Prologue

6 0 0
                                    



"Hoy!"

Biglang may tumawag sa pangalan ko. Ay! mali di ko name yan, ang ganda-ganda kaya ng pangalan ko tapos tatawagin lang akong...

"Hoy! Ano ba, bigyan mo 'ko ng isa pang order ng grilled shrimp!"

Nagtitimpi ako ng galit na nilingon 'yong taong panay 'hoy' sa'kin.

Huminga ako ng malalim bago sya pansinin. "Grilled shrimp para sa mukhang okra." Sabay ngiti ng napakatamis.

"Mukhang okra pala. Gusto mong bilhin ko 'tong restaurant niyong bulok?" Halatang inis na sabi nito sakin.

At ako nama'y tuwang-tuwa na pikon na s'ya.

"Edi bilhin mo, lalayas kami tapos di mo na ko makikita kahit kailan man." Sabay tawa kong sinabi sa kanya.

Tinitigan niya ko ng masama at saka tumalikod, naglakad pabalik sa lamesa nya na may tatlong beer sa ibabaw.

Hmmp. Di lang nabati sa birthday nya naglasing na.

Bumalik na ko sa kusina at sinabihan si papa na gumawa ng grilled shrimp na order nya, katapos bumalik na ko sa counter nang makita kong may babae na syang kasama sa tabi nya.

Ni kailan man di ko pa nakita yong babaeng 'yon. Kaano-ano nya kaya sya?

Umiling-iling ako para magising at mawala yong atensyon ko sa kanila.

"Babe."

Tawag sa'kin ng boyfriend ko. He hugged me from behind at saka hinalikan yong leeg ko.

"Tigil, maraming tao." Mahina kong saway.

Agad naman syang bumitaw.

"Aalis muna ako, samahan ko lang si ate sa mall marami yatang bibilhin."

Tumango na ko at tsaka ngumiti.

Binalik ko yong atensyon ko sa restaurant nang mahuli kong nakatitig sya ng napakasama parang papatay ata.

Tinaasan ko sya ng kilay at saka umirap.

Napansin kong tinapik sya ng babaeng katabi nya pero di nya 'to pinansin at saka tumayo at lumakad palabas ng restaurant namin.

Bigla akong napatawag sa kanya kahit nakaramdam ako ng konting takot lang naman, eh kasi naman sa pangit nya kung magalit nakakatakot talaga.

"Syk! Bayad mo!" Sigaw ko.

Huminto sya at inilabas yong pera nya na pambayad at saka 'to binilog at ibinato sa glass door.

Grabe yong galit na nararamdaman ko ngayon. Napakawalang respetong hayop.

"Mamaya ka sakin."

-----------

Author: Thank you so much for reading.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 24, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

AbaddonWhere stories live. Discover now