktan pero biglang may boses na nagpabalik sa kanyang sarili, at ito'y boses ni Lauren na sinasabihan siyang " Takbo Chaeun, takbo!!!!!!!!".

Destined  To  Be  KilledWhere stories live. Discover now